Una sa lahat, gusto ko munag i-congratz ang aking parang kapatid na na si Cecil dahil status:Married na sya! Wuhuu! Congrats Ces!
(Sorry blurred yung pix)
Nung una nyang sinabi sakin na ikakasal na sya, di talaga ko naniniwala makapaniwala. Pa'no naman ang alam ko...hmmm sabihin nalang natin na nasa I-NEED-SPACE status sya. Tapos bibiglain nya ko na ikakasal na pala sya! Ito namang si Cecil masyado kong pine-pressure, nagpakasal kaagad. So feeling ko naman naiiwanan na ko. Haha.
Tapos ayun, abay daw ako at wala na kong choice. Hehe. Syempre gusto ko naman. Unang-una, first of all. Pangalawa, secondly. Haha. Kasi syempre parang kapatid ko na nga sya, tsaka, palalagpasin ko ba naman ang isa sa pinaka-importanteng araw sa buhay nya? Syempre hindi.
Hmmm, sinabi nya sakin yun bago ko mag-berday last year. Sabi nya lang basta January daw ang kasal. Tapos, nitong linggo, nagtext sakin yung isa naming classmate nung college, si Cynthia. Sabi nya punta daw kami sa kasal ni Cecil sa 10. Waaaaaattt!!!?? 10 na ba yun??? Ni sa hinagap ng aking kautakan eh wala manlang akong clue na 10 na pala ang kasal! Hay nako hindi manlang ako nakapag-handa. Ito talagang si Cecil gustong-gusto kong nagugulo. Haha.
At ayun, umuwi nako ng Bulacan last saturday right after namin umattend sa CFC Conference, then kinabukasan na yung kasal. Hmmm, sakto lang nung dumating ako sa simbahan dahil pumipila na yung entourage mga abay. (muntikan nang ma-late) Pagka-baba ko sa napaka-elegante naming sasakyan na tricycle, nakita ko agad si Ces sa loob ng kotse. Sinenyasan ko sya kung kinakabahan sya, at ayun, hindi maka-imik, mukang kabang-kaba nga! Hehe.
Itong si Cecil talaga napaka-iyakin! Habang lumalakad sya papuntang altar hindi talaga mapigilan yung emosyon. Siguro nga iba talaga yung feeling na moment na ikakasal ka na. At maiintindihan ko lang talaga siguro yun kapag kinasal na ko. Kelan kaya? Hehe. Anyway, bago pa ko ma-pressure, ayun nga sobrang nakakatuwa na panuorin si Cecil habang kinakasal. May mga moment na hindi pa rin talaga ko makapaniwala na si Cecil na talaga yung kinakasal. May mga moment din na parang medyo nalulungkot ako. Kasi syempre, kasal na sya. May partner na. Kaya medyo mahahati na yung oras nya sa lahat ng bagay. Minsan nalang namin sya makakasama. At ayun, syempre nakaramdam din ako ng selos dun sa lalaki. Haha. Normal naman siguro yun noh! Syempre sa kanya na si Cecil. Alam mo yun. Selos ako Ces! Ehe.
Hope maging strong, healthy at happy ang family na bubuuin nyong dalawa. I'm really happy for you. And may your relationship grow in God's love. I love you Ces! (^^,)
No comments:
Post a Comment