Friday nagkaron kami ng chapter assembly sa SFC at in-invite ako ni Kuya Leo na sumama sa kanila kinabukasan sa Araneta para sa conference. Nung una medyo nagdalawang-isip pa kong sumama kasi
Nagkita-kita kami sa Farmer's mga 1PM. Then tumuloy na kami sa Coliseum. Medyo excited talaga ko kasi first time kong makakapasok dun. Pagpasok namin...hindi naman pala ganung ka-engrande ang Big Dome gaya ng ineexpect ko. Yes they have this renovation pero halata pa rin talaga ang kalumaan nung structure. But still, Araneta Coliseum is Araneta Coliseum. It holds 5 decades of history, so bawi lang. Oha! oha!
Nung naghahanap na kami ng uupan, medyo nalito kami kasi ang nakalagay sa ticket eh CC109. Eh panay 401-407 ang nakalagay sa mga pinto. Ang akala namin, kelangan sa door entrance 100-199 kami papasok, yun pala kahit saan dahil free seating naman, at na-realize lang namin yun, nung umabot na kami hanggang sa kadulu-duluhan ng hallway. Anu ba yun! Haha. Ito kasing si Ate Sheila akala naman namin alam nya. Hehe.
Naging OK naman yung conference. Kumpleto ang buong family ministry ng Couples For Christ (CFC). Nandun ang Kids For Christ (KFC), Youth For Christ (YFC), Singles For Christ (SFC) at syempre kasama kami don, Servants of the Lord (SOLD) at ang Handmaids Of the Lord (HOLD). Habang nasa loob ako, palingap-lingap talaga ko. Siguro dahil din namamangha sa paligid. Syempre napaka-historic nung place. Pati ang laki nya talaga. Isa pang nakakatuwa, nag-mass collector ako kasama nila Kuya Leo. First time ko din mag ganun. At ang saya pala ng feeling kapag may naglalagay sa bag na hawak mo. Kumbaga mararamdaman mo talaga na maraming gustong tumulong hindi lang sa community kundi pati dun sa mga taong tinutulungan din naman ng ministry. After all, everything is for the glory of God.
(Ayan yung ticket. Oh di ba nakalagay CC109. Nalito tuloy kame, hehe)
No comments:
Post a Comment