Monday, June 28, 2010

Aldino Greetings (Bati)

Yun oh! Kasabay ng pag-graduate namin bilang SFC eh nakilala ko silang makukulit at magugulo na mga ka-batch ko. At kasama nga dun si Aldino a.k.a. Mayor Herbert Bautista. Haha. Bakit Herbert??? Eh kasi nung una palang namin syang makita sa CLP nila Monch eh para na naming nakita si Mayor Herbert. Ehe.

Anyway, isang taon na rin simula nung makilala ko 'tong si Aldino at maka-group (household) ko sa SFC, sa isang taon na yun, kahit pano marami na rin kaming napagsamahan. Nakita ko na yung ibang side ng emotions nya, pati ibang ugali. Lover boy. Maraming kalokohan. Napaka-adventurous! Kunyari healthy living at nagpapaka-active lifestyle. Haha. Walang paglagyan ng energy. Ewan ko ba dito kay Aldino, nabo-bored yata masyado kapag walang activity sa loob ng magkasunod na araw. Lahat na yata ng "run" gustong attenan. Masyadong kaladkarin. Kahit saan mo ayain payag, hindi manlang magpakipot kunyari at magpa-pilit manlang. Haha. Hanga ako dito kay Aldine kasi ang galing-galing sa mga kalokohan. Ang daming nalalaman! Ang bilis mag-isip ng mga kwento at alamat. Ang galing mag-segway. At in fairness may potential maging script writer, hehe.

Minsan ko lang 'to nakitang nagalit... at galing umarte ah, effective! Medyo kinabahan din ako kasi nun ko lang sya nakita na ganun. Ehe. (Oh sige na ikaw na artista!)

Kahit na parati mo kong inaasar at nakisali ka pa sa pang-iinis sakin nung thursday!!!!!!! (hmp!) Eh natutuwa naman ako dahil nandyan ka kasama namin. May you continue to be a good friend to everybody and may the Lord be always with you! More girls to come! Ay! Years pala, more years to come. Haha.

HaPpY Birthday Aldino!

Tuesday, June 22, 2010

Maximum!

Waaahhhh! Sobrang bilis talaga ng panahon. Di ko namalayan 1 year na pala since we've started serving the Lord through SFC community. And here we are, still in the pursuit of Christ. Sobrang masaya ko kasi maraming nabuong friendship, at marami din ang naging active sa SFC sa batch namin. Thankful din ako sa mga leaders namin na sobrang supportive, kay kuya Jao at Ate Weng na Team Heads nung time namin at syempre sa mga ka-batch ko for the friendship and love.

I know that this is just a start of our journey...of our fight. I pray to God na sana walang bumitaw, even myself.

HAPPY 1st BIRTHDAY SFC MAXIMUM!


Let's keep the fire burning to its MAXIMUM! (^^,)

Monday, June 21, 2010

Build on Christ!

After the Paco Park and Luneta tour, tumuloy na kami sa Quirino Grandstand para sa talagang pakay namin kahapon - ang maki-celebrate sa Couples For Christ's 29th Anniversary.

Habang kami nila Aldino eh nagpipicturan sa palatandaan ng KM. 0 sa tabi ng mga sasakyan sa kahabaan ng Roxas Blvd., (nakaka-hingal mag-explain, hehe) nakita na namin sila Andrew na kalabaw, Ay malapit sa kalabaw pala! Haha. (may dalawang statues ng kalabaw sa harap ng Luneta, dun) At ayun, binigyan na kami ng pins ni Ate Rizza at tumuloy na kami sa grounds. **Hillsongs Playing**

Pagpasok namin, na-excite na naman ako dahil first time kong makita ang barko ng MFHRI (Manila Floating Hotel and Restaurant). Ang lakkeeee. Well, hindi sya kasing laki ng Titanic pero malaki pa din sya. Masaya na ko sa ganun. Oh sige na, para na kong bata pero bakit ba! Hehe. Sa TV lang kasi ako nakakakita ng barko. Oo nakakakita din naman ako sa Manila Bay pero ang lalayo nila kaya maliit. Haha.


Medyo makulimlim na nung nasa grounds na kami ng Quirino Grandstand, medyo lumalakas na din ang lumalamig na hangin, ramdam na namin na uulan pero we're still hoping na hindi magtuloy. Sa mga ganung pagkakataon lagi kong naiisip na hindi hahayaan ni God na may mangyari na makakasira sa mga gawain para sa kanya as He does all the time. So nung mga oras na yun prenteng-prente ako na hindi talaga uulan, because all of us there believes. But then...

