Ayan, nag-effort pa kong kunin ang map image sa google. Sana lang nababasa. Hehe. (Click no nalang to enlarge kung interesado kayo)
After ng ilang attempt ng paglipat, kahapon lang kami natuloy. Tinataasan na kasi kami sa dati naming apartment sa Lions Rd. (kung pamilyar kau sa mga kalye sa boni mandaluyong) Eh sus! ka-mahal naman ng gusto nilang ibayad naming upa. To give you an idea, more or less P3,000 ang pinapadagdag sa upa namin per month! Eh ayun, buti yung manager ni Ate Lezlie (housemate friend) eh inoffer ung dati nyang bahay sa Gueventville samin ng 'di kamahalan. So ayun, tinanggap na namin. (kami pa ba magiging choosy?)
Pag-gising ko kahapon, inayos ko na yung mga gamit ko para hahakutin nalang nila pagdating ng truck. Pumasok pa kasi ko sa trabaho kaya 'di ko sila matutulungang maghakot. Tapos nung uuwi na ko, 'di ko alam kung san ba ko uuwe, haha, dun pa rin ba sa Lions o dun na sa Libertad??? Kakay ayun tinawagan ko nalang si Djem to confirm.
Ako: Ui Djem san ba ko uuwe? (nawawalang bata)
Djem: Huh? dito ka muna umuwe sa 'tin.
Ako: Ah, andyan pa ba kayo sa Lions?
Djem: Ou, di pa kami tapos maghakot, andami kasing gamit.
Ako: Ah ok sige.
Djem: Dalian mung umuwe ah!
Ako: Huh? Anung gagawin ko hahatakin ko yung bus??
Djem: Ou sige hatakin mu na yung bus para mabilis ka.
Pagdating ko sa Pioneer, dumaan muna ko sa Robinsons dahil may kailangan akong bilin. Sa isip-isip ko, "Nako baka magalit si Djem, pinapauwe nya ko ng maaga. Kaso pag lumipat na kami ng bahay malamang na matagal pa ulit bago ko madaan dito. Hmp yaan mo na sya, kunyare nalang traffic." Haha, sinungaleng. Eh kasi may bibilin naman talaga kong importante dun tsaka dadaanan ko pa yung pinalaban ko sa boni. Eh pag lumipat na kami ng bahay, malayo na kami sa pioneer kaya baka matagalan na ulit bago ko mapunta ulit dun. Pati ok lang naman kasi alam ko naman yung lilipatan namin kung iwan man nila ko. Pamilyar na sa'kin yung lugar na yun kasi nadadaanan namin 'yun kapag may gathering kami sa Fatima Parish(map: upper right) ng mga kapatid ko sa SFC(Singles For Christ).
Ayun nga bumili muna ko then deretso sa bahay. Pagdating ko dun, bigla sabi sakin nung anak nung may-ari ng apartment
May-ari: "Nako umalis na sila, kaaalis-alis lang"
Ako: "Ah ganun po ba?"
Pero 'di ako naniwala(ang sama, haha) tumuloy pa rin ako sa dati naming bahay para ma-check talaga. Pagsilip ko, hala!, wala na nga talaga sila. Huhu, naiwan ako. (pasaway kasi, may patraffic-traffic pang nalalaman, hehe) Kaya ayun pagdaan ko ulit sa harap nung anak nung may-ari sabi sa'kin text ko nalang. Sabi ko, "Sige po tatawagan ko nalang sila, salamat po". So lumabas ako ng pawisan(dahil andami kong buhat-buhat) sa kalsada at nagseself-pitty (huhu, iniwan nila ko, sana dun nalang talaga ko tumuloy agad sa libertad) tapos pag labas ko pa, biglang buhos ng ulan! Grrrr. Anu ba yan! Nagtricycle nalang tuloy ako papunta dun sa bagong nilipatan. Haiii, napamahal pa. Pero ok lang, atleast 'di ako masyadong nabasa.
Pagdating ko dun sobrang busy ng mga tao, eh di nagbusy-busyhan na din ako, haha. Kahit nakapang-ofis pa ko sige lang sa pagbuhat ng mga gamit para maipasok sa bahay. And at last, natapos din kami ng mga 9pm sa pagpapasok palang ng gamit. Haiii. Andaming kelangan ayusin pa, pero hapi naman kaming lahat dahil much better yung nilipatan namin na yun compare sa dati naming bahay. Sana maging maayos kami don. Ayun lang. New home, new start. (^^,)
1 comment:
Hi, it's a very great blog.
I could tell how much efforts you've taken on it.
Keep doing!
Post a Comment