Tuesday, December 15, 2009

Red Carpet

Lights. Camera. Action!





Oh di ba! San ka pa! Walang ka-effort-effort. Hehe. Red Carpet ang theme ng Lord's Day namin last Saturday. Halata naman di ba?! Hehe. Lahat nag-effort na magbihis at mag-ayos for this celebration. Glams ang stars indeed showers the red carpet as our brothers and sisters in Christ one by one arrived and entered the hall wearing not only their suits and dresses but their spirit ready to praise GOD.

Simula't sapol, hindi ko na talaga binalak mag-suit. Kasi naman unang-una wala naman akong ganon. Pangalawa, wala din naman akong mahihingi mahihiraman na ka-size ko. At panghuli, ayoko din naman na magrent pa. Alam nyo naman, magpa-pasko na, kelangan magtipid dahil magastos (pano magtitipid kapag magastos?? huh??). Kaya ayun, parang usual day lang in office ang suot ko, nadagdagan lang ng neck tie kaya parang magbebenta lang ng condo. Hehe. Actually pati nga yung neck tie hiniram ko lang. Pabili na nga sana ko nun, naisip ko naman kasi magagamit ko din naman in the future yun kung bibili nalang ako ng sarili. Kaso nung babayaran ko na sa cashier umandar na naman yung ka-kuriputan ko. Mas naisip ko na ipanood nalang ng sine. Kaya ayun sinoli ko ulit. (nak nang!)

Kahapon ng umaga, as usual dahil walang pasok, maaga kong nagising. (Kapag may pasok, tanghali na kong nagigising at antok na antok pa! Samantalang kapag walang pasok ang aga-aga kong nagigising at hirap na hirap ng gumawa ng tulog!) Nilaban ko na rin yung mga isusuot ko para sa gabi, buti nalang maaraw, madaling matutuyo. Kain tapos ligo agad. Naalala ko kasi na nag-pramis nga pala ko kay Aldine(brother ko sa household) na tutulong ako sa pag-aayos ng venue. Sabi nya mga 10am nandun na sila. So nung mga 10:30am, paalis palang ako ng bahay, tinext ko xa.

Ako: Dyan n kau smbhayan?
Aldine: Ppunta plng ako
Ako: 10am pala nandun n ah!

(Ano ba naman jd hindi ka na nasanay sa mga SFC) Buti nalang hindi ko inagahan. Hayyy. Inabot kami ng hanggang 5:30pm sa pag-aayos ng venue. Sobrang bagal ng paggawa namin kasi konti lang kaming nagpunta. Yung iba nung bandang 4pm na nakadating. Pero ok naman. Natapos naman namin ang mga dapat tapusin at nagawa ang mga dapat gawin. 6pm ang call time ng celebration at 5:30pm ako umalis ng venue para umuwe, maligo at magbihis. Tsk! tsk! Pano yun??? Sabi ni Kuya Leo kaya daw yun. 30 minutes?!?!

Nakabalik ako at around 7:00 at salamat naman at may mga on time. Akala ko naman kokonti pa rin ang dadatnan ko. Alam nyo naman... And then siguro mga 7:30pm nag-start na yung celebration. It was as usual started with a worship then the Lord's Day ceremony. This time, 2 grup lang yung nag-compete sa presentations, nung time kasi namin 3 grups kami. Pero nakaktuwa naman kasi pinaghandaan din talaga nila. At syempre, mawawala ba naman ang walang kamatayang picturan, kulitan, kainan at katatawanan?! Ayun parang mga nakawalang bata at parang ngayon lang naka-experience ng kamera. Picture dito, picture dun, kain dito, kain dun. May iba pa na feeling artista, kung kani-kanino nagpapa-picture. Ngiti ng ngiti at halos parang gusto kada galaw may picture. May iba naman na pasimple lang, habang busyng-busy ang iba sya naman eh kain ng kain. At syempre, ako naman, sakto lang (weh!). Konting picture (konti??!), at moderate lang din ang pagkain. (talaga lang ah?!?)












The night is a big success! Natutuwa kaming lahat dahil nadagdagan na naman ang army ni God through the efforts of this community. Kudos din sa Music Ministry ng Fatima chapter dahil sinalba nila yung full band sana na gagawin ng POLA. Ganun din, talaga namang pinaghandaan din ang food. Kahit kakaunti lang silang nagluto at nag-ayos, through God's grace nairaos din lahat. Nothing is really impossible with God. It's been a great night for all of us and I hope maging active yung mga bagong graduates at makasama namin sila sa lahat ng activities and gatherings.

For all of these may God be Praised!

No comments:

Post a Comment