At one part of the program, unti-unti nang pumatak ang ulan. Napatayo na kami ni Ate Rizza sa pagkaka-upo namin at ginawang pang-silong yung binili naming sheet para upuan sa damo. Yung iba naki-silong nalang sa tents at yung iba, nagpayong. That moment, the rain is still tolerable and I still believe that God will stop the rain and let us go out again. Pero hindi yun ang nangyari, the rain had worsen. Yung lakas na kahit nakapayong ka na eh mababasa ka pa din. Nung time na yun naki-silong na din ako sa tent hoping na makakatakas ako sa lakas ng buhos ng ulan, pero hindi din pala.

Nasa bukana lang ako ng tent dahil marami na ring nagsisiksikan sa loob. That's why sa bawat ihip ng hangin kami ding mga nasa bandang harap ang nababasa.  That time the organizers have decided to temporarily stop the program at pasilungin muna ang mga members until the rain is tolerable. As we pray the rosary, medyo naging emotional ako. I don't know why. I just felt that I'm not alone. I'm with these people. Still holding on. Inspite of trials and challenges, we still serve, we still hope, we still believe. Maya-maya unti-unti ko ng naramdaman na pinapasok na ng tubig yung sapatos ko. Nagbaha na sa buong grounds dahil sa ulan. Basa na rin yung pantalon ko, kahit yung damit ko. I'm shivering in cold. Gusto ko ng umuwi. But after a moment, naantig talaga yung puso ko nung makita ko yung isang pamilya na sobrang dikit na dikit na sila sa isa't-isa para lang maka-kanlong sila sa dala-dala nilang payong, with the parents enclosing their children to their arms. It was warm. That was love. And they never give up. So must I.

At the end of the day, I never asked God why He let such thing happen. But I realized that God gave us the rain that night for us to see His message. That whatever trials and hardship and failures we may face, all we have to do is to hold on to each other, work together, and TRUST in Him. Because He is at work at us. He has a plan. It is a test. In spite of it we all haven't given up. We stayed. It's why we are here. We are FOR Christ. Built by His love. Build on Christ.

"Lord we are your children, 
Chosen and called by your Name 
With one heart and purpose we gather 
To glorify you and proclaim 
 
That you Lord are our sure foundation 
We will not be afraid 
When the storm comes we will not be shaken 
For by your hands we are saved"

Sunday, June 20, 2010

Rizal Park

After namin sa Paco Park, tumuloy na rin kami sa Luneta para naman um-attend sa 29th Anniversary ng Couples For Christ sa grandstand. We're lucky na malapit lang ang Paco Park sa Luneta at pwedeng lakarin. Just like the other historical landmarks of Manila, sobrang natutuwa ako kapag napupunta ko sa Luneta. Although, nakalimutan ko na nung huling pumasyal ako don, nakikita-kita ko din naman yon kapag napapadaan ako sa lugar sakay ng jeep or bus.

[Lecturan ko muna kayo ah, hehe] Luneta, commonly known as Rizal Park is a National Park of our capital and of the country. It's good to know that during the American Occupation, Daniel Burnham do the Master Plan for the City of Manila and made Luneta as the center of the Philippine Government patterned after "The National Mall" of Washington D.C. Yes! Daniel Burnham is also the person who master-planned Baguio City, that's why the city's central park is named after him -  Burnham Park. As planned, lahat SANA ng government departments, bureaus at agencies eh itatayo sa paligid ng Luneta in neo-classical architecture (exactly like U.S.'s capital). Sa totoo lang, nasimulan naman talaga yung project, but only three units were built: the (1) National Museum (Formerly the Legislative building), (2) Department of Agriculture (now housed the Department of Tourism) and the (3) Department of Finance (currently the Museum of the Filipino People). Pero sayang, as in sobrang sayang at nakaka-lunkot dahil hindi na natuloy ang original plan ni Burnham para sa Manila dahil sa pagsimula ng World War II kung san halos walang natira sa Maynila. Even the City Hall is not spared during the war and most of the structure has been destroyed. Simula non, Mr. Quezon created a new Capital for the country outside Manila which was named after him - Quezon City.

