"Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up." - Galatians 6:9
Thursday, November 18, 2010
A Christmas Present
Nung bata pa ko, excited talaga ko kapag mag-papasko. Ang dami kasing pagkain. Madaming regalo, madaming pera (haha), tsaka parang lahat masaya. Parang may magic na dala ang pasko. Naalala ko pa nun, gusto kong nakukuha nun eh yung kulay ube na pera, o kaya kapag regalo naman gusto ko laruan, ayoko ng damit. Hehe.
Divisoria time! Tuwing magpa-pasko talaga sumusugod kaming buong pamilya sa Divisoria para mamili ng mga pang-regalo sa mga inaanak, pamangkin, at iba pang kelangang bigyan. Makikipag-siksikan at makikipag-tawaran talaga kami dun para marami kaming mapamili at mapagkasya lahat ng kailangang bilhan ng regalo sa bonus ni daddy. Hehe. Nakakapagod but at the end of the day, it's always been a fun adventure para saming pamilya.
Nagka-caroling pa ko nun, kasama yung mga kaibigan ko. Bato, lata at ang aming mga crystal voices eh solb na! Meron pa nga akong hindi makakalimutan nun na experience, one time nag-caroling kami sa mga kapit-bahay, ako yung taga-lyre (haha, nag-effort pa kong magdala ng lyre) tapos nung kumakanta na kami sa pangalawang bahay, nagulat kami kasi bigla kaming sinabuyan ng timba ng tubig na may langis-langis pa yata! Pahiya tuloy kami. Salbahe! Ayun, syempre nagalit yung mga nanay namin sa kapit-bahay namin na yun. Hmp! Lasing pala.
Tapos nagsisimbang-gabi din ako nun. Pero gabi talaga yung simba samin nun, mga 7 or 8PM siguro. Sa bisita lang kasi yun. (Bisita ang tawag samin sa mga maliliit na simbahan or yung mga chapel) Sa bayan, dun yung pang-madaling-araw. At ako pa! hindi ako sanay gumising ng maaga kaya samin lang ako. Haha. Pati nakakatuwang magsimba nun kasi magkikita-kita kayong magkaka-klasmeyt dahil kayo-kayo lang din naman sa baranggay ang magsisimba dun.
Noche Buena, yum! yum! Ang sarap ng ham, ang walang kamatayang spaghetti, keso at tasty (pan bread), bbq, sopas, fruit salad at kung anu-ano pang paboritong handa kapag pasko.
Pero sabi nga nila, everything's really changes. Ngayon hindi na ko nakakapag-simbang gabi. Siguro yung pagsisimba nalang ng Christmas Eve kasama ng pamilya. Hindi na rin ako nanga-ngaroling. Lalong lalo ng hindi na ko nakaka-pamasko, yun ang pinaka-masakit dun eh! Haha. Ako na yung obligadong magbigay kasi daw may trabaho na ko. Unfair! Tapos ngayon parang nakakahiya pa kung isang ube lang ang ibigay mo. Haaayyy iba na talaga ang panahon. Pero nagpupunta pa rin naman ako sa ibang mga ninong at ninang ko kapag pasko. Syempre nakasanayan na. Mas maganda ng puntahan mo sila kahit matanda ka na kesa naman dahil sa nahihiya ka eh hindi mo sila pupuntahan. Naintindihan nyo ba? Ang gulo ko noh? Haha.
Pati kung dati gusto ko ng perang ube at laruan, ngayon gusto ko perang blue tsaka trip to HongKong. (Abusado??? Haha) Syempre joke lang yon. Yung HongKong ah, pero yung perang blue syempre totoo yon. Haha. Wala, syempre habang tumatanda tayo at nagkaka-isip, naiiba naman talaga yung gusto natin (oh yung mga madumi ang utak dyan, hindi yun ang ibig kong sabihin) More of sa family matters, sa career, sa health, love life, sa future, yung mga ganun. Di ba? Pati kung dati eh yung mga gusto natin magkaron kapag pasko eh nanggagaling sa iba, ngayon iba na. Kung wala kang kamag-anak na mayaman na nasa ibang bansa para ibigay sayo yung kung ano man yung gusto mo, then ikaw mismo yung magi-strive na makuha yon. Pero ang importante eh dapat isa-isa lang. Hinay-hinay lang. Generous naman si God, ibibigay nya yan.
Sa ngayon, wala pa kong maisip na christmas gift na gusto ko. Hmmm, ano ba? Siguro gusto kong mabayaran lahat ng utang namin. Tsaka gusto kong makapasyal kami nila dadi sa kung saan pwede. Para naman marelax-relax sila. Yun lang. At isa pa pala, (kala ko ba one at a time??) Hindi Christmas wish naman to. Sige na! Hehe. Sana mapagamot ko na yung mata ng kapatid ko next year. Ayun. Ikaw, anong gusto mong matanggap ngayong pasko?
No comments:
Post a Comment