So ayun na nga, tapos bigla nung thursday night, ang sabi naman nila eh sa Fatima chapel nalang daw pala yung assembly, dun ako naguluhan kase may chapter din ng CFC community sa Fatima, eh POLA nga kame kaya baket kami mag-aassembly sa Fatima instead of POLA. Nung pagdating namen ni Monch sa Fatima kahapon, around quarter to 8pm, dun ko lang na-realize na cluster assembly pala 'yun, meaning, assembly 'yun 'di lang ng POLA chapter pero kasama din ang ibang chapter sa Central A2(San Roque, Divine at Fatima). Aun, kaya pala. Haha, basta ganun. Hehe.
Nakakatuwa kase first time kong makasama yung mga nanay at tatay namen sa community(Couples For Christ). Kameng POLA chapter lang ang kasamang Singles s assembly pero ok naman. Kala ko nga makakakanta ko sa praise and worship, kaso 'di ko naman alam 'yung mga kinanta nila, kase mga luma na, haha. (You know) Eh d ayun nakikinig nalang ako instead na kumanta. (pagbigyan mu na sila jd, hehe)
Then maya-maya si ate rizza(Chapter Leader namen) kinukulit ako, sabi mag-share daw ako mamaya after ng worship. Hala!, ayoko nga nakakahiya. Haha. Kasi andame-daming tao, pati basta kinakabahan ako. (Natural saken ang pagiging mahiyain. *weh!* Kaya nga 'di ako pedeng mag-artista, kaya songer nalang. haha. *wag nang umalama! blog ko 'to!*) Sabi ako nalang daw mag-share kasi si Doc Anna na daw ang mag-ba-Bible sharer. Ako naman todo tanggi, sabay turo ko kay Aldine. *Ate Rizza si Aldine nalang!* Haha. Basta nagkukulitan kaming dalawa hanggang sa nagdesyd na sya na ako nalang talaga. (Hala! sapilitan, haha) Kailangan daw kasing atleast may isang sharer samen sa Singles.
Ano pa ba magagawa ko??? So ayun, nung nagba-Bible sharing na, biglang nagbago ang ikot ng mundo! Si Doc Anna ayaw mag-share ako nalang daw. Nyeh! Pero pumayag naren ako kase mas mabilis lang ang exposure sa harap kapag Bible sharer kesa sa sharer ng experience. So ayun, habang may nagbabasa sa harap, ako naman eh todo-hanap ng verse sa Bible na magandang i-share habang umiikot na sikmura ko sa sobrang kaba(haha), hanggang sa naalala ko na meron nga plang kong verse na naka-save sa phone ko. (Buti nalang!, hehe)
Tapos after nung isang sharer, hindi na ko nag-isip-isip pa kung ako na ba ang susunod, basta tumayo nalang ako sa upuan then narinig ko nagpalakpakan sila. Ahaha. Ang sarap kaya ng feeling, pero kabado paren. (Pinapalakpakan pala yun? 'di ko alam, hehe) Hmmm, medyo nakatulong 'yung palakpak kase medyo tumibay ung loob ko ng konte, hmmm, mga 1 inch. Haha. Tapos nung inabot na sa 'kin ni Bro. Beeboy(Cluster Head) 'yung mike, grabeeeeee, nangi2nig pa 'yung kamay ko. Haha, OA man pero ewan ko ba! Tapos ayun nag-start na kong magbasa:
A reading from the letter of Paul to the Galatians:
7Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows. 8The one who sows to please his sinful nature, from that nature will reap destruction; the one who sows to please the Spirit, from the Spirit will reap eternal life. 9Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up. 10Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.-Galatians 6:7-10
Wow! what a relief! Hehe, after ko magbasa sobrang natuwa ako kase parang lahat sila nakinig sa 'kin. Wala, kakaiba 'yung feeling pag-nagshe-share ka tapos yung mga shine-sharan mo eh talagng interesado. 'Yun lang, excited naman ako mamaya sa practice namen sa music ministry. Hehe. For that, May God be Praised!
No comments:
Post a Comment