(Luneta, Bird's Eye View)
(The National Mall, Washington D.C.)
(The OLD Agripana Circle)

The saddest part is, hindi na nga natuloy ang plano ni Burnham para sa Luneta, hindi pa din nakuhang ayusin at malinis ng agency na namamahala sa park yung lugar. Yes medyo malinis naman pero...hindi sya gaanong name-maintain. I don't know. Yung relief map walang tubig, panay lumot. Yung fountain hindi manlang gumagana. Oo siguro malakas kumonsumo ng kuryente pero hello! It's our NATIONAL PARK! Mas okay na sakin na gastusin yung pera na binabayad sa tax para ipanggasta sa fountain kesa mapunta lang sa bulsa ng kung sino. At sana  magkaron manlang ng taste ang nagme-maintain, may mga swan na bato sa tabi-tabi??? PINK na National Museum??? At sana tanggalin nalang nila don si Lapu-Lapu at dun nalang sya sa Cebu. It's Rizal Park in the first place. Not Rizal ang Lapu-Lapu Park. Hayyyyy. Bakit ganyan??? Anyway, para naman maintindihan nyo ko, here are some pictures of Luneta.


Address: Km. 0, Roxas Blvd., Manila

Paco Park

Unti-unti, we're finally getting to visit the places we wish to go. Una ay nung nang-gulo kami sa Laguna at nilubog ang aming mga sarili sa napaka-lammmeeeeeggg na tubig ng Majayjay Falls. And just yesterday, nakarating na rin kami sa Paco Park that is also part of our list. Hurrraaayy! Bakit ba namin naisipan magpunta ng Paco Park??? Well, sisihin nyo sina Allan Alvarez at Mia Samonte. (Ngak! Sino ba yun???) Sila Bea at Lloydi sa "I Miss You Like Crazy". Ehe. Sobrang na-mesmerized kami ni Bebe nung makita namin yun sa movie at pareho agad kami ng naisip, "Dapat makapunta ko dyan! (dahil baka nandyan pa si Lolo Yuli)". And we did!

Paco Park is originally NOT a park, but a burial site of our grandparents nung mga panahon pa ng mga prayle, eletista, principalia, indio at gobernadorcillo. Completed in 1820 and has been converted into a national park in 1966 during the term of President Diosdado Macapagal. (So ano namang makikita dyan???) The park has two circular walls containing the niches. On top of it is a walkway. Nakakatuwa kasi kapag nandun ka eh para kang binalik sa lumang panahon beacuse of the old structure. It has also the dome-shaped chapel of San Pancratius at tha back that is commonly used for weddings. Even though most of the remains that rests in the park that was once Manila's municipal cemetery has already been moved, some still remained. Katulad na lang ng mga labi ng tatlong paring martir na sina Mario Gomez, José Burgos and Jacinto Zamora. And it's interesting to know that Paco Park is the original burial site of our national hero, Jose Rizal until it was moved to its final resting place beneath the monument at Luneta. Hehe, sori ah, mahili talaga ko sa history. Di ba nga?


Well anyway, hindi man namin nakita si Lolo Yuli don at hindi man kami nakapsok sa loob ng chapel (dahil kasalukuyang may kasal), sobrang natuwa din naman ako dahil sa wakas eh nakapunta na rin ako kasama sila Bebe, Monch, Mark, Luvs, Aldino at Dith sa lugar. I'm always been fascinated by the old structures in Manila. They're just simply wonderful to see. Malamang natuwa din sila, malow-bat ba naman ang kamera ni Aldino. Haha. Sana next time makasakay na rin at sa Pasig Ferry at makapunta sa Walled City. 

Address: San Marcelino & General Luna Sts, Manila
Tel: 302-7381 Fax: 302-7182

Friday, June 18, 2010

Malagkit-lagkit

Yaaaaaaaakkk! Yak talaga! Ayoko naman talagang tikman nung una, ang kaso parang na-curious lang ako sa lasa, ayun. Nung una medyo nagdadalawang-isip pa ko, pero nung nasa harap ko na sige na bigla ko nalang sinubo. In a few moment para kong masusuka, ang dulas-dulas kasi tapos ang lagkit-lagkit. Nahihiya lang akong iluwa kasi nakatingin sila sakin. Waaahh! Yun na talaga ang una't huling kain ko ng Laing! Haha. Si Lanie naman kasi pinilit ako! (Ows? pinilit ka ba talaga?)

