Weeeee! magpapasko na ulit! Nung maliit pa kong paslit, nagtataka ko kung bakit walang tag-lagas, tag-sibol at mga nyebe sa Pilipinas. (dala ng panonood ng remy, heidi, cedie at nelo. haha) Tag-init at tag-ulan lang ang meron tayo. Ang akala ko tuloy napagkaitan ang Pinas. Hehe. Pero habang lumalaki, napagtanto (wow napagtanto!) ko na ang geographical location (at may ganun ganun pa!, hehe) pala ng Pinas ang dahilan kung bakit wala tayong nyebe."Sleigh bells ring, are you listening,In the lane, snow is glisteningA beautiful sight,We're happy tonight.Walking in a winter wonderland."
Eh bakit ba gusto ko ng nyebe??? Dati, kaya gusto ko ng nyebe, kasi naiinggit ako kila cedie dahil nakakapaglaro sila sa yelo. Pero ngayon, kaya gusto ko ng nyebe eh dahil naiinggit ako sa mga kutis ng mga koreano na ang kikinis at walang pores. Dito kasi sa Pinas ang bilis mong manlilimahid dahil sa init. Haha.
Last Friday, nag-fellowship (nag-bonding) kami ng mga brothers at sisters namin sa SFC sa napaka-tatag na amusement park sa Manila - Star City! At isa sa pinaka-nagustuhan kong attraction ay ang Winter Funland na dating kilala na Snow World. Syempre ako naman sobrang excited dahil dati pinagtya-tyagaan ko nalang ang refrigirator para kunyari winter. Haha. Once kalang pwedeng pumasok sa Winter Funland, kapag lumabas ka na, hindi ka na pwedeng pumasok ulit. Pero no worries dahil one-to-sawa naman kapag nasa loob ka na. Kahit maghapon ka sa loob okay lang. But I doubt kaya mong tagalan ang lamig. Hehe.
Bago ka pumasok ipapa-plastic yung mga phones at cams na dala mo. Bawal kasi mag-picture sa loob. Tapos bibigyan ka ng makasim-kasim na jacket, na sa una eh hindi mo isusuot dahil tapang-tapangan ka na kakayanin mo yung lamig sa loob wag lang masuot yung jacket na yun. Pero kapag pumasok ka na, goodluck naman sa'yo. Kapag nasa loob ka na kahit gano kabaho yung jacket na binigay sayo talagang masusuot mo eh, at pagtagal-tagal, sinasabi ko sayo, yayakapin mo pa yun ng husto. Haha.
Pagpasok ko, ang una kong ginawa ay ang unang pinangarap ko. Gumawa ng snow ball at binato sa snow man! Haha. Pero grabe talaga, ang laammmeeeegggg. May 2 sculpture (igloo at train), pine trees, reindeers, polar bears, isang kunyaring bahay, dalawang mascots, at ang pinaka-masayang attraction sa loob... ang slide! Wooohoooo! Sobrang nag-enjoy talaga kaming lahat dun. Lalo na si ate Bench at kuya Jap na muntik ng hindi lumabas sa Funland dahil sa ka-adikan sa slide. Haha.
It's really great na merong snow attraction tulad nito sa Pinas, not to mention ang skating rink ng MOA. And it's really been a great day for all of us. Ang saya maging bata ulit!
No comments:
Post a Comment