*sana 'di mabasa ng IT namen.. haha*
Aun, kanina nagbukas ako ng fs(friendster) sa proxy server. Nag-poproxy ako kase naka-block dito sa ofis yung mga site tulad nun(pasaway). Eh wala lang kase my kukunin lang naman kase talaga kong post dun sa page ko, kaso hindi pa man din naglo-load ung page, bigla ng nawala ung internet connection dito sa floor! Inis! Eh d aun. Maya-maya, isa-isa nang nag-almahan mga ksamahan kong programmers dito, hmmm pati yung ibang gumagamit ng internet. Tinatanung nila sa IT namen kung baket nawalan ng internet connection. 'Tas bigla kong naisip, "hindi kaya dahel sa paggamit ko ng proxy kaya nawala bigla yung connection sa internet???" nakoo! *db nung nag-proxy ako, bigla nwala ung internet connection*
Aun na nga kinakabahan na ko. Haha. Tapos, sabi pa bigla nung IT namen, "Kayo kaya nagtanggal ng proxy hindi ako." *Hala pinaparinggan ba n'ya ko? Malamang alam na nyang ako my kasalanan. Siguro nakita nya sa server ung IP Address ko kya nya nalaman*
Sa sobrang kapraningan ko, kunyare 'di ko nalang naririnig pinag-uusapan nila. Pero naiisip ko na na baka matanggal ako sa trabaho kung ako talaga ang may gawa kaya nwalan ng connection. Huhu, 'wag naman sana.
Tapos aun, 'di naman nagtagal mali naman pala hinala ko. Hindi naman pala ko ang may sala. Nasipa lang nung isang kasamahan kong programmer dito yung proxy server kaya namatay ata. Haha. Praning talaga. Halatang guilty. Ayan ang napapala ng mga batang pasaway.
No comments:
Post a Comment