Monday, October 4, 2010

Isang araw sa bus sa EDSA...

Tinanghali na naman ako nagising. Nakasakay sa bus at pupungay-pungay ang mata. *twink *twink. Pagka-upo ko sa bus, napansin ko agad yung ads na nakalagay sa ulunan ng sandalan mga upuan. Ads yun ni Sarah Geronimo para sa Robitussin. May komiks. Binasa ko. "Ang salitang bagyo ay nagsimulang gamitin noong 1911 ng ang isang tropical cyclone ay tumama sa Baguio at nagbuhos ng 46 cubic meter ng ulan sa loob lamang ng 24 oras blah blah blah". Sa isip-isip ko, "ay ang galing. nice info." Maya-maya andyan na yung kundoktor...

Kundoktor: San po?
Ako (wala pa sa wisyo): Sa Baguio...
Kundokotr: huh? (nabigla)
Ako (biglang nataranta): Ay! baguio tuloy!! Sa Ayala lang pala kuya. Haha.
Kundoktor: hehe.

Dala ng hindi paggising ng maaga. Mapapa-punta bigla sa Baguio. Ehe.

2 comments:

mots said...

nung minsan namn akong lumuwas, sabi ko sa kunduktor, malolos po.

eh nasa malolos na nga pala kame. kamote

jandean fajardo said...

haha.. minsan ganyan din ako kapag nasa bulacan, yuswali kasi malapitan lang yung byahe.. nung isang beses pa nga papunta din akong malolos tapos ang nasabi ko makinabang, pareho kasing M, haha..

Post a Comment