Kamusta naman ang krismas nyo?? Sakin ayun, the usual. Nagsimba ng 11PM nung 24, pagdating sa bahay kumain, nagbukas ng mga gifts, nagbalot ng iba pang di pa nababalot na pambigay at natulog. Hehe. Hindi ko talaga binubuksan yung mga gifts sakin until 24, para naman may excitement. Ehe. Tapos ayun nung umaga 9AM na yata ako nagising. Namimiss ko talaga nung bata ako na napaka-aga kong nagigising kapag pasko. Excited kasi kong suotin yung damit ko na usually eh bago. Tapos idagdag mo pa yung mga pagkaaga-agang mga batang namamasko kila mami na maiingay. Bumabangon ako kaagad nun kasi naiisip ko iikot pa ko sa mga bahay-bahay ng mga kapit-bahay namin pati sa mga ninong at ninang ko. Haha.
Sa ngayon, iba na talaga. Tanghali na ko gumising, at wala nang masyadong maiingay na mga bata. Yung mga bata kasi samin ngayon medyo maliliit pa, yung medyo kalakihan eh mga dayo lang naman sa lugar namin, at yung mga kababata ko eh malalaki na rin. At syempre hindi na rin ako nag-iiikot pa samin para mamasko. Pero tulad nga ng sinabi ko, sumasama pa din ako kila dadi sa pagpunta sa mga kamag-anak at ninong at ninang. Naisip ko naman kasi, wala namang masama kung pupuntahan ko pa din sila. Hindi rin ako nahihiya kasi hindi naman ibig sabihin na pupunta ka sa kanila eh nanghihingi ka na ng aginaldo. Kumbaga, nakasanayan ko na yon, pati minsan ko lang naman sila makita.
At ayun, sa napuna ko, wala pa rin namang pinagbago ang pag-celebrate samin ng pasko. Marami pa rin bata kahit saan. Lahat ng bahay eh may bisita (pwera nalang sa mga nagtatago. Ehe, joke lang!). Lahat busy. At lahat masaya. Lalo kapag napunta kami sa mga pinsan ko sa side ng mami ko. Pagkadami-dami kasi nila. Lalo na yung mga pamangkin ko dun nakoooooo! Kapag nagsimula ka ng mamigay ng kahit tigbe-bente magugulo na mundo mo sa dami. Haha.
Isa pa pala!, ngayon ko lang nalaman na ang "susmaryosep" na term pala na usually eh nasasambit ng mga matatanda kapag nagugulat o nagagalit eh Jesus-Mary-Joseph pala ang ibig sabihin. Hindi nyo din alam yun noh! Ehe. Now you know (manny ikaw ba yan?).
Isa pa pala!, ngayon ko lang nalaman na ang "susmaryosep" na term pala na usually eh nasasambit ng mga matatanda kapag nagugulat o nagagalit eh Jesus-Mary-Joseph pala ang ibig sabihin. Hindi nyo din alam yun noh! Ehe. Now you know (manny ikaw ba yan?).
No comments:
Post a Comment