Ayun oh! Berday na naman. Patanda na ng patanda. Haha. Pero ok lang, 'di naman halata. (bumawe, hehe) Well, ayun nga, berday na ulit ni Monch, ilang taon ka na nga ba??? (wala na mang bastusan!) Ai ou nga pla, sabi mu dapat 'di na tinatanung ung age ng mga...u know. (yabang!, haha)
Pano nga ba kami nagkakilala nitong si Monch na taga-Rizal at Laguna?? (MMK??) Nagkasama kami sa dati naming company(Pelatis BPO) sa Ortigas at 'yun, naging officemate kame. Nakaktuwa kasi siya 'yung unang-una bumati samin ni Ate Rachel nung time na nagte-training palang kami for TSR. Nung una medyo 'di pa kami ganung ka-close, pero nakakasama-sama ko na naman din sila.(Lorie, Luvz, Alex at Rob *sila kasi madalas na magkakasama before, basta!, mahabang istorya*) Pero kahit ganun, natutuwa ako sa kanya kasi sobrang thoughful n'ya sa 'kin. Basta, lagi n'ya kong inaayang kumain, kinakamusta, inaaya maglakwatsa, tapos madalas tinitiran nya ko ng fud o kya binibigyan ng kung anu-anu. Hehe. Walang malisya 'yun ah, sweet lang talaga s'ya. And it was all been appreciated. Then 'di nagtagal, nag-rersign silang isa-isa dahil sa hmmmm... basta, confidential. Haha. Tapos ayun hanggang sa 'di na kami nagkikita.
Ilang months after nila mag-resign, kaming mga natira naman 'yung napunta sa alanganin. Magsasara na 'yung company na pinapasukan namin, kaya ayun, we have to look for another company na papasukan at swerte naman dahil 'di ako nabakante. Friday, last day namin sa Pelatis then monday after that may trabaho na 'let ako.(Yipee!, God is so Good!) Ilang weeks din ako sa Makati when I realized na magkakalapit lang pala kami ng office nila Lorie and Monch. Nung una, nagkaka-ayaan lang kami mag-lunch hanggang sa naging regular na. At dahil dun, unti-unti akong naging close sa kanila. Hanggang ayun nga, dumating na rin 'tong SFC(Singles For Christ) and wake up one morning na "yes, we're close friend".
Hmmm, sa una siguro maiinis kayo kay Monch. Kahit ako naman nung una parang nailag sa kanya kasi deretsahan s'yang magsalita pati mataray. Pero pag naman nakilala n'yo na s'ya, maiiba na yung pagkilala 'nyo sa kanya. May mga time din na naiinis ako sa kanya, pero normal lang naman 'yun. Hindi ka maliligaw sa kanya kasi sinasabi n'ya mga napapansin n'ya. (pwera lang sa lugar, dahil short memory 'tong si monch pagdating sa pag-kabisa ng lugar, haha) Mahilig tumawa, pasensyosa (huh???, kabaliktaran, haha), medyo emo (gaya ng maraming SFC, hehe), madaling magsawa, reklamador din, thoughtful, compassionate, malakas boses, active, maraming napapansin, matalino (programmer 'yan noh!) at CERTIFIED adik sa facebook! haha. May nakalimutan pa ba ko??? Basta, dagdagan nyo nalang sa comment. Hehe.
*Kaya pala glamorous ang title nito eh dahil ayun 'yung pinerform n'ya nung graduation(Lord's Day) namin nung SFC. Hehe, wla naalala ko lang.
No comments:
Post a Comment