Supposedly last weekend eh aakyat kami ng Mt. Maculot sa batangas, but since ang busyng-busy na si Chito na paalis na papuntang New Zealand (Congratulations!!!) eh napaka-busy din sa trabaho, nag-backout na sya. At sa kasamaang palad din, si Aldine na natitirang ka-close ko sa climb sana eh nagback-out na rin dahil makikipaglamay naman sya (RIP). So wala akong choice kundi wag na rin sumama. Kasi alangan namang sumama pa ko dun eh hindi ko na naman kakilala yung mga natira na magka-climb, nakakahiya naman. Alam nyo naman ako sobrang mahiyain. Haha.
Dahil sa biglang nabakante ang weekend ko, naisipan ko nung Saturday na pumunta nalang ng greenhills at maghanap ng polo shirts. Pagdating ko naman ng greenhills, nakakainis kasi wala na yung mga polo shirts na nakita dun dati. Puro imitation nalang ng Lacoste, Arrow at Nike ang mga tinda nila, ang nakakainis pa, halos lahat ng tindahan magkakamuka ng tinda! Anu ba yan pinaghiwa-hiwalay pa! Haha. Isa pang napansin ko, ang dami-daming foreigner na namimili sa greenhills, kami naman tuloy nose bleed. May narinig pa kong isang tindera sabi nya sa foreigner, "Hi sir, what buy? Beautiful here!" Haha, anu kaya ibig sabihin ni ate? Tapos may nakita pa kong 2 muslim (no offense, I'm not writing against any religion here), magaganda. Kaso nung dumaan sa harap ko lintek! naiba yung ihip ng hangin, pwede ng pang chicken curry. Hehe. Narinig ko nalang yung daing nung isang tindera na hindi napansin yung 2 babae, "Anu ba yun ang baho!" hehe, hindi ko alam kung maaawa ako kay ate o matatawa sa reaksyon nya eh. Haha. At ayun, wala rin naman ako napala sa pagpunta ko dun, wala din ako nabili kundi yung pinabiling Victoria ng housemate ko. Hehe.
Sunday morning pumunta ko kila Lorie para tulungan sya sa pagluluto sana. Food Committee kasi sya sa darating naming Christian Life Program sa Singles For Christ. Eh since my leafleting kahapon, nagpaluto sa kaniya yung Team leader para pang-lunch nung mga sumama dun. Pagdating ko naman dun, halos nakaluto na sya ng chopsuey at nagawa na yung gigi na piprituhin. Kaya ayun kwento nalang ako at moral support. Hehe. Mga 11:30 nagpasundo na kami para ihatid na yung lunch at ayun nakakatuwa kasi kahit di ako nakasama sa leafleting nakapag-serve pa din ako through food preparations for them. Nice!
2PM nagpunta kami ni Lorie sa Megamall para manuod ng matagal na naming gustong panuorin na "I Miss You Like Crazy". Finally! Medyo nag-atat pa kami kasi 2:30PM yung screening. Pero ayun, buti naka-abot. After manuod, nagsimba na rin kami kasama na si Mark dugal at tumuloy sa Robinson para bumili lang sana si Lorie sa bookstore, pero bigla naming naalala ni Lorie na may utang nga pala si Mark dugal samin! Talo sya dahil Alaska at pusta nya at ang Purefoods ang champion. Hurrayyy Lorie! Haha. Kaya ayun, nilibre nya kami sa KFC kahit silang 2 lang ni Lorena ang nagpustahan. Aba syempre kasama ko! (Buko Pandan) Ang sarap talaga kapag libre! Sana finals na ulit. Haha.
Nga pala, medyo na-guilty ako before kami kumain hindi dahil ililibre kami ni Mark kundi dahil sa 2 mag-asawang bulag na hindi ko manlang natulungan when I have given the opportunity to extend my help. Nabunggo kasi sila kay Lorie, medyo nabigla ako kasi hindi ko talaga sila napansin na padating. Tapos may tinanung yung lalaking bulag, hindi ko naman narinig, basta sabi ni Lorie "Ay dun pa po sa baba.". Tapos napatingin ako sa asawa nya na nakahawak sa balikat nya, bulag din pala si ate. Hindi ko alam kung bakit natakot akong tanungin sila kung ano ang hinahanap nila, at kung bakit hindi ko manlang sila inalalayan samantalang nasa harap ko lang sila. Medyo nagising lang ako nung may isang babaeng biglang lumapit tsaka tinanung sila, "'Tay san po kayo pupunta?". Nun ko lang nalaman na lalabas na pala sila. At nun ko lang din na-realize na hindi ko nagawa yung dapat kong ginawa. I felt guilty and disappointed with myself. Kasi pwede ko namang gawin yung ginawa nung babae. Pero hindi ko nagawa. Hinatid sila nung babae sa baba palabas, at ako, pinanuod ko lang sila. Hayyy. I hope maging matapang na ko next time.
No comments:
Post a Comment