--Umaga--
P50 nalang ang laman ng wallet ko, at inutang ko pa un kay Lota (housemate friend *buti nlng andyan si lota, hehe) dahel walang-wala na kong pera sa mga panahong malapit na ang sweldo(kawawa naman), haha. 'Di na ko bumili ng breakfast sa 7-eleven sa boni na madalas kong binibilan pag umaga dahel gusto ko munang ma-sure na my sweldo na kame bago ko gastusin ung last money ko, kaya ayun, ang ginawa ko eh pumasok muna ko sa office tapos nag-check ng atm at pag-check ko, charaaannn!!! MAY SWELDO NA! wuhuu, makakakain na ko. (haha, poor!)
Bumili lang ako ng hotdog sandwich sa 7-eleven sa harap ng building namen para sa breakfast ko. Tapos di nagatagal, lunch n pala! (di nagtagal dahil as usual, late akong pumasok kya sandali lang ang nilalagi ko sa ofis twing umaga *kunyare pang nagulat 2ng si jd eh lagi naman syang late!* haha)
--Lunch--
Madalas kong kasabay si Monch(office mate before and turned to be a close friend) mag-lunch dito sa makati dahil mgkalapit lang kame ng ofis. Aun nga, kahapon, nagpataan muna ko sa time bago ko bumaba para mag-lunch(kase naman 'tong si monch lagi akong pinag-hihintay pag maaga kong naka-baba). Nung mga 11:50 na, nun palang ako lumabas ng ofis para bumababa for lunch, not knowing na tatlo pala ang sira sa apat lang na elevator ng building!!! hay nako napaka-hirap bumaba! Hanggan 15 floor lang ang Globe telepark dito sa makati, pang 9th floor ako, kaya kapag pababa na ung nag-iisang umaandar na elevator eh punong-puno na! Hai nako talaga! Inabot din ako ng mga 20mins sa paghihintay ng elevator hanggang sa naisipan kong mag-round trip nalang para ma-sure na makaka-baba na ko. So aun nga nagtagumpay naman ako sa pagbaba. (Congratulations!!!)
Dahil sa late na 'kong naka-baba, naubusan kame ng pagkain sa kinakainan namin sa Cityland. (Wawa, haha) Kaya naisip namin na sa GT Tower nalang kumain.
Monch: Antagal-tagal mo naman!
Ako: Eh kasi sira ung elevator eh.
(Pumunta sa kainan sa Country Style sabay sabi ng tindera, "wala ng kanin!")
Ako at Monch: (napatigil at na-blanko ang muka)
Monch: Ayan, san tayo kakain?
Ako: Sa GT nalang.
(Lumabas na ng building papuntang GT)
Monch: Sa GT pa tayo kakakin eh wala nga akong pera! (*kunyari pa pero sumusunod din naman sa paglakad)
(hindi galit si monch, ganyan lang talaga sya magsalita, parang laging naiinis, kaya masanay na kayo kapag nagkukwento ko tungkol sa kanya, haha *Peace Monch!*)
Ako: (Sige lang sa paglalakad at parang walang narinig purket bagong sweldo, haha)
Habang papuntang GT, naalala kong wala akong dalang tumbler, (mahal pa kase 'pag dun bimili ng drinks, gagatos ka ng mga P100, mahal na yun sakin at 'wag ka nang magulat, haha)
Ako: Hala 'di ko pala dala ung tumbler ko!
Monch: (tingin lang na parang ewan, haha)
Ako: Sa tokyo-tokyo nalang tayo kumain, ganun din naman gagastusin natin pag sa GT.
Monch: Hay nako anung oras na, mawawalan na ko ng trabaho. Sige ok lang bahala sila(mga boss nya) dahil naiinis nila ko.
(ganyan talaga si monch, magrereklamo sa una pero biglang papayag din sa huli, haha)
kaya imbis na sa GT sa Tokyo-Tokyo nalang kame kumain, ganun din kase magagastos sa GT dahil wala nga kameng dalang inuminan (mga kuripot!, haha). Ayun, final answer na, Tokyo-Tokyo nalang talaga. Hehe.
