Ayun.. ekskayted na ko sa CLP(Christian Life Program) namen mamaya! hehe.. Orientation na eh, sana madaming umatend. Para sa mga 'di nakakaalam, ang CLP eh program ng CFC-Singles For Christ pra s mga single men and women ages 19-40 na gustong magservice sa church as SFC (Singles For Christ).
Bale nung time namen ng mga ka-batch ko, dun ginanap sa Sta. Rita chapel ung CLP namen, basta sa may Barangka Drive sa mandaluyong *para sa mga nakakaalam* Eh ngaun, dun naman sa St. Joseph, 'di ko alam sang street yun sa mandaluyong, alien din kase ko dun. Haha.(nasa makati kase ko ngaun kaya "dun" ung term na ginamit ko *nagpapaliwanag pa!, haha).
Hmmm.. first time ko 'to magservice team sa chapter namen (POLA chapter[Parish of Our Lady of the Abandoned]) since ka-gagraduate lng namen as SFC last June. At take note!, i'm part of our music ministry!(whaaat????) 'wag ka nang umalma, ganun talaga ehehe. Oha! Oha! Hmmm, aminado naman akong 'di ako magaling kumanta, pero bakit ba!, hindi naman kelangan mala-mariah carey o mala-eric santos ang boses para mag-serve sa music ministry, basta mron kang commitment. Pati gusto ko talagang kumanta at talagng nagpumilit akong masali sa music ministry. Haha, sapilitan to! Pati sa tingin ko naman dun ako makakapag-serve ng lubos(tagalog na lagalog) 'yun ang importante. Kapag naman marami na kaming kumakanta 'di na naman masyadong naririnig 'yung boses ko kaya parang nasa tono na din. Haha.
Kung 'di man ako marunong kumanta, my options pa naman. Pede naman ako sa instrument. Kaso ang problema, wala naman akong instrument na alam tugtugin, ahahaha. Kaya ayun balak ko rin mag-aral mag-gitara, para naman kahet pano eh meron akong kahit isang instrumentong alam tugtugin. Ayun, papaturo nalang ako sa mga ka-chapter ko. (Janjan nako dapat turuan mo ko!, hindi pwedeng hindi, wala kang choice!, haha) Sana matuto ko agad. This is for God's glory.
No comments:
Post a Comment