Wednesday, November 4, 2009

Almost!

1:30AM naglalakad kami ni Mark sa Barangka Drive pauwi ng biglang...

Mark: Ui jd! (sabay hatak sa kamay ko at dali-daling nag-shift ng paglakad pabalik sa pinanggalingan namin)
Ako: Bakit? (nabigla, taranta, pero sumunod naman ako sa kanya)

Bago mangyari yun, may pinag-uusapan kami ni Mark na medyo seryoso, kaya nagulat ako nung bigla nya kong in-interrupt sa sinasabi ko dahil nga bigla nya kong tinawag sabay hatak. Nung hinatak nya ko, dun ko nakita na may lalaki pala sa likod namin na kahina-hinala ang itsura. Siguro mga 2 steps nalang talaga 'yung layo nya samin nung napalingon ako sa kanya. Grabe! kinabahan talaga ko nung nakita ko yung lalaki. Hindi ko kasi sya napansin na sumusunod samin. Sabi sakin ni Mark, bigla nalang daw talagang sumulpot 'yun sa likod namin. Bali 'di pa kasi kami nakakalayo sa Mcdo nun, tapos sabi nya, nung dumaan daw kami sa kanto(Sulatan St.), may nakita syang lalaki dun na nakatayo. Maya-maya lang after namin makalampas dun, napansin na daw nya na sumusunod na samin hanggang sa palapit na ng palapit. Wala kaming kasabay na naglalakad nun sa kalye, wala din masyadong nagdadaan na sasakyan, kaya kung iisipin mo na baka normal lang sya eh bakit sa likod pa namin sya dumidikit eh ang luwag-luwag ng kalye, pwede naman sya sa kabila, o kaya 'wag naman syang masyadong malapit samin. Kinakabahan na daw si Mark nung time na napansin  na nga nya na sinusundan kami nung lalaki, ako naman walang kamalay-malay. Nung nakita ko 'yung lalaki nung paglingon ko nakita kong parang kinabahan din s'ya. Tsaka halata sa kanyang may gagawin talaga s'yang 'di maganda. Bigla kasi syang nataranta. Basta, hirap paliwanag nung reaksyon nya. Nung bigla kaming lumiko pabalik, ayun nga parang nangilag yung lalaki. Kami naman ni Mark lakad ng mabilis pabalik sa Mcdo, marami kasing tricycle driver dun, atleast ma-tao. Habang naglalakad kami pabalik, tinitingnan-tingnan ni Mark kung san pupunta 'yung lalaki, tapos maya-maya sabi ni Mark pinara daw 'yung tricycle na pabalik sa Boni tsaka sumakay papuntang crossing. Kita mo, bakit naman bigla syang sumakay after namin umalis? Para hindi mapansin na holdaper nga sya? Patay malisya? Eh kung nung una palang plano na nyang sumakay ng tricycle, eh d sana sa pila nalang sya sumakay. O kaya 'yung sinakyan nyang tricycle eh 'yung papuntang crossing talaga. At tsaka ano naman ang tinatayo n'ya sa kanto bago kami madaan don? At kailangan pagdaan namin sasabayan nya kami? Kaya ayun, thank God talaga at walang nangyari samin. Pasalamat din talaga kong kasama ko si Mark nun, minsan kasi ako lang mag-isa naglalakad. Isa pa, sanay naman talaga kami ni Mark na naglalakad dun, wala namang nagyayari. Tsaka maliwanag sa gawi na 'yun. Ang lakas ng pakiramdam ni Mark. Ang galing. Hehe.

No comments:

Post a Comment