Nung tumawag kasi sakin last Friday ng umagang-umaga yung may-ari nung skul at ini-invite nga ako na mag-guest speaker nga sa opening ng Foundation Anniversary ng CDSC (Colegio de Sto. Cristo), parang ayoko talaga. Kasi unang-una, may pasok ako, December 8, Tuesday. Sayang naman yung sahod ko kapag umabsent ako kasi wala na naman akong leave. Isa pa, kelangan ko pa umuwi ng Bulacan para lang mag-speech, nakakapagod. Tapos pamasahe pa, tsaka may rehearsal din kami ng gabi na yun kaya parang 90% na talaga na ayoko. Kaya ayun sabi ko nalang magpapa-alam muna ko sa boss ko tapos text ko nalang sila kung pano, pero nag-iisip na talaga ko ng ida-dahilan nun para 'di makapunta.
Nung umaga ng Friday habang nasa opis, isip talaga ko ng isip kung pupunta ba ko. Tumawag din kasi sakin si mami, parang gusto nya na pumunta ko. Tapos yun nga pati yung mga pinagsabihan ko sabi nila magandang opportunity din yun tsaka achievement. Ang hirap tuloy.
At the end of the day nag-decide na ko na tumuloy na. Kasi nahihiya din naman ako sa may-ari nung skul. Baka sabihin ako pa yung nagmamalaki. Pati sabi nga nila minsan lang yun. Kaya nag-confirm na rin ako sa kanila na pupunta na ko. Sabi ko nalang kay God sya na bahala sakin.
Then ayun nga umuwi na ko ng Bulacan nung Monday after ko sa opis. Nung gabi na rin na yun ko ginawa yung draft ng sasabihin ko. At ayun, kahapon habang nagsasalita ako sa harap ng mga studyante parang di na talaga ko nakaramdam ng kaba o takot. Siguro dahil medyo nasanay na rin ako sa SFC(Singles For Christ), madalas kasi nagshe-share din ako dun o kaya nagli-lead ng prayer sa lahat. Thankful talaga ko kay God kasi napa-abot ko yung mga experiences at yung mga realizations na pinaramdam nya sakin.
Isa pang magandang nangyari, nakuha ko na din sa wakas yung diploma ko dun. Sa tinagal-tagal ng panahon eh hindi ko pa yun nakukuha o nasisilayan manlang. Hehe. Ayaw pa kasi sakin talagang ibigay yun kasi 'di pa ko bayad sa annual namin. Eh ayoko naman talaga kasing kumuha nun kasi ang pangit-pangit. Tapos bali-baliktad pa yung mga pictures ng iba kong classmates. Pero ayun, bago ko umuwi kahapon binigay na sakin yung diploma pati yung annual. Thank God!
No comments:
Post a Comment