Thursday, November 18, 2010

A Christmas Present

 
Nung bata pa ko, excited talaga ko kapag mag-papasko. Ang dami kasing pagkain. Madaming regalo, madaming pera (haha), tsaka parang lahat masaya. Parang may magic na dala ang pasko. Naalala ko pa nun, gusto kong nakukuha nun eh yung kulay ube na pera, o kaya kapag regalo naman gusto ko laruan, ayoko ng damit. Hehe.

Divisoria time! Tuwing magpa-pasko talaga sumusugod kaming buong pamilya sa Divisoria para mamili ng mga pang-regalo sa mga inaanak, pamangkin, at iba pang kelangang bigyan. Makikipag-siksikan at makikipag-tawaran talaga kami dun para marami kaming mapamili at mapagkasya lahat ng kailangang bilhan ng regalo sa bonus ni daddy. Hehe. Nakakapagod but at the end of the day, it's always been a fun adventure para saming pamilya.

Nagka-caroling pa ko nun, kasama yung mga kaibigan ko. Bato, lata at ang aming mga crystal voices eh solb na! Meron pa nga akong hindi makakalimutan nun na experience, one time nag-caroling kami sa mga kapit-bahay, ako yung taga-lyre (haha, nag-effort pa kong magdala ng lyre) tapos nung kumakanta na kami sa pangalawang bahay, nagulat kami kasi bigla kaming sinabuyan ng timba ng tubig na may langis-langis pa yata! Pahiya tuloy kami. Salbahe! Ayun, syempre nagalit yung mga nanay namin sa kapit-bahay namin na yun. Hmp! Lasing pala.

Tapos nagsisimbang-gabi din ako nun. Pero gabi talaga yung simba samin nun, mga 7 or 8PM siguro. Sa bisita lang kasi yun. (Bisita ang tawag samin sa mga maliliit na simbahan or yung mga chapel) Sa bayan, dun yung pang-madaling-araw. At ako pa! hindi ako sanay gumising ng maaga kaya samin lang ako. Haha. Pati nakakatuwang magsimba nun kasi magkikita-kita kayong magkaka-klasmeyt dahil kayo-kayo lang din naman sa baranggay ang magsisimba dun.

Noche Buena, yum! yum! Ang sarap ng ham, ang walang kamatayang spaghetti, keso at tasty (pan bread), bbq, sopas, fruit salad at kung anu-ano pang paboritong handa kapag pasko.

Pero sabi nga nila, everything's really changes. Ngayon hindi na ko nakakapag-simbang gabi. Siguro yung pagsisimba nalang ng Christmas Eve kasama ng pamilya. Hindi na rin ako nanga-ngaroling. Lalong lalo ng hindi na ko nakaka-pamasko, yun ang pinaka-masakit dun eh! Haha. Ako na yung obligadong magbigay kasi daw may trabaho na ko. Unfair! Tapos ngayon parang nakakahiya pa kung isang ube lang ang ibigay mo. Haaayyy iba na talaga ang panahon. Pero nagpupunta pa rin naman ako sa ibang mga ninong at ninang ko kapag pasko. Syempre nakasanayan na. Mas maganda ng puntahan mo sila kahit matanda ka na kesa naman dahil sa nahihiya ka eh hindi mo sila pupuntahan. Naintindihan nyo ba? Ang gulo ko noh? Haha.

Pati kung dati gusto ko ng perang ube at laruan, ngayon gusto ko perang blue tsaka trip to HongKong. (Abusado??? Haha) Syempre joke lang yon. Yung HongKong ah, pero yung perang blue syempre totoo yon. Haha. Wala, syempre habang tumatanda tayo at nagkaka-isip, naiiba naman talaga yung gusto natin (oh yung mga madumi ang utak dyan, hindi yun ang ibig kong sabihin) More of sa family matters, sa career, sa health, love life, sa future, yung mga ganun. Di ba? Pati kung dati eh yung mga gusto natin magkaron kapag pasko eh nanggagaling sa iba, ngayon iba na. Kung wala kang kamag-anak na mayaman na nasa ibang bansa para ibigay sayo yung kung ano man yung gusto mo, then ikaw mismo yung magi-strive na makuha yon. Pero ang importante eh dapat isa-isa lang. Hinay-hinay lang. Generous naman si God, ibibigay nya yan.

Sa ngayon, wala pa kong maisip na christmas gift na gusto ko. Hmmm, ano ba? Siguro gusto kong mabayaran lahat ng utang namin. Tsaka gusto kong makapasyal kami nila dadi sa kung saan pwede. Para naman marelax-relax sila. Yun lang. At isa pa pala, (kala ko ba one at a time??) Hindi Christmas wish naman to. Sige na! Hehe. Sana mapagamot ko na yung mata ng kapatid ko next year. Ayun. Ikaw, anong gusto mong matanggap ngayong pasko?