Hindi talaga ko nakain ng Laing ever since. Ang pangit naman kasi ng itsura. Hehe. At syempre lalo na ngayon na nalasahan ko na. Eeee. Lasang gumamela. Haha. (Arte lang) (Nakakain ka na ng gumamela???) Hindi ako nakakain pero kasi di ba nung bata ka nagpapalobo ka ng gumamela, ganun yung lasa! (Alam ko yung mga laking maynila dyan katulad nila Aldino hindi naranasan magpalobo ng gumamela dahil panay bougainvillea[nose bleed] lang ang meron dito. Haha.) Nako pasensya na sa mga mahilig sa Laing ah, pero ayoko lang talaga. Parang kambing kasi. Hehe. Sino ba naman kasi naka-imbento ng Laing??? Ok lang sakin kumain ng dahon ng malunggay o usbong ng sampalok pero yung ginataang dahon ng gabi??? Anyway, bago pa ko kuyugin ng mga mahilig sa Laing, anu ba ang alamat ng dahon ng gabi Aldino? Hehe, 'wag ka na magpanggap dahil alam kong meron kang alamat para dyan. Sige ikwento mo nalang sakin kapag nagkita tayo ah. Ehe.

Meron pa kong hindi kinakain. Yung sisiw sa balot. Ang weird kasi. Mabalahibo tapos may paa pa! Ang weird siguro ng feeling sa bibig non. Hehe. Kayo meron ba kayong hindi kinakain na popular sa mga pagkaing pinoy?

Tuesday, June 15, 2010

Break Free!

It was yet another victory for the army of God and to His Majesty Himself as we concluded our Christian Life Program BREAK FREE last Saturday with the Lord's Day Celebration.

Sobrang naging mabilis lang ang 3-months! Ni hindi ko namalayan na Lord's Day na pala! Hehe. Ewan ko ba. Ganun siguro talaga kapag umaakyat na ang edad mo, tumatakbo nalang talaga ang panahon ng hindi mo namamalayan. **reminiscing** Hayyy. Sige itanong nalang natin sa mga nakaka-tandang member ng community kung ganun talaga. Haha. Anyway, the last CLP has been very exciting for me kasi for the first time in history of human existence, napahawak nila ko ng mic at napa-kanta sa harap! Waaahhh! Nung una medyo pakipot pa ko (syempre dapat pa-pilit epek muna, haha) at kabado pa talaga ko, pero nung mga sumunod na talk medyo nasasanay na din ako, in short, kumakapal na ang muks. Haha. Dati kasi takot na takot talaga ko sa mic. Ewan ko. Ang weird kasi kapag naririnig ko yung boses ko sa mic. Eh ayun, di nagtagal ako naman ang ayaw magpa-awat. Haha. (Ayon, gusto pala!)

The Lord's Day has been a simple yet an enjoyful celebration. The night's theme is BREAK FREE CONCERT, and it was my second time to be part of service team presentation. Ayon, sa tingin ko kahit papano sumaya naman sila nung nanggulo kami sa harap. Ehe. At first dapat magho-host pa ko, eh kaso tinanggihan ko kasi ayoko talaga. Ewan ko, siguro it's not the right time. Yes I'm really happy na gusto nila ko mag-host pero...wala, ayoko pa talaga. Nahihiya din naman talaga ko na tumanggi eh ang kaso, ayoko namang pilitin ang sarili ko. (Sorry talaga kuya Mon at ate Tina ah... At Lhen, 'wag ka na magtampo, alam mo namang hindi totoo yung nasasabi 'nila'.) Hmmmm, siguro nga there's no big deal sa pagho-host pero kasi... hindi ko alam. Haha. Basta, ang importante may pumalit naman sakin. Thanks Janjan! Tsaka thanks din Kuya Jap sa pag-intindi sakin. (wow dramarama sa tanghali, haha)

The night is indeed a great victory for all of us in SFC POLA, specially sa mga bago naming members. I'm really happy na marami ang naka-graduate in this batch and I'm looking forward na makasama ko sila in service. Congrats sa aming team heads na si kuya Mon-mon at ate Tina at sa lahat ng mga brothers and sisters na nag-serve last CLP! Let's keep the fire burning! (^^,)

Be free from worries; Let's forget our queries;
    It's time for you to see that life is full of mysteries.
Be part as we praise, for His greater glory.
    And be proud to be an SFC BREAK FREE!

