Monday, December 7, 2009

Studio

"Music min kita kits 7pm jobe maysilo."

Gaya nga ng nasabi ko before, member ako ng music ministry namin sa SFC-POLA. At since sa Saturday (December 12) na ang Lord's Day celebration namin, kelangan naming mag-praktis ng mga kakantahin for the occasion. Isa pa, balak kasi nilang mag-full band kaya kelangan talaga ng praktis. Usually, nagsisimba kami ni Mark sa San Roque ng 7:15pm but since 7pm ang call time ng music min, 6pm sana kami magsisimba. Ang kaso, itong si Mark, hindi umabot sa misa! hmp... (Member din si Mark ng music min) Galing daw syang MOA at sinamahan yung pinsan nyang galing Baguio. Ok. Forgiven.

Dumating kami sa Jollibee Maysilo mga 7:20pm at ayun, as usual hindi pa rin kumpleto ang grupo, kaya kumain muna kami. After nun, nilakad nalang namin from Maysilo gang dun sa pagpapraktisan naming studio sa may Boni Ave. malapit sa Club Mwah. At pagdating namin sa studio...     computer shop na pala. Wala na yung studio. Nyeh! Akala ko nakapagpa-reserve na sila bago pa man kami mag-praktis. Pero ayun, ano pa bang magagawa? Hinintay nalang namin yung iba dun. Pagdating nila Kuya Leo, nag-try naman kami dun sa Barangka. Meron daw studio dun sabi ni Kuya Egie (chapter head namin sa SFC). Ok, lumayo pa kami nung una meron naman pala sa barangka. Haha.

Pagdating namin sa place...     sarado. Waaaattt??!! Hayyy, makakapag-praktis ba kami? Buti naman my kumausap samin nung lilingap-lingap kami sa studio. Binigay nung babae yung number nung may-ari ng Dredd (studio) at ayun, na-kontak naman ni Kuya Leo. Ang kaso...    wala palang instrument na available. Narentahan daw lahat kaya sarado. Hayyy... Pero buti nalang natanong ni Kuya Leo kung san meron pang studio na pwede, at sabi nung may-ari ng Dredd, sa Roaa daw sa San Joaquin. Kaso ang sabi nila Jan-Jan mahal daw dun. So pano na? Bago pa man kami maka-alis sa studio na yun, may dumaan dun na 4 na lalaki na parang naghahanap din ng studio. Yung 2 may dalang gitara. At yun, hinabol nila Doc Anna at Kuya Leo para tanungin kung may alam sila na iba pang studio. Pagbalik nila Kuya Leo, sabi nila wala na daw alam yung 4 na lalaki. Wala na kaming choice kundi dun sa Roaa. Sayang naman yung gabi kung hindi kami makakapag-praktis.

Nag-taxi nalang kami para mabilis. Past 8pm na kasi nun. At pagdating namin sa Roaa, thank God at sa wakas eh bukas sila at my available na studio! Yipee! At ang nakakatuwa pa,  P120 lang pala per hour. Air-conditioned room pa! First time ko din to mag-rehearse sa studio kaya medyo excited akong mag-ingay. Hehe. At 'di nagtagal habang nagpa-praktis na kami, nakita namin sa labas ng studio yung 4 na lalaki na nakita namin sa barangka na sabi eh wala na silang alam na studio. (Wala na palang alam ah)

Ayun, naging ok naman yung una naming praktis, kahit medyo sabog pa ang drums. Todo bigay kami nila Doc Anna. Haha. Hope maging maganda ang kalabasan ng mga kakantahin namin sa Lord's Day. For all of these, May God be Praised.

No comments:

Post a Comment