Friday, March 5, 2010

It's been a year!

Whew! Isang taon na simula ng maglahong parang bula ang kumpanyang dating pinapasukan ko at mapasok ako dito sa Globe. Ang bilis naman talaga ng panahon, di ko manlang namalayan. Isang taon narin na nagi-stay ako dito sa Manila, anu bang nabago???

Hmmm, naalala ko na naubos ko lahat ng vacation leave ko dito dahil sa pag-attend ko sa wala namang pinatunguhang hearing para makuha namin yung back pay namin. Ayun, walang saysay. Nagpagod at nagastusan lang ako at walang nakuha miski singko sa kumpanya. Hayy buhay nga naman kapag sinuswerte. Pero di din naman nagtagal natanggap ko na sa sarili ko na hindi ko na talaga makukuha yun. Ou sayang pero alangan namang magmukmuk ako para sa wala. Kaya ayun, move on. Hehe.

Blessing din naman dahil di naman ako pinabayaan ni God. After ng Pelatis nagkaron agad ako ng mapapasukan. Dito sa Globe sa Makati. At since hindi ko maintindihan kung bakit nuknukan ng tagal bumyahe from North Edsa hanggang Makati na parang lumuwas na ako ng probinsya, kinailangan kong umupa na ng bahay dito sa Manila. At blessing ulit dahil hindi na ko nahirapan humanap ng matitirahan dahil naghahanap talaga ng makakasama sa bahay yung friend kong si Djem na dati ko ring ka-opismate sa Pelatis. God is so great! So ayun, Friday last day namin sa Pelatis, Sunday naglipat na agad ako ng mga gamit dito sa Manila dahil Monday nun may pasok na agad ako. Di ko manlang na-experience ang bakasyon. Haha.

Nung una talagang nakakabagot tsaka nakakalungkot. Kasi syempre nakakapanibago na hindi ko na lagi nakikita pamilya ko. Pati iba na yung bahay na inuuwian ko. Wala din ako masyado makausap nun sa bahay kasi baliktad yung schedule namin nun. Lagi lang akong mag-isa. Tuloy parang araw-araw nalang gusto kong umuwi ng Bulacan. Hehe. Masayang-masaya ko nun kapag weekend na kasi makakauwi na ko samin.

Buti nalang that time biglang dumating sakin ang SFC (Singles For Christ). Unang una, nagkaron ako ng pagkakataon na makapag-serve kay God, at pangalawa, nagkaroon na ko ng pagkaka-abalahan. God really knows what you need and He will give it to you in His own time.

And here I am. Isang taon na nakalipas. Meron rin namang feeling of fulfillment. The past year is fun. Marami kong natutunan, nakilala, na-experience, nagawa, napuntahan. And I'm bringing back all of these for the praise ang glory of the Most High. I'm hoping for another great year. Be with me Lord.

No comments:

Post a Comment