Friday, June 11, 2010

Majayjay Falls

Habang nakasakay kami sa jeep papuntang Antipolo at dinarama ang kalagkitan at kainitan ng hangin sa syudad ng Pasig, bigla nalang nag-aya itong si Djem na magpunta daw kami sa Taytay Falls bago magpasukan sa June. Medyo na-excite naman ako pero sa loob loob ko hindi naman yun matutuloy. Ahaha. Kaya ayun umoo nalang ako para naman hindi masyadong sumama ang loob nitong si Djem. Hehe. 'Di na kasi bago sakin yung idea na yun. Dati pa din kasi namin pinaplano na magpunta dun nila Monch, at ayun, ni hinagap ng Taytay Falls eh hindi manlang namin naramdaman.

Pero dahil gusto ko din naman talagang pumunta don at medyo tag-araw pa naman (last week), nag-set na kami ng sked kung kelan kami pwede at nilatag na rin lahat ng kelangan. Actually, wala nga palang kailangan. Haha. Damit at pera lang. May bahay kasi sila Monch dun, (alam nyo naman 'tong si Monch kalat sa buong bansa ang pamilya) kaya hindi na namin problema ang tutuluyan.

4PM ng Saturday kami umalis ng Manila at gabi na kami nakarating sa bahay nila sa Sta. Cruz, Laguna. Grabe, akala ko matagal na ang 2hrs na byahe yun pala 2:30 to 4hrs! Ang layo pala! Si Monch kasi parang libangan ang pag-uwi don dati kaya ang akala ko tuloy sandali lang ang byahe. Anyway, pinlano namin na dun na nga lang kila Monch matulog ng Saturday night para Sunday ng umaga kami pupunta ng Majayjay.

6AM wake up time at syempre 6:30 ako nagising. Haha. (Sori naman, maaga pa nga yon eh!) Ayun, hindi na rin naman ako naligo dahil yun din naman ang gagawin namin sa Majayjay kaya kung maliligo pa ko at maliligo din ako sa Majayjay eh redundant na masyado! Haha. Hindi ako nagdadahilan, ganun talaga yon. (Bakit ba ko nagpapaliwanag???) Sumakay kami ng tricycle papuntang bayan then jeep papauntang Majayjay then jeep ulit papuntang Taytay. Nabilang nyo ba?? Hehe, basta tatlong sakay lang yon.

Pagdating sa Taytay, ibaba kayo mismo sa Baranggay Hall. Tapos dun, magpaparegister at magbabayad ng P20 para daw sa pondo ng maintenance ng lugar. Ok lang naman, sa maliit na halaga nkapag-nature trippings ka na, nakapag-swimming ka na, nakatulong ka pa sa pag-aayos nung lugar. (Sana lang sa pag-aayos talaga napupunta yan ah) Galing sa baranggay hall medyo maglalakad pa ng mga 1 kilometro papunta sa mismong falls. Sa paglalakad palang matutuwa ka na dahil sa dami ng makikita sa bundok. (Nakakita din kami ng ahas sa mismong dinaanan namin, pero maliit lang naman, pero ahas pa din yon! hehe.)

Ang Taytay falls at Majayjay falls eh iisa. It flows from the famous Mt. Banahaw sa Brgy. Taytay, Majayjay, Laguna. Ayun. Nasabi ko lang kasi nalilito din ako dati. Hehe. Kahit ano pa man, pareho lang yon. Hindi sya ganung ka-garbo o kaganda katulad ng ibang falls na bumibida sa mga turista, pero sobrang linaw at sobrang linis talaga ng tubig! Pati sobrang lammeeeeggg. Naaalala ko pa nga lang ngayon nagiginaw na ko. Haha. Sa sobrang lamig, dun na kami nagpapalamig ng mga inumin. Oh nai-imagine nyo na kung gano kalamig yon??? Pero ang kagandahan dito, kahit sobrang lamig sya, kapag nilubog mo na yung katawan mo, hindi ka na manginginig sa ginaw. Pati kapag umahon ka sa tubig hindi mo na rin mararamdaman na maginaw pala. Hindi katulad kapag nasa swimming pool ka, nanginginig ka pa rin kahit nakalubog ka na sa tubig at mas lalamigin ka kapag umahon ka na.


