Habang bumabyahe, di naman ako nakatulog. Tsk. tsk. Ang hirap naman kasi matulog ng paupo at walang sandalan yung ulo! Nak ng! Kaya ayun sight seeing nalang ako. Siguro mga 1hr mahigit bigla nakita namin sa daan "No Entry Sira ang tulay" ???????(katahimikan)??????? Nice! Pagkatapos ng matagal na byahe, wala rin naman pala kaming madadaanan papunta ng Majayjay Falls. Sabi ng mga taga-don, nung bagyong Ondoy pa daw nung bumagsak yung tulay. Eh kung ganon, hanggang ngayon hindi pa gawa??!! Ano ba yan!?!? Ang tagal ng panahon hindi pa rin ayos??? Ano ba ginagawa sa pondo ng gobyerno??? Tsk. Tsk. Ang laki-laki ng tax tapos ganyan?! (Bitter, hehe) Dahil don, plan B kami. Sa Underground Cemetery sa Nagcarlan nalang kami pupunta. Go!
Habang papunta kami don, natatawa ko kay Aldine kasi duwag sa mga ganun. Lalo ko tuloy tinatakot, "(slow version na tonong nananakot) Aldine, patay ka, susunod sayo yung mga yun, awoooooo!" Haha. Pero sa kabila din naman ng isip ko, parang medyo nakakatakot nga kasi sementeryo yun sa ilalim ng lupa, tapos ang mga nakalibing pa eh matagl na panahon na nandun, bukod pa sa mga namatay nung panahon ng hapon. Creeeeeeppyyy.
Nung dumating kami sa site, sobrang natuwa ako kasi ang ganda nung lugar. At kahit pano kita mo na naaalagaan talaga yung site. Habang nasa loob, sobrang naiisip ko yung pagka-historic nung lugar. Sabi dun daw meeting place ng mga katipunero. Sosyal! Sementeryo meeting place! Hehe. Kidding aside, sabi din nila may tunnel daw dun sa underground papuntang Mt. Banahaw, yun daw yung ginamit na daanan ng mga pilipino para ma-evade ang mga spaniards dun sa lugar. Interesting!
(Bricks dated 1983)
No comments:
Post a Comment