Tuesday, December 1, 2009

The Twilight Saga

"Ayoko lang kasi masyado ng maraming may gusto nun, ayoko ng makisali, hehe."

Yan ang lagi kong sinasagot tuwing may nagtatanong sakin bakit ayaw ko sa Twilight. Eh bakit nga ba? Actually hindi naman talaga sa ayaw ko sa twilight. Ewan ko ba. Nung una kasing lumabas ang Twilight parang lahat nalang ng tao baliw na baliw dun. Parang OA na. Kaya ayun ayoko ng panuorin (baliktad ang logic, haha). Tapos kapag nakikita ko yung malaking poster nun sa Megamall kapag nadadaan ako dun naiisip ko pa ang korni kasi my vampire-vampire pang nalalaman. Iniisip ko, "Human maiinlove sa vampire? napaka-common na novel".



Ayun, kahapon bago ko umuwe ng mandaluyong nanuod kami sa mega nila Aldine, Mark M. at Chito ng New Moon (ayaw pala ng Twilight ah!). Hehe. Eh kasi ganito yon, magpapaliwanag ako! Nung mga time na wala akong magawa sa apartment ng weekend ng tanghali, tinanong ko si Carlota (housemate):

Ako: Napanuod mu na yung dvd mo? (may inuwi syang dvd nung friday)
Lota: Ou, maganda pala Twilight!
Ako: Ah talaga? (Gusto ng panuorin)
Lota: Gusto mo? panuorin mo maganda!
Ako: (Nagdadalawang-isip dahil inaalalang marami na syang pinagsabihang ayaw nya yun panuorin) Sige, patingin nga. (pakipot pa!)

Pagkatapos kong mapanuod........maganda pala, hehe(napaka-common na novel pala ah!). Eh sori naman! Pwedeng magkamali? Hehe. Pero ok lang naman, hindi naman ako naging kasing baliw ng iba. Sakto lang. Kaya yun, nag-aya na rin ako manuod ng New Moon, syempre interesado na ko. Kaso bitin. Haii, may part 3 pa pala. Manunuod din siguro ko nun. Hehe.

No comments:

Post a Comment