Thursday, December 31, 2009

Manilyn Castaneda

Un oh! Apee berday Lhen! Ayan ah, Lhen nalang hindi na Manilyn (sa title naman manilyn). Hehe.

Classmate ko to nung college sa Malolos. At gaya ng maraming friends ko ngayon, naging close ko lang 'to after na naming gumraduate. Ang labo. Hehe. Hindi kami close nung mga panahong nag-aaral pa kami. Ewan ko ba, siguro wala lang pagkakataon. Pati iba ang circle of friends naming dalawa nun. Ang pinaka-naaalala ko dito kay Lhen eh mahilig makipag-talastasan sa mga prof namin (Active na active sa lecture). Lalo na nung may batang pulubi na nanghihingi sa kanya. Wala syang kasama nun at parang na-corner sya nung bata na namamalimos. Di nya binigyan yung bata tas pilit nyang pinapa-alis, eh tapos parang badtrip pa si Lhen nun, kaya parang naka-sibangot pa sya. At siguro nagsawa na rin yung bata kaya tumigil na sya, pero dun ako nagulat at medyo natawa natawa ng sobra nung hindi nagpatalo yung bata. Hinawakan nung bata yung puting-puting uniform ni Lhen at hinilamos sa limahid nyang mukha. San ka pa! Haha. Loko-lokong bata yun, hindi papayag na hindi mu sya bibigyan. At yun, ang kawawang Lhen lalong nainis. Hindi ko na alam ang sumunod na tagpo...ehe.

As of now, kapatid ko na rin to sa SFC community. And I'm happy for her. I hope magtagal kami sa community at s pagse-serve.


HaPpY Birthday Lhen!

No comments:

Post a Comment