Monday, March 8, 2010

I Miss You Like Crazy!

It's been a while nung huling manuod ako ng tagalog film sa movie house. Anu nga ba yung huli kong pinanuod??? (Isip...Isip...) Nakalimutan ko na. Hehe. Hindi kasi talaga ko mahilig manuod ng tagalog films sa sinehan. Well anyway basta ayun kahapon nanuod kami ni Lorena sa megamall.

Sabi nung iba mas maganda daw ang One More Chance, pero sa tingin ko naman hindi naman dapat ipag-compare yung 2 movies kasi ibang-iba naman yung story nito sa OMC. Maganda sya actually, pero parang bitin ang ending. Lagi kaming nagkakatuwaan ni Lorie kasi pamilyar samin yung mga lugar na pinag-shootingan dito sa Manila, sabay paligsahan pa kami sa pagsabi kung sang lugar, "Ay sa guada yun oh!", "Ay sa tulay ng ano!", "Ay di ba sa anu yan!", "Sa PUP!", "Ay sumakay na kami dyan sa ferry!", "Ui malapit samin yan oh!", "Ay dyan ako dumaan nung nagpunta kong binondo!". Nagpapatalinuhan kaming dalawa eh pareho lang naman naming alam yon. Haha. Wala lang nakakatuwa kasi kapag nakapunta ka na sa lugar tapos makikita mo sa movie o sa tv, o kaya madalas ka talaga sa lugar na yun.

Nakita din yung difference ng Manila sa  Kuala Lumpur. Nung nasa Manila sila Bea tapos biglang napunta sa Malaysia ang reaksyon namin ni Bebe eh "Wow ang ganda!". Pero nung galing ng Malaysia biglang napunta sa Manila ang reaksyon namin ni Bebe, "Ay nakakahiya.". Haha. Hindi naman sa masama kaming dalawa, pero kasi mapapansin mo naman talaga yung kaibahan. Lalo na nung ilog, yung ferry, yung mga tulay, yung open at green spaces. Sayang ang Pasig, pinabayaan.

Medyo ayoko lang talaga dito sa IMYLC pati sa OMC eh yung merong nangyari sa kanilang dalawa kahit hindi pa naman sila kasal talaga. Ou na KJ na ko at korni, pero kasi parang pinapalabas nila na ok lang gawin yun kapag mahal mo isang tao kahit mag-boyfriend palang kayo which is really not right. Sana mabago yung way ng Star Cinema sa pagpapakita ng passion of love.

Back to the scene, may mga time na halos hindi kami humihinga ni Lorie sa pakikinig sa mga madramang linya nila Loydi. Meron din naman time na bigla nalang nakikita ko si Lorena na nagpapahid na ng luha. Siguro nakaka-relate, ay joke lang pala! Naiyak din ako nung part na kinausap ni Bea yung tatay nyang baldado nung nasa Malaysia sya, sabi nya, "Tay kamusta ka na? Ako hindi ok... ang hirap pala noh?". Nakakadala talaga yung eksena na yun. Tapos naiyak din ako nung pinaraya si Bea nung Malaysian boyfriend nya, sabi pa nya "I love you so much, but you love him (John Lloyd).". Well that's love.

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. LOVE NEVER FAILS."
-1 Corinthians 13:4-8

No comments:

Post a Comment