Ayun na. Nagsimula na ang mga christmas party. At pinangunahan na ng Globe. Hehe. Last Friday, sinugod namin ang bahay nila Sir Paolo sa QC para dun manggulo. Dun kasi ginanap yung christmas party ng department namin sa Globe. Hindi na daw kasi nagki-Christmas party ang buong company ng Globe simula last yir kaya sila nalang ang nag-aayos ng party per department. At ayun, kila Sir Pao ang naisipan nilang venue. At sa fud, syempre, patak-patak.
Nung una dapat hindi talaga ko makaka-sama sa party. Kasi naman lagi nalang may nasasabay na activity sa SFC, eh simula pa rin naman nung una, priority ko talaga ang service, kaya madalas hindi talaga ko nakakasama sa mga kaguluhan ng mga friends dito sa opis. At ayun, nung friday night dapat pupunta ko ng rehearsal ng music ministry sa SFC, pero dahil nga sa ilang beses ko ng na-mimiss ang mga lakad ng mga opismeyt, sumama na ko this time at sila naman ang sinamahan ko.
Umalis kami dito sa opis ng mga quarter to 5pm, traffic daw kasi sa C5 lalo na sa EDSA kaya dapat maaga. Sa mga ganitong lakad, hindi talaga ko natutulog sa byahe. Gusto ko kasi nakikita kung san kami dumadaan. Ewan ko ba, mahilig talaga ko sa landmark. (favorite subject ko eh History at Geography... weird?) Tsaka, gusto ko kasing maging pamilyar sa mga lugar dito sa Manila. Wala lang, para hindi ako maligaw kung san man ako mapunta. Hehe. At ayun, maaga nga kaming nakarating. Maagang-maaga!
Halos kami palang ang tao dun ng makarating. Kaya ayun medyo umiglip muna ko sa pagkalaki-laki at pagkalambot-lambot na sala set (pagpasensyahan nyo na ngayon lang naka-experience ng pang-mayamang gamit). At ayun, di rin naman nagtagal nagsi-datingan na rin ang iba pa naming kasama at nagsi-pwestuhan na. Saan pa ba?! Eh di sa kainan! Hehe.
Happy CHRISTmas! (^^,)
No comments:
Post a Comment