It was a really a fun nature tripping at sa sobrang pag-eenjoy namin eh ang akala namin 5PM na eh alas dos palang pala! Haha. Kahit ang oras nadaya kami sa sobrang pagka-aliw namin sa lugar. Sa lahat ng mga naging gala ko dito sa Manila, medyo kakaiba 'to. Kasi for the first time, nakasama ko sila Ate Cecil na kasama sila Bebe na kasama si Aldino na kasama si Dave at the same time. Whew! Housemates + SFC's + Pelatis. Cute! Sobrang masaya ko kasi bihira lang mangyari yon. I know everyone had a great time at sobrang nag-enjoy talaga. I'm already excited for the next trip! (^^,)

Wednesday, June 9, 2010

SM Supermarkets Go Green

As a response to the alarming solid waste problem, I'm very happy to see how SM are enthusiastically making efforts in reducing solid waste not only to our capital city but also to the whole country by introducing eco-friendly and re-usable shopping bags.

Nung sa Ortigas pa ko nagtatrabaho back in 2007, I remember SM introduces their "Green Bags" which reduces the use of plastic bags. Maganda kasi re-usable nga sya so malilimitahan yung paggamit nga ng plastic bag na usually eh itinatapon din naman at naiipon ng naiipon sa mga tambakan. Then eventually SM have also promoted "My Own Bag" every Wednesday kung san they're are encouraging their customers to bring their own bag or to use their SM Green Bags (if they have) for their grocery.


Then last Wednesday nung napunta ko ng Megamall, I was surprised nung nakita kong paper bags na ang gamit ng SM Supermarket! Cute! Hehe. Naisip ko, "Wow parang sa States!". Well, the customer can always ask for plastic bags for their grocery pero much better naman siguro kung paper bags nalang ang gamitin. I know paper bags are uncomfortable na dalin lalo na kapag marami ka talagang binili dahil wala syang handle pero tingnan nalang natin yung malaking matutulong nun na mabawasan ang mga basura 'di ba. Ayun. I'm really impressed. Minsan nga I-eexperience kong mamili ulit sa SM. Lagi Robinsons nalang kasi ako lagi nabili kasi iyon yung malapit sa bahay namin. Haha. Anyway, I hope yung ibang supermarket din like Ayala's, Rustan's at Robinsons eh ma-inspire sa SM at gayahin din nila. Sa mga ganitong bagay ok lang ang mang-gaya. Di ba! Di ba! Hehe.

Friday, June 4, 2010

Ay Mali!

After kong magpaka-prinsipe sa Lets Face It, nadaan ako sa Atrium at naisipan kong magpunta sa Adoration Chapel. Kaso nung pagkita ko sa pinto closed na pala, sayang. Buti nalang may ongoing mass pala sa main chapel kaya ayun dun nalang ako pumasok.

Humanap ako ng mauupan sa bandang gitna at ng makakita na ko, nag-excuse ako sa babae na nasa dulo ng upuan. Hindi ko maintindihan kung bakit nung mapansin ako ng babae eh napa-tingin sya sakin ng matagal. Ayee, moment ito! Mali! Hindi yung parang may gusto na tingin ang ibig kong sabihin! Yung wirdong tingin na parang may mali sakin. Ewan ko ba, naka-damit naman ako. Nagsuklay din naman ako. Hindi naman ako mukang basahan. Ano bang mali?? For a moment napatingin lang sya sakin then after some time she finally gave way para makadaan na ko at maka-upo. Hayy salamat naman, akala ko kelangan ko pa ng access pass para makidaan sa kanya.

Homily na nung pari nung dumating ako. And he's discussing about how to make a community relationship healthier and stronger. Wow! Since I'm part of SFC, sobrang naka-relate ako. After ng homily, dun ko na napansin na parang may mali. They skipped the part of proclamation of faith in a usual mass which is the recitation of the Apostle's Creed. Why? Hindi ko din alam. Then nung part na na itinaas na nung pari yung bread and wine at magre-respond yung mga tao ng Amen, aba bigla nalang nila itinaas lahat ng kamay nila tsaka sila kumanta ng "Amen"! What's happening??? That time I'm not sure kung bagong culture ba yun sa Catholic Mass pero naguluhan talaga ko. As if I'm from the outside world. Weird. Isa pang napansin ko eh lagi may dagdag yung pari in between sa mga line-up ng mga ginagawa sa mass. Lagi syang nagpapayo at nagpapa-alala about being a good christian and being an essential part of the community.