Wednesday, November 3, 2010

Birthday Climb at Mt. Balagbag

Friday ng gabi nung maalala kong may climb pala kami kinabukasan. Haha. Wala manlang paghahanda. Basta gumising nalang ako ng 5AM para maligo at mag-ayos ng gamit. Bumili nalang ako ng 2 Litro ng mineral sa 7 Eleven  para pambaon. Bumili nalang din kami ni Aldino ng 1 Kilong bigas, de lata, cup noodles, at lutong ulam para pagkain hanggang kinabukasan. Walang plano-plano basta kung ano nalang ang pwede. Hehe.

7AM nung umalis kami ng Robinsons Pioneer papuntang Tungko. At pagdating don, waaaaahhh! may naramdaman akong hindi maganda...nag-aalboroto yung tyan ko! Eeeeee.. Ang hirap kaya umakyat kapag ganun ung pakiramdam. Buti nalang at palengke yung binabaan namin at may Jollibee. Alam na! Hehe. Bumili na rin ako ng gamot at ininom agad para hindi magtagal pa.

Bus papuntang Tungko, Jeep papauntang bundok, at tricycle sana papuntang jump-off. Pero mas pinili naming lakarin yung pang-tricycle sana para daw pang warm-up. Lakad....lakad....lakad....lakad... ang layo pala! Haha. Buti nalang at madaming tindahan yung madadaanan pauntang jump-off, may panday-an pa! with FULLS! *falls* Ehehehe.

Sa pag-akyat namin papuntang summit *helipad*, may mga nadadaan sa amin na mga bikers papunta rin sa taas. Medyo kaiba ang trail nito sa Kalisungan kasi yung dinaanan namin paakyat eh kayang daanan ng 4x4. Maluwag. Ang kagandahan dito, kahit wala ka pa sa taas eh kitang-kita mo na ang kalawakan ng kapatagan (wow kapatagan! Eh di ikaw na ang magaling sa heograpiya!, hehe) Mas nakaka-aliw pa kasi kita mo ang buong skyline ng Metro Manila. Yung mga buildings sa Libis, Ortigas, Makati, Manila at Quezon City parang maliliit na kahon na nakatayo. Hehe, ang kukyut!

Tanghalian, nagpahinga muna kami sa taas at kumain. Habang tinitingnan ko ang buong paligid at sinisipat kung nasan ang PBCom building sa mga nakatayong kahon sa malayo (yes naman! tali-talinuhan), naisip ko, bakit kaya nagsisiksikan ang mga tao sa maynila, eh pagka-laki-laki-laki-laki-laki ng space sa paligid??? Ang luwag space sa paligid ng maynila!

Anyways, after lunch, bumaba naman kami sa kabilang panig ni Balagbag para pumunta sa mahiwagang ilog. Sa totoo lang, hindi sya mahiwaga, joke lang yon. Hehe. Matagal-tagal din ang trek pababa. 4:30PM na yata kami nakarating dun kaya dun narin kami nag-camp. At dahil sa gilid kami ng ilog nag-camp, asahan na ang samu't-saring mga insekto sa paligid. Nakakatuwa lang yung mga alitaptap sa gilid ng ilog, yung ibang insekto hindi na nakakatuwa. Hehe.

Kinabukasan 8AM narin yata nung nagsimula kaming umakyat ulit pabalik. Halos ubos na din yung mga dala nami tubig. Dahil din siguro sa tagal naming nagtrek nung unang araw, tuloy masyado kaming maraming nainom at kinapos yung dala namin. Buti nalang at may batis (wow batis!) sa dinaanan namin na pwedeng inumin yung tubig. O wag ka muna magreak, hindi yun yak! Sa totoo lang yung lasa nung tubig galing don eh walang pinagkaiba sa lasa ng mineral na dala namin. Tsaka alangan namang mag-inarte pa kami eh wala na nga kaming tubig. Hehe.

Marami rin kaming nadaanan na bangin, siguro mga anim (naks! bilang na bilang, haha). Yun bang mga isang metro lang yung tatapakan mo tapos bangin na. Iba-iba din ang mukang ipinakita samin ni Balagbag, may sobrang mapuno, matalahib, may maputik, may sobrang tarik, may patag lang, may damuhan, may mga agos ng tubig atbp. Nakakalungkot lang kasi talamak sa lugar ang illegal logging at pag-uuling. Hindi naman syempre kami makapagsalita dahil baka hindi na kami maka-uwi ng buhay. Hehe. May part din sa bundok na nakakatakot. Yung parang sa mga horror movie na may mga cannibal. O kaya yung may matandang mangkukulam na sumusubaybay samin. Ahahaha. Kung ano-ano naiisip.

Iba talaga yung pakiramdam kapag namumundok. Ewan ko. It gives me a feeling of excitement na yun lang ang nakakapag-bigay. After a climb, para syang achievement. No! It IS an achievement. It IS a fulfillment. And you will really admire God's creation. Parang sinasabi nya, "This is for you.", "I made it all for you.". Ang sarap ng pakiramdam. Habang naglalakad ako sa mountainside... seeing those endless mountains... and seeing these friends with me... I felt so blessed. Dati pangarap ko lang ma-experience maging mountaineer... and now I'm living those dreams.