Sa palengke na rin kami nag lunch para bawas dalahin sa itaas. Ahi! Sa sobrang lakas pa rin ng ulan, ni ang paanan ng bundok na aakyatin namin ay hindi ko na makita. Kaya kahit mga tindera sa palengke eh nagtataka kung ano bang nakain namin at sobrang desidido kaming umakyat. Pero eto kami, dedma. Ahaha. Sumakay kami ng tricycle papuntang jump-off at nagparegister sa baranggay outpost. After several minutes, we're ready to ascent!
Nung una yabang-yabangan ako, mabilis pa ko maglakad. Pero ng nararamdaman ko na ang bigat ng bag ko, walang pang 10 minutes, hingal na hingal na ko. Yak! Ang bilis kong napagod. Wala ring saysay ang nabili naming kapote sa vente, mas makapal pa ang plastic labo. Haha. (Nagreklamo pa eh bente nga lang yun) Kaya ayun basa din ako. :(
Half way to the campsite, ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko. Siguro dahil narin sa ulan at basang-basa na ko. (Weh, ang totoo wala kasi akong exercsie. Ehe.) Minsan hirap na hirap din ako i-angat ang sarili ko sa matataas na part dahil sa bigat ng bag ko. May mga trail na umaagos ang tubig dahil sa ulan. Meron naman sobrang tataas ng pagitan. Ibang-iba talaga 'to sa mga unang akyat ko, bukod sa bumabagyo eh tanghali narin kasi kaming nagsimula paakyat kaya hinahabol namin ang liwanag.
The trail is very well established from the jump-off to the Rockies. Hindi ko lang alam dun sa kabilang side (Grotto). Meron ding mga stations na pwedeng pagpahingahan when you get tired along the way. I think there are about 6 of it before the campsite which is a great relief dahil sa tagal kong hindi umakyat eh ang bilis kong mapagod.
Cooking dinner has been a great challenge for our group since we only have 1 stove. Samahan mo pa ng masungit na panahon eh mapapadasal ka nalang talaga para makaluto. Pero mabuti na lang at may magaling kaming cook (at si Alvin yon, hehe) at kahit papano eh nairaos namin ang aming hapunan. Lights out!
Sunday morning has been a relief. Paambon-ambon nalang at wala ng masyadong ulan. And the best of all, wala ng fog! Yipee! Nung sabado kasi para na kaming nasa langit sa sobrang kapal ng ulap sa paligid. Hehe. At ayun, we ate our breakfast at hindi na namin pinalampas ang pagkakataon at nagpunta na kami sa Rockies! Weeee!
The Rockies. Do you see mountaineers going down the trail?
The Rockies is 5 minutes away from the campsite kaya walang kahirap-hirap ang pagpunta. (Naks! Ikaw na!) You will have to cross a narrow path and climb on the steep rocky trail going up. It's a bit challenging lalo na sa may mga takot sa heights but surely all efforts are worth it when you get to see the view on top of the Rockies. Breathtaking indeed!
My estimated budget was roughly P500 for the transpo and food. Pero eto, P1,200 ang nagastos namin sa hindi malamang dahilan. Haha. But at the end of the day, this amount is worthless compared to the joy and fulfillment God has blessed us in this climb.
Mt. Maculot on the background. (Cuenca Public Market)
Notes:
Bus (JAM) from Buendia terminal to Lipa - P124
Jeep (bound to Lemery) going to Cuenca market - P20
Tricycle from market to jump-off - P20
Registration - P10
***Thanks to Shelly for my pictures. Siya ang naging tour guide ko at photographer sa taas ng Rockies. Hehe. Thanks Alvin for the dinner and breakfast. Thanks Chito sa pagpapahiram ng tent at cookset na sana sinama mo na ang stove, haha. At thank you sa iba pang nakasama ko sa pag-akyat. (Ron, Grace, Aldino, Jojo, Kuya Eboy, Monch) Until next climb!