The strangest part is this. The time na magbibigay na to everyone the sign of peace, nabigla ako dahil bigla nalang sila, as in silang "lahat" nagyakapan, nagkamayan, at yung iba umaalis pa sa upuan nila para puntahan yung gusto nilang i-kiss at yakapin, they're calling each other by name and saying "hi". As if everyone in that chapel knew one another except me. No!, I mean Yes! They knew each other. Pero hindi naman ako ganong na-out of place kasi yung mga nasa pali-paligid ko kinamayan naman nila ko but the thing is... what's happening??? Tama ba 'tong napasukan ko??? I don't know. Naguguluhan talaga ko.

After ng communion, hindi pa muna tinapos nung pari yung mass. Kumanta pa sila ng tatlong praise song. One of which is hindi naman bago sakin, they sang God of This City na kinakanta din namin sa SFC. Then nung kinanta na nila yung last song, dun na nila tinaas yung mga kamay nila ang yes, it is a praise and worship. Even that is not new to me. Ginagawa din namin yun sa SFC. But the thing is... this is not usual in a mass.

After singing, nag-announce ng mga announcements. At sa lahat ng announcement lagi kong naririnig ang ministry. That time I'm pretty sure that this mass isn't ordinary. Alam ko na that is catholic pero it is a special mass for a specific catholic community. Kaya ayun naglakas-loob na kong tanungin yung katabi ko na tumingin sakin ng wirdo kanina:

Ako: Ate, community ba 'to?
Ate: Oo. (naka-ngiti)
Ako: Ahhh. Ano pong communtiy. (sabi na nga ba!)
Ate: Spirit of the Living Water (sabay pakita nya ng ID nya. Sya pala si Ate Mely.)
Ako: Ahhh. Hehe. Akala ko po ordinaryong misa lang 'to. Pumasok tuloy ako, nakakahiya.
Ate Mely: Hindi, okay lang naman. Okay lang naman na sumimba din kahit hindi namin member.
Ako: Part din po ako ng community....sa Singles For Christ.
(Mukang hindi nya naintindihan ang sinabi ko, medyo maingay kasi. Siguro ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko eh "akala ko Singles For Christ")
Ate Mely: Ay hindi, sa Couples For Christ yata yun eh.

After ng ilang announcements dun na tinapos nung pari yung mass. Then kinausap ku ulit si Ate Mely kasi nakalimutan ko yung name nya:

Ako: Ate ano ulit pangalan nyo?
Ate Mely: Mely. Ikaw?
Ako: (pinakita ko yung ID ko ng SFC para maintindihan nya yung sinabi ko kanina na part ako ng SFC) JD po. Sige po nice meeting you.
Ate Mely: Ikaw din.

Ayun lumabas na ko. Meron pa kasi silang presentation. Ayoko na din magtagal, bukod sa gutom na ko nun eh nahihiya na talaga ko kasi feeling ko ako lang naiiba. Haha. Kaya naman pala siguro ako tiningnan ni kanina ni Ate Mely ng wirdo eh dahil hindi nya ko kakilala. Hehe.

Thursday, June 3, 2010

Let's face it!

Yesterday, nagpunta ko sa Megamall after office and got my very first full body massage! Aw! Ilang linggo ko na rin kasi iniinda ang sakit ng likod ko. Hindi ko nga alam kung ngawit lang. Akshuali, matagal ko na rin talaga plano magpa-massage. Kaso nahihiya naman ako magpunta sa mga spa. Hehe. Alam nyo na, first time. Meron nga isang beses dapat pupunta na ko sa isang spa sa mandaluyong, tapos nung malapit na ko nakita ko sa loob may mga naghihintay na customer! Kaya ayun back-out ako. (takot sa tao???) Eh kahapon, naiba na yung pakiramdam ko, feeling ko talaga lalagnatin na ko dahil pakiramdam ko eh may pilay ako sa likod (arte lang). Sa Bulacan kasi, kapag ganon nagpapahilot na ako, eh dito wala namang ganun!

