Yon oh! 2010 na! Ang bilis lang talaga ng panahon. 2 years nalang magpapalit na ang south pole at north pole. (Weh?!)
2009 is indeed a great and busy year for me. Siguro ito yung yir na sobrang na-appreciate ko lahat ng meron ako at mga dumadating sakin. Maybe ito rin yung pinaka-emotional yir for me as I turned 21...starting to be independent. Never a second that God didn't let me feel His loving presence...I feel blessed enough. Siguro several things na naging highlights ng yir 2009 is nung nakalipat ako ng trabaho ng hindi ako masyadong nahirapan, nung mangupahan ako dito sa manila at nung maging member ako ng SFC community.
Mga unforgettable experience naman siguro eh nung (1)nagpunta kami sa Star City na dapat eh reunion ng college friends pero ng malaon eh naging kaming 2 nalang kami ni Raffh!!! (May galet?? hehe);
(2)magsara yung kumpanyang pinapasukan ko (pero nagkaron naman ako agad ng work after);
(3)makabili ko ng phone with my own money (nagyayabang!);
(4)magbakasyon kami nila Alex at Monch sa probinsya nila Lorie sa Batangas nung Holy Week (sobrang nakaka-tanggal talaga ng stress);
(5)mag-summer outing kami sa Nasugbu ng mga officemates ko (summer outing sa tag-ulan);
(6)unang beses akong nag-confess sa pari (in preparation for receiving the gifts of the Holy Spirit - sa SFC) at english pa ah! Nosebleed! Haha;
(7)Lord's Day namin ng mga ka-batch ko sa SFC na first time kong mag-share, sumayaw at kumanta sa harap ng maraming tao (nyay!);
(8)makasama ko sa Metro Manila Conference ng SFC sa Baguio na talaga namang napaka-life changing!;
(9)makasali ko sa Music Ministry ng chapter namin (bago pa ko maging SFC eh pinilit ko na ang sarili ko sa Music Min, haha);
(10)mag-celebrate ako ng 21st birthday (waaahh! bente uno na ko!);
(11)makabili ko ng gitara kasama si Jan-Jan (naputol ko agad yung string);
(12)first time akong mapakanta sa videoke nung nag-fellowship kami ng mga brothers ko sa household at nung birthday ng boss ko. Haha.
Sad part is, hindi ko na masyadong nakaka-bonding yung mga kaibigan ko sa Bulacan dahil mas madalas na ko dito sa Manila. Pero ganun siguro talaga, hmmm may kanya-kanyang panahon lang. Pero 'di ko naman syempre nakakalimutan silang lahat. Medyo busy lang sa mga panahon na 'to.
Ayon, I'm hoping for another wonderful year. Sana 'di ako mabakante sa work. Makapag-serve pa rin ako ng tuloy-tuloy sa SFC. Hindi magakasakit. At magkaron ng malinis na election, oha! oha!
Yun lang! Have a blessed year ahead! God bless us all. And God bless our nation! (^^,)
No comments:
Post a Comment