Monday, January 18, 2010

Fiesta

Hindi ako umuwi ng Bulacan last weekend kasi fiesta ng Tondo. Yearly kasi kami nagsisimba dun ng mga dadi ko kapag fiesta, kumbaga naging devotion na, eh kung uuwe pa ko ng Saturday tapos luluwas din naman kami ng Sunday, eh di parang nagpagod lang ako. Hehe. Kaya kahapon, dun nalang ako tumuloy sa Divisoria, at syempre dahil first time kong pupunta sa Divisoria na manggagaling sa Mandaluyong, sino pa ba ang tatanungin ko kung saan ako sasakay at ano-ano ang mga sasakyan ko papunta don??? Eh di si Alex! Si Alex na pangulo ng lahat ng TODA (Tricycle Operators - Drivers Association) at kung may JODA (Jeepney Operators - Drivers Association *Meron bang ganto?? parang ampangit pakinggan, haha) man sa Mandaluyong! Haha. (Peace lex!)

Umalis ako sa bahay mga 7:30AM. At gaya ng sinabi sakin ni Alex, sumakay ako ng jip papuntang Stop&Shop then jip ulit papuntang Divisoria. Ayus! Medyo nauna lang ako ng konti sa mga dadi ko kaya medyo naglibot-libot muna ko dun, magkikita kasi kami sana sa Tutuban mga 8:30AM, ang kaso tinanghali na sila ng luwas galing Bulacan. Sobrang natutuwa talaga ko sa itsura ng entrance ng Tutuban, hindi talaga kasi nila tinanggal yung dating station na ang ganda-ganda unlike sa napakaraming historical buildings sa Manila na hindi manlang mabigyan ng tamang pag-aalaga ng mga nasa pwesto! Hmp! Sayang tuloy, nasisira lang. (Galit na galit?? haha) Anyway sobrang fascinated kasi talaga ko sa mga old structure sa Manila. Lalo na yung mga spanish-style. Ibang klase!


For more info about Tutuban Railway Station, click here.

Habang hinihintay ko sila dadi, naupo muna ko sa plaza sa harap ng tutuban, sa may monumento ni Bonifacio. Hmmm nakakatuwa yung feeling na nandun ka mismo sa isang napaka-historic na lugar. Ito kasi yung mismong lugar hindi lang ng dating main terminal ng kauna-unahang railroad sa Pilipinas kundi pati ito rin ang lugar kung san sinilang ang bayaning si Andres Bonifacio. Oha! Oha! (Favorite subject ko talaga ang History at Geography. Halata ba?? Haha.)


Sorry, di maganda ang kuha, panakaw na shot lang kasi. Hehe.


Nakakainis lang na may ibang tao na wala manlang respeto sa mga ganitong lugar. Tulad ng mga 'to!



Nilagyan na nga ng rehas para hindi mababoy, pero ganun pa din. Hindi lang ginawang upuan, 
ginagawa pang tapakan with matching kuyakoy pa! Tsk! Tsk!
Kung buhay pa siguro si Bonifacio pinagtataga na 'to. Hehe joke lang!


Pasaway talaga! Sana kahit pano magkaron tayo ng disiplina. Matuto tayong rumespeto.

Di naman nagtagal dumating na rin sila dadi at yun, dumeretso na kami sa simbahan ng Tondo. Katulad pa rin ng dati, saksakan ng dami sa tao. At pahirapan talaga maka-pasok at maka-labas sa simbahan.


Natural nalang satin na sinasamantala ng mga pulitiko ang mga ganitong pagkakataon.
Kahit simbahan hindi pinatawad ng mga posters nila. Hayyy.

Tulad ng nakasanayan, after namin magsimba, dadaan kami sandali sa Divisoria then tuloy na agad sa Quiapo. Tutal kasi, nasa Maynila na kami at kaka-fiesta lang din ng Black Nazarene, nagsisimba na rin kami don.

 
(Quiapo Church Interior)

 (Plaza Lacson view from LRT Carriedo station)

Simula nung maupo si Lim na Mayor ng Maynila, halos lahat ng binago ni Atienza sa lungsod eh binalik nya sa dati. Tulad nalang nitong Plaza Lacson, dati ganito itsura nyan, pero ngayon daanan ulit ng mga sasakyan. Although sabi nila mas maganda daw ngayon na bukas na ulit yan kasi dati nagtatraffic daw sa Sta. Cruz dahil sarado ang plaza sa public vehicles. Isa pang malaking pagbabago sa lugar na 'to eh yung dating Prudential Bank na naging BPI na.

After sa Quiapo eh nage-LRT kami hanggang sa Baclaran, para naman makapunta sa Paranaque. Tondo-Quiapo-Paranaque lagi ang ruta namin kapag fiesta ng Sto. Nino. May mga kamag-anak kasi kami dun sa Sto. Nino sa Paranaque, kaya nagpupunta din kami dun.

Habang nakasakay sa LRT, napansin ko na tanaw pala dun yung Cathedral tsaka Palacio del Gobernador sa Intramuros. Hehe. Sa tinagal-tagal kasi na taon-taon kong pagsakay sa LRT papauntang Baclaran, ngayon ko lang napansin yung mga yun. At ang pinaka-kinatuwa ko eh nakita ko na na bago na ang pintura ng National Museum. Buti at ginawa na nilang cream at gray yung kulay. Dati kasi PINK at gray! Anu ba yun! Ang sagwa! National Museum kulay PINK??? Ang kikay! Hehe. Eye sore talaga. Tapos napansin ko parang may bagong building ang DLSU. Ewan ko kung bago nga yun, hindi ko kasi yun nakikita dati (eh kung ang cathedral nga ang tagal-tagal na dun nun hindi mu rin nakikita dati, hehe) basta before yun ng open field. (ayun meron nga!)

Medyo nakaka-pagod ang maghapong pamimyesta. Pero ok lang naman kasi nagkita-kita ulit kami ng mga kamag-anak namin sa Paranaque. At tulad din ng mga nakakaraang taon, umuwe kami na maraming balot na halaya. Haha. (^^,)

No comments:

Post a Comment