Bago ang lahat, syempre nagbasa-basa muna ko sa forums ng kung ano ba ang culture sa mga spa. Ayoko naman syempre magmukang eengot-engot kapag nagpa-service na ko 'di ba. Hehe. At ayun, pumunta na nga ako ng Megamall at tumingin-tingin sa mga spa center dun kung magkano mga services nila, pero sa totoo lang meron na talaga kong target puntahan. Wala lang baka mamaya may discount yung iba o kaya promo.

At eto na, nung nakita ko na yung store ng Let's Face It, nakita ko ang daming waiting na customer! Ayun na naman ako, nagdalawng-isip na naman dahil nahihiya! Hayy. Pero nilakasan ko nalang ang loob ko dahil nung time na yun eh masama na rin ang timpla ko dahil sa nag-iinarteng likod. Diretso lang ako at lumapit ako sa babae sa counter at buti nalang sya ang naunang nagsalita at tinanung ako, "Yes sir?". At ako naman, medyo kabado pa pero naka-ngiti naman, "Ahmm, body massage?". Hay Thank God nasabi ko din! Haha. Medyo challenging talaga yung part na yun. But I'm happy na na-conquer ko yung hiya ko. At ayun pinagfill-up na nila ko ng form then hintay ng konti tapos pinapasok na ko sa treatment room.

The room was okay. Candlelit. Mint essence. Relaxing music. May maliit na locker sa corner para sa gamit mo, may sink at syempre yung bed. Yung wall, muka syang room pang couple kasi may divider and it was not air tight kapag sinara. But I was lucky na walang tao sa kabilang room so okay lang. After nun lalabas muna yung masseuse (nose-bleed!) para mag-ready ka for the massage. Syempre dapat undies lang ang ititira mo. But no worries kasi may shorts naman sila na provided and they're very professional and wholesome naman.

After about 3minutes siguro bumalik na yung masseuse and she started her therapy. Nung una medyo nailang lang ako kasi hindi ako sanay na hinahawakan ng iba ang mala-Derek Ramsey kong katawan. Tapos ang ganda pa nung therapist, kamuka sya ni Tricia ng PBB Teen Clash, nakakaself-conscious tuloy. Hehe. Pero after sometime ok na rin naman. Bring it babeh!

The masseuse will occasionally ask you kung ok lang sayo yung pressure na ginagawa nya and it's good. May mga times na natatawa ko kapag natatanggi nya yung tagiliran ko. Pero buti nalang naka-dapa ako nun at di nakikita nung nagma-massage sakin na napapa-ngiti ako. Kaso medyo nahirapan akong pigilin yung tawa ko nung  naka-higa na ko. May kiliti kasi ko sa tuhod, tapos hindi ko alam na may kiliti din pala ko malapit sa singit. Ahaha. Pero ok lang, tingin ko naman lahat ng lalaki may kiliti sa hita malapit sa singit. Wala, palagay ko lang. Meron nga ba? Subukan ko nga sa mga kaibigan kong lalaki para mapatunayan. Haha.

After ng treatment, feeling ko close na kami ni ate dahil sya palang ang nakahimas sa buong pagkatao ko. Haha. Lumabas sya ng room tapos binigyan nya ko ng 3 towel para makapagbihis na. Hayyy ang sarap ng feeling. Heaven. Parang natanggalan ako ng ilang kilong buhat-buhat sa katawan. Natanggal talaga ang mga stress ko sa muscles. Sa sobrang katuwaan ko eh nakalimutan ko nga na nasa mall nga pala ko at kelangan ko pang maglakad para sumakay ng tricycle sa crossing para maka-uwi. Hehe. This is my first and will definitely not be the last.

Pahabol:
Pagkalabas ko ng Lets Face It, may bading na lumapit sakin na naka-necktie....necktie lang ang suot. Haha Joke!.. Naka-formal syempre (alam na) at sigurado kapag ganon ang porma sa loob ng mall, kung hindi yan nag-aalok ng condo eh nag-aalok yan ng credit card. At tumpak!

Guy: Sir may credit card ka na?
Ako: (Direcho sa paglalakad. Ngiti lang sabay iling.)
Guy: Sir hindi po ako nag-aalok ng credit card pansinin mo naman ako!
Ako: (Wow may nakaraan tayo pansinin naman kita??? Kung makapag-demand ah!)
Ako: Wala.
Guy: Ok thank you.

Natawa lang ako kasi kung makapagdemand sya na pansinin ko naman sya akala mo nakikipagbalikan sa boyfriend. Haha.