Okay wag muna nating pag-usapan yan. Hehe. Marami-rami na rin pala kong nasulat. Ninety-Two! Hindi na masama. Kaso medyo tinatamad akong magsulat nitong mga nakakaraang panahon. Ewan ko, siguro may mga ganung time talaga. Napagisip-isip ko, matagal-tagal na rin pala nung huling nakipag-kulitan ako sa mga kaibigan ko sa Bulacan. Masyado kong nagpapaka-busy dito sa Maynila. Totoo pala talaga na may timespan lang sa buhay mo na makakasama mo yung mga tao sa paligid mo. Maraming kaibigang nawawala...dumadating. May iba, madalang magkita pero nandyan pa rin. *senti mode* Kaya habang nandyan pa sila, enjoyin mo lang...and show your love. Wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisian mo sa bandang huli at ikakapahiya mo. Do everything in love.
Marami din namang masasayang bagay. Bagong opportunity. Bagong experience. Bagong environment. At minsan, pati ikaw nababago rin. Well ganun naman talaga siguro. But just be wise sa mga magiging decision mo. Never forget those people that has been part of you. Lagi ding tatandaan na we're not living to work, we're not living to eat, we're not living to be rich, to be wealthy. We are living to serve. We are living to love. We are living to help. We are living to prove that we are worthy of God's promises. Always seek God's guidance. Dance. Be righteous. And have fun! (^^,)
Sabi nga ni brother Bo at wish ko din para sa lahat, May our dreams come true!
“We live in deeds, not years; in thoughts not breaths; in feelings, not in figures on a dial. We should count time by heart throbs. He most lives who thinks most, feels the noblest, acts the best.” -Aristotle
No comments:
Post a Comment