Monday, December 28, 2009

Bakasyon mode

Grabe 2 tulog nalang pasko na! Wuhuu! Ang bilis na talaga ng panahon. Parang kelan lang nung nagsimula akong mag-work sa globe at mag-stay dito sa manila tapos ngayon nandito pa din ako tamad na tamad dahil bakasyon-mode na ko. Haha. (Kasi naman bakit di pa kami pauwiin nalang at makatulog nalang sa bahay) Ai! joke lang naman yon, syempre dapat ok lang sakin na nandito pa sa opisina. Baka naman sabihin sakin ng boss ko eh gusto ko palang matulog eh di umuwe na ko't matulog nalang at wala na kong babalikang trabaho. Mas masaklap naman yon. Hehe.



Handa na ba kayo for christmas??? Hmmm, naka-dalawang simbang gabi lang yata ako. Hihi. Ai tatlo pala! (so proud ka pa na naka-tatlo ka lang?!) Ang aga-aga kasi. Tapos naka-3 na yata akong christmas party simula nung 15 palang. At syempre hindi mawawala ang exchange gifts, kainan at pikchuran! Ewan ko nga ba, ganun talaga eh. Iba talaga mag-celebrate ang pinoy kapag christmas. Parang lahat masaya. Parang lahat excited. Parang lahat busy. At parang lahat kinakalimutan munang mag-diet. Haha. Nung makalawa nga mahilo-hilo ko sa dami ng tao sa Megamall. Parang pyesta! Lahat busy sa pamimili. Ganun din kahapon sa Greenbelt, Landmark, Glorietta at SM! Yan ba ang mahirap na bansa??? Hehe.

No comments:

Post a Comment