Jan-Jan: San ka na? dito nko. cnbi ng auko nghhnty eh. hmpf. twag k skn
Hai nako 'tong si Jan-Jan masyadong strikto! Para 5 mins. lang naman akong late. (Nagpapaliwanag pa!) Hehe. Nagpasama kase ko sa kanya last Saturday na bumili ng gitara. Sya expert eh. Ehe. Magkikita sa Mcdo Boni barangka 1pm, eh quarter plang nandun na agad sya kaya naghintay tuloy sya! (Sinisi pa!, haha)
Sabi nya sa Sta. Mesa daw bilihan ng gitara. Maganda daw quality. At since medyo malapit lang naman kami dun, dun na kami nagpunta. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi wala akong kaalam-alam sa lugar. Parang bata. Kada may kakaiba lagi kong tinatanung kay Jan-Jan kung nasan na kami, parang mawawala, haha. At habang nasa daan, eto namang si Jan-Jan eh na-inspire mag-share ng love life nya. Yihee!
Ng dumating kami sa mga tindahan, ayun nagtanong-tanong na 'tong si Jan-Jan ng mga gitara. Nakakatuwa sya kasi 'di nya ko pine-pressure sa pagpili. Sya bahala, sya din ang tumatawad. Sinasabi nya sakin kung maganda. So ayun, palipat-lipat kami ng tindahan. Kada labas namin sa tindahan ang dami kong tinatanung sa kanya about sa mga napag-uusapan nila nung mga nagtitinda. (Anu pinagkaiba ng nylon strings sa steel? Pareho lang ba tunog nila? Mas maganda ba ang fiber sa kahoy? Ano ba yung pickup? etc.) Since first time ko palang talaga maggi-gitara, wala talaga kong alam sa mga yun. Hehe. Pati andami talagang mga instruments! (Music Stores yun, what do you expect???) Siguro in less than an hour na pagtingin-tingin sa mga tindahan meron na kong napiling bilihan. Sabi din ni Jan-Jan maganda na yun. P2,500 daw ksama na yung pickup, bag at strap. Yung medyo color red sana ang gusto ko, kaso nung pina-check ko kay Jan-Jan may mga scratches pala, kaya yung itim nalang ang kinuha ko. Sabi pa nga ni Jan-Jan, "Wow, puti nga ang gusto mo. Puting-puti ang napili mo eh!, haha" Sabi ko kasi sa kanya nung una kulay puti ang gusto kong kulay ng gitara. Puti as in Puti talaga. Haha. Since ilalagay pa yung pickup sa gitara, inaya muna ko ni Jan-Jan sa Centerpoint, sinabi namin sa tindero na babalikan nalang namin.
Mga 1 oras din siguro kami sa Centerpoint hanggang sa naisipan naming bumalik. Naaliw kasi kami sa mga adik na naglalaro sa Quantum. Hehe. Pagbalik namin sa tindahan.......
Tindero: Ay sir may problema!
Ako: (Nagtataka at hinihintay ang susunod na sasabihin ng lalaki)
Tindero: Binenta na po namin sa kanila (Sabay turo sa mga lalaki na pinagbentahan nila ng gitara) yung gitara. Antagal nyo po kasi akala namin 'di na kayo babalik. Hindi na po kasi kami naniniwala sa mga customer na sasabihing babalik tapos hindi na bumabalik.
Jan-Jan: Huh? Bakit ganun?!
Tindero: Eh akala kasi namin hindi na kayo babalik. Sana nagdeposit kayo. Gusto nyo sir pumili nalang kayo ng ibang kulay?
Ako: (Sa isip-isip: binenta nyo yung bibilin ko sana at ngayon gusto nyong bumili pa ko sa inyo?!)
Tindero: O kaya sir ipipili ko nalang kayo dun sa isa naming tindahan. (sabay turo sa kabilang kalsada)
Jan-Jan: Jd ikaw nalang pumili. Sige kuya kami nalang ang pupunta.
Ayun lumabas na kami. Badtrip! Ano bang klase yun? 'di ba kami mukang kapani-paniwala ni Jan-Jan sa mala-anghel naming itsura??? (walang kokontra, blog ko 'to!, hehe) Hai nako. At gusto pa nya sya na pipili ng bibilin ko para sa kanila pa rin kami bumili?! Hayyyyyyyyy... Kalma, kalma...
Dahil nga sa nabuwisit na nila kami, dun nalang kami tumingin ulit sa una naming tiningnan na tindahan ni Jan-Jan. Nung una wala pa kong mapili. Parang na-desperado na yata ako dahil sa tindero kanina. Pero 'di naman nagtagal may nagustuha na rin ako. Hmmmm, kulay dark maroon sya. Kasing ganda din sya nung dapat na bibilin ko kanina pero mas naka-mura kami. P2,200 lang ang turing samin kasma na lahat. Great! So hindi na ko nagdalawang-isip pa! pinalagyan na namin ng pickup at hinintay na rin namin dahil baka na naman pag umalis kami at balikan nalang eh mabenta pa ulit. Haha.
Ayun, masaya naman ako sa nabili ko. Isa pa, nakamura pa ko! Salamat at matiyaga si Jan-Jan sa pagsama sakin. Hehe. Hindi ko pa napipicturan eh. Post ko nalang minsan. Sana matuto ko agad.
No comments:
Post a Comment