Pagdating sa tokyo-tokyo: ang haba ng pila!!! Pero tumuloy na rin kami, kesa naman bumalik pa kami. So, pumila kami, umorder at... binigyan kami ng number. NUMBER???!!! so maghihintay pa kame para makakain???!!! *petience, patience* Humanap nalang kami ng upuan at nagkwentuhan. --30minutes later-- Inaaliw na lang namin ang isa't-isa para kumalma. (Bakit ba antagal ng service dito???!!!) Haiii, tatllong crew na nila ang pinag-follow-up namin ng order, ay hnde!, lima na ata, pero antagal pa din! Anu ba yan! Pagdating ng order namin...
Monch: Ay, parang ang konti ng kanin.
Ako: O-order pa ba ko?
Monch: Ou, eh kakasya ba satin 'yan eh construction worker ka kung kumain.
Ako: (wala ng nasabi, umorder nalang) 1 extra-rice.
Monch: Isa lang? dalawahin mo na!
Ako: Aun, dalawa na daw ('di makapalag, haha) Magkanu ba rice?
Crew: Five pesos po.
Ako: (shocked) Five lang?! (kelan lang libre pa ang rice dito)
Di nagtagal, halos maubos na ulam namin, pero ung rice... ung rice... andameng rice! Haha, hindi pala namin kayang ubusin, ang dami-dami. Na-takaw tingin lang kami dahil sa sobrang tagal ng pinaghintay namin. (hay, kasi ba naman!) Ayun, nasayang lang ung mga 2 cups pa yun. Parang katumbas nung extra rice na inorder ko yung 'di nakain.
Ako: Ui kumain ka pa!
Monch: Anu b?! 'Di na nga ako nahinga dito sa sobrang busog eh!
Ako: Ayan ka, umorder-order pa tayo ng extra rice. Haha.
Kaya ayun, hanggang hapon meryenda na yung kinain namin. Hehe.
--Gabi--
May CLP(Christian Life Program) ulit kami kaya maaga kong umuwe(lagi naman akong maaga umalis ng ofis, anung bago?), pati may isasama kong kaibigan, si Lhen(classmate nung college sa bulacan), dahil gusto daw nyang maging SFC(Singles For Christ). So ayun, I'm more than willing na isama sya.
Mga 7pm, dun kami nagkita sa Mcdo Boni, after nun dumeretso kami sa apartment para naman sunduin si Djem na hindi pa pala nagbibihis. (hay nako!, haha) Pero ok lang kasi ako din naman magpapalit pa. Kaya yun mga 7:30 na rin kami nakaalis ng bahay. Buti nalang hindi kami na-late, hmmm, actually parang maaga pa nga kasi medyo matagal din naghintay sila bago mag-start ung Talk 1. Kahapon, ayun nag-serve ako as music min sa CLP. Natuwa ako kasi parang bumalik sa 'kin ung time na ako yung participant ng CLP. Pero mas natuwa ako nung nakita ko sila Djem na nag-she-share na rin sa groups nila after ng talk. Hehe. God is really working in a way we would never understand.
After ng CLP, I felt happy. Nakakatuwa kasi nasama ko sila sa CLP, lalo na si Djem. Nung tinatanong ko kasi sya dati parang ayaw pa nya. Eh si Lhen walang problema kasi Go na Go sya. Hehe. Isa pa, atleast 'di na ko masyadong mag-aalala sa kanila na baka wala silang makausap dahil bago palang sila, dahil ayun nga sila na yung parang laging magkakausap kapag may talk. Ayun, sana kahit malayo at gabi na, sana regular silang maka-attend, syempre gusto ko din talaga silang maging part ng community ng SFC. Masaya kaya! and at the same time nakakapag-serve ka pa kay God.
Ayan ang haba na ng blog ko. Haha, andami kasing nangyari kahapon. Pati ang saya-saya. Next time ulit. (^^,)
No comments:
Post a Comment