Tuesday, November 3, 2009

Hapi Berday to me!




Pagbukas ko ng pinto ng bahay kahapon ng umaga paggising ko ito agad ang nakita ko. Balloons. At purple* ah! Hehe. Wala bang party hats??? Ang hilig talaga sa surprise nila dadi.

Naalala ko last yir plano ko konti lang ang bisita ko. Mga close friends nung high school, college at sa work lang. At ganun din, paggising ko ng umaga at paglabas ko sa pinto, aba! bakit may lona sa bakuran namin?!? Ang inaakala kong close friends lang na bisita ay naging buong baranggay na. Simula sa mga kapit-bahay namin, mga kamag-anak, mga kumare ni mami at family friends, ayun naki-celebrate sakin. Sabi tuloy ng mga classmates ko, "wala palang bisita ah!" haiii, sori ah, ako din akala ko konti lang bisita ko. Hehe. Pero 'di naman ako nagko-complain. Masyado lang akong na-surprised. Pati ok lang naman sakin. Masaya ko syempre. Tapos andami-dami palang niluto nila mami (kinailangan ba naman ng 3 cook at mga katulong sa kusina, anu pa!). Merong pang order na ice-cream. Simula gate namin hanggang sala hanggang sa likod ng bahay may bisita. Akala tuloy nila 21 na 'ko. Hehe.

This yir, 21 na talaga ko. Actually wala talaga kong balak maghanda. Eh kaso ayun, bigla nalang. Mga close friends na available sa bulacan lang ang bisita ko, eh anu pa nga ba? eh di syempre naiba na naman. Hehe. Nagluto ako ng 2 kilong carbonara (Nung undas dapat ako magluluto ng carbonara, pero 'yung pinsan ko na kasi nagdala ng mga pagkain). First time ko. Hehe. Nagpaturo ako kay lorie, tsaka dito sa kasama ko sa opisina. Kinakabahan pa ko nung una kasi 'di ako sigurado kung ano magiging lasa nun kapag ako ang nagluto.

Nung nasa grocery na 'ko eh di ayun kuha ng kuha ng mga kailangan. Napag-isip-isip ko ang mamahal pala ng ingredients, 1k lang budget ko (eh bakit ba kasi naisipan mo 'yang carbonara?!). Gusto ko carbonara kasi para maiba naman. Lagi nalang palabok at spaghetti. Tapos ayun nga, binigyan din ako ni dadi ng 120 para sa tatlong 2litro ng softdrinks. Nung malapit na ko sa cashier, sabi ko kay God, "Lord sana magkasya pera ko dito(sa binili ko)" Then nung magbabayad na ko, ang bill ko ay dyaaraaaann!... P1,123.65. Sabi ko kay God, "Lord sakto nga, wala manlang akong sukli, hehe" (Nagreklamo pa!).

Tapos ayun nung nagluluto na'ko:

Nanay: (tingin sa niluluto 'ko) Ganyan ba talaga lutuin 'yan?
Ako: Ou ganito. (sa totoo lang kinakabahan na'ko nun dahil 'di ako sigurado, haha)

Maya-maya:

Jewel: (tingin sa niluluto 'ko) Bakit ganyan kuya?
Ako: Bakit?
Jewel: Parang sauce ng lumpia.
Ako: Hindi noh! Ang bango nga eh.
Jewel: Ganyan ba talaga lutuin 'yan?
Ako: (Naiiyak na dahil 'di ko rin alam kung ganun nga ba lutuin 'yun, haha)

'Di nagtagal, halos luto na 'yung carbonara. At nung tinikman ko...wuhuu lasang carbonara na nga s'ya! Hehe, tinimpla ko nalang at nilagay 'yung ham, bacon at mushroom. Pagkalagay ko ng sahog...mukang napadami. Hala! parang naging ulam! Hehe, napadami ang ham at bacon. Hay 'di bali na, basta masarap naman s'ya. Nung time na nagluluto ako wala manlang nagrereply sa mga invited ko, akala ko tuloy wala na kong magiging bisita. Sayang naman 'yung effort ko, huhu. Pero ayun pagdating ng mga 4pm nagsimulang magdatingan na ang mga hinayupak. Mga hindi nagrereply akala ko tuloy hindi na sila pupunta.

At 'yun nga andami ko na naman bisita, pero 'di na kasing dami nung dati. Nagpaluto din pala si mami ng palabok, at nagluto din ng maja blanca. Kaya pala busyng-busy sila. Nasorpresa na naman ako, hehe. Nakaktuwa kasi maraming nasarapan sa luto ko, well...tinatanong pa ba 'yon? Kapag ako nagluto, understood na. (Yabang, haha) At the end of the day, It's been a great day indeed!

Salamat sa mga bumati sakin sa text, facebook at fs!
Sa mga tumawag at nag-abala sobrang salamat din!

*kaya purple 'yung balloons eh galing pala 'yun sa debut at hindi talaga pinagawa para sa birthday ko.

No comments:

Post a Comment