Thursday, March 18, 2010

Love-love-love

Once again I've been able to watch the 1st Philippine International PyroMusical Competition held in MOA, at this time sila dadi naman ang kasama ko! Yihee!

Last weekend, plano ko talagang umuwi ng Bulacan dahil 3 weeks na rin yata akong hindi nakaka-uwi sa bahay, ang kaso pinag-OT naman kami sa office (nak ng!). Kaya ayun, nasira na ang plano ko. Ang balak ko, umuwi nalang ng saturday night after kong mag-OT, pero buti nalang sabi nila mami sila nalang daw ang luluwas. Ayun! After nun tinext ko agad si Ate Lez para humingi ng complimentary ticket para makanuod kami ng PyroMusical. Actually nung Feb ko pa talaga balak ipasyal sila dadi sa MOA at manood nga ng Pyro, ang kaso medyo nasho-short ako sa budget kaya hindi matuloy-tuloy. Pero thank God dahil natuloy na rin sa wakas. Nkakatuwa din kasi last na ng competition yung entries last Sunday. Siguro talagang sinadya na pag-OTihin kami sa opis para hindi ako maka-uwi sa Bulacan at lumuwas dito sa Manila sila mami para matuloy kami sa Pyro. Galing!

Mga 12:30PM siguro nung makarating sila dito sa bahay sa Mandaluyong then mga 2PM tumuloy na rin kami sa MOA. Ayun, pasyal-pasyal, kain. Hanggang sa pumasok na kami sa retobar na kinakantahan nila Ate Lez para hintayin yung Pyro. Siguro mga 5:30 nandun na kami. (7PM ang start ng pyro. Hehe, hindi naman ako excited) Kapag kasi mga 6:30 pa kami pumasok baka wala na kaming makuhang magandang pwesto kaya mas mabuti ng maaga. Di ba! Di ba! Napansin ko lang medyo mahigpit na yung organizers ngayon. Nung una kasing manood kami dun ng mga housemate ko eh pwede ka pang makapunta sa pinakagilid ng seaside blvd kahit complimentary ticket lang ang ipakita mo pero ngayon hindi na, hanggang dun ka lang talaga sa sakop ng bar na may-ari ng complimentary ticket mo. Pero ok lang naman kasi halos gilid na rin ng blvd yung mga tables ng resto.


Mga 6PM nag-start na ring tumugtug yung kaback-to-back band nila Ate Lez kaya hindi naman kami nainip. Then hindi rin nagtagal unti-unti ng nagpaputok ng sample fireworks yung organizers. Siguro every 3mins nagpapa-putok sila. Ganda! nakaka-excite tuloy. Hehe. 7PM yung scheduled na start ng unang competitor that night (Australia), pero siguro mga 7:40PM na nagstart yung display. Tsk tsk hanggang dito filipino time. Well anyway ng magsimula ng magpa-sikat ang Australia, lahat eh seryoso sa panonood, hehe kahit naman ako syempre. Galit-galit muna. At ayun, goodluck naman sa mga tao na vini-videohan ang buong fireworks display using their phones. Ang tyatyaga! Ako naman kapag mga ganyang bagay ayoko ng kukuhanan pa ng video, mangangalay ka lang! Pati hindi mo masyadong mae-enjoy yung display kasi sa phone ka naka-tingin imbis na sa fireworks mismo. At sino ba manonood nung vinideo mo eh di kayo-kayo lang din. Nagpakahirap ka lang! Eh bakit ba ko affected??? Haha.

After ng Australia, sila Ate Lez naman ang sumalang sa stage. Sobrang nakaka-entertain talaga sila. Hindi tulad ng ibang band na nakaka-antok. Kapag pinanood mo kasi sila parang nanonood ka na rin sa comedy bar. Hehe. Medyo na-touch naman ako kay Ate Lez nung dinedicate pa nya yung kantang Superwoman sa mami ko. Sweet!

About 40mins after ng Australia, nagsimula na ring magpasikat ang Philippines. Ang alam ko hindi kasali sa competition ang Phil, nag-opening at closing presentation lang sila. Nung una medyo nagkaron pa ng technical problem dahil hindi tumugtug yung sounds, pero siguro mga 10seconds lang naman. Michael Jackson songs, san ka pa! Sigawan ang mga tao nung tumugtug yung bad romance. Kahit ako na pa "Woooww", kasi parang sila lang yung gumamit ng bagong music para i-incorporate sa fireworks. Isipin mo Lady Gaga sa Philippines. Hehe. Nakaka-aliw nung part ng lyrics na "I want your love. Love-love-love I want your love." kasi nung sa part ng love-love-love sunod-sunod na heart shape na fireworks yung pinaputok nila. Astiiig! At syempre naging mabenta naman yun sa mga pinoy. Alam nyo naman, mahilig talaga sa lovelife ang mga noypi. Hehe. Favorite kong part eh nung huling-huli na na halos maging kasing-liwanag ng umaga yung paligid dahil sa dami ng sabay-sabay na fireworks na pinaputok. Amazing!


Ang galing talaga ng naging presentation ng Philippines. Kahit nung unang nood ko Philippines and US mas maganda pa din ang Phil. Hindi naman sa bias ako pero mas maganda talaga sya. Somehow nakaka-proud.

10:30PM na ng makasakay kami ng bus pauwi. Grabe sa dami ng tao sa MOA parang divisoria kapag christmas season! Hehe. Masaya ko kasi parang matagal na rin nung huling mamasyal at lumabas kami nila mamai. Masaya din ako kasi alam kong nanging masaya din sila that night, lalo na yung bunso naming si Jeana. Sobrang thankful ako kay God kasi binibigyan nya ko ng ganitong blessings, ng ganitong family.

"More than I could hope or dream of.
     You have poured Your favour on me.
So blessed, I can't contain it...
     So much, I've got to give it away."

No comments:

Post a Comment