Monday, September 13, 2010

Let it Snow!

"Sleigh bells ring, are you listening,
In the lane, snow is glistening
A beautiful sight,
We're happy tonight.
Walking in a winter wonderland."
Weeeee! magpapasko na ulit! Nung maliit pa kong paslit, nagtataka ko kung bakit walang tag-lagas, tag-sibol at mga nyebe sa Pilipinas. (dala ng panonood ng remy, heidi, cedie at nelo. haha) Tag-init at tag-ulan lang ang meron tayo. Ang akala ko tuloy napagkaitan ang Pinas. Hehe. Pero habang lumalaki, napagtanto (wow napagtanto!) ko na ang geographical location (at may ganun ganun pa!, hehe) pala ng Pinas ang dahilan kung bakit wala tayong nyebe.

Eh bakit ba gusto ko ng nyebe??? Dati, kaya gusto ko ng nyebe, kasi naiinggit ako kila cedie dahil nakakapaglaro sila sa yelo. Pero ngayon, kaya gusto ko ng nyebe eh dahil naiinggit ako sa mga kutis ng mga koreano na ang kikinis at walang pores. Dito kasi sa Pinas ang bilis mong manlilimahid dahil sa init. Haha.

Last Friday, nag-fellowship (nag-bonding) kami ng mga brothers at sisters namin sa SFC sa napaka-tatag na amusement park sa Manila - Star City! At isa sa pinaka-nagustuhan kong attraction ay ang Winter Funland na dating kilala na Snow World. Syempre ako naman sobrang excited dahil dati pinagtya-tyagaan ko nalang ang refrigirator para kunyari winter. Haha. Once kalang pwedeng pumasok sa Winter Funland, kapag lumabas ka na, hindi ka na pwedeng pumasok ulit. Pero no worries dahil one-to-sawa naman kapag nasa loob ka na. Kahit maghapon ka sa loob okay lang. But I doubt kaya mong tagalan ang lamig. Hehe.

Bago ka pumasok ipapa-plastic yung mga phones at cams na dala mo. Bawal kasi mag-picture sa loob. Tapos bibigyan ka ng makasim-kasim na jacket, na sa una eh hindi mo isusuot dahil tapang-tapangan ka na kakayanin mo yung lamig sa loob wag lang masuot yung jacket na yun. Pero kapag pumasok ka na, goodluck naman sa'yo. Kapag nasa loob ka na kahit gano kabaho yung jacket na binigay sayo talagang masusuot mo eh, at pagtagal-tagal, sinasabi ko sayo, yayakapin mo pa yun ng husto. Haha.

Pagpasok ko, ang una kong ginawa ay ang unang pinangarap ko. Gumawa ng snow ball at binato sa snow man! Haha. Pero grabe talaga, ang laammmeeeegggg. May 2 sculpture (igloo at train), pine trees, reindeers, polar bears, isang kunyaring bahay, dalawang mascots, at ang pinaka-masayang attraction sa loob... ang slide! Wooohoooo! Sobrang nag-enjoy talaga kaming lahat dun. Lalo na si ate Bench at kuya Jap na muntik ng hindi lumabas sa Funland dahil sa ka-adikan sa slide. Haha.

It's really great na merong snow attraction tulad nito sa Pinas, not to mention ang skating rink ng MOA. And it's really been a great day for all of us. Ang saya maging bata ulit!

Wednesday, September 8, 2010

Bukayo turns One

Woah! 1 year na yung blogs ko!!! hehe. Nakita ko lang ung first post ko September 4, 2009. Grabe ang bilis bilis bilis bilis bilis talaga ng panahon. So much things happened. At parang dumaraan lang ang lahat ng hindi mo namamalayan. Bukas makalawa bente singko na ko... trenta... kwarenta... singkwenta... at siguro hindi ko rin mamamalayan, malapit na rin akong mag-take flight.

Okay wag muna nating pag-usapan yan. Hehe. Marami-rami na rin pala kong nasulat. Ninety-Two! Hindi na masama. Kaso medyo tinatamad akong magsulat nitong mga nakakaraang panahon. Ewan ko, siguro may mga ganung time talaga. Napagisip-isip ko, matagal-tagal na rin pala nung huling nakipag-kulitan ako sa mga kaibigan ko sa Bulacan. Masyado kong nagpapaka-busy dito sa Maynila. Totoo pala talaga na may timespan lang sa buhay mo na makakasama mo yung mga tao sa paligid mo. Maraming kaibigang nawawala...dumadating. May iba, madalang magkita pero nandyan pa rin. *senti mode* Kaya habang nandyan pa sila, enjoyin mo lang...and show your love. Wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisian mo sa bandang huli at ikakapahiya mo. Do everything in love.

Marami din namang masasayang bagay. Bagong opportunity. Bagong experience. Bagong environment. At minsan, pati ikaw nababago rin. Well ganun naman talaga siguro. But just be wise sa mga magiging decision mo. Never forget those people that has been part of you. Lagi ding tatandaan na we're not living to work, we're not living to eat, we're not living to be rich, to be wealthy. We are living to serve. We are living to love. We are living to help. We are living to prove that we are worthy of God's promises. Always seek God's guidance. Dance. Be righteous. And have fun! (^^,)

Sabi nga ni brother Bo at wish ko din para sa lahat, May our dreams come true!
“We live in deeds, not years; in thoughts not breaths; in feelings, not in figures on a dial. We should count time by heart throbs. He most lives who thinks most, feels the noblest, acts the best.” -Aristotle

Monday, September 6, 2010

Strike Two!

I should be more alert and cautious. Wala ng ligtas sa panahon ngayon. Stealers. Pathetic.