Wednesday, April 7, 2010

Holy Week

Tulad ng maraming pinoy na grdauate na sa mga kalokohan sa skwelahan, inaabangan ko talaga ang Holy Week. Bakit kamo??? Dahil sa mahaaaaaaaaaaaaaaaaba ang bakasyon! Wuhuu! Ito lang kasi yung time para makatakas sa stress ng Manila.

Last Holy Week naki-probinsya ulit ako kila Lorie sa Lobo Batangas kasama si Mark. Last yir dun din ako nag-semana santa kasama naman sila Alex at Monch. Nung una medyo nag-aalangan pa ko sumama kasi magpi-pilgrimage sila mami sa Baguio ng Holy Week kaya walang makakasama mga kapatid ko sa bahay, pero sa huli di naman sila natuloy kaya ayun nakasama ko kila Bebe. Unang plan Saturday kami uuwi kasi birthday ni Dugal ng Sunday, baka umuwi sya ng Isabela at my reunion din kasi sila nung linggo na yun, eh ewan ko ba biglang nabago na naman ang ikot ng mundo kaya biglang Sunday nalang kami nauwi.


Unlike before, tanghali ng myerkules santo kami lumuwas papuntang Batangas. Kainitan. Pero kagaya ng dati, nasiraan din yung sasakyan na sinasakyan namin. At grabe! nasa Bicutan palang kami non! Nak ng! Kaya ayun nagtulak kami hanggang sa SM Bicutan. (Imaginin mo nagtutulak ako ng Van sa SLEX!, hehe) Pero it's a blessing in disguise kasi nakapaghulog ako sa BDO. Kelangan ko kasi talaga maghulog nun sa bangko para kila mami, eh naubusan na ko ng time nung umaga dahil may pasok pa ko sa opisina, tapos wala din namang BDO sa bayan sa Lobo. (anu bang klase??) Haha. Actually, that's what I love about this town. Kumbaga, sobrang probinsyang-probinsya yung dating. Simple lang. Tapos nag-carousel pa kami nila Bebe sabay sumakay sa mga animals na umaandar. Medyo nakakahiya pero pinagbigyan na namin ang batang si Bebe, baka maglupasay pa dun mas lalong nakakahiya. Pero ok lang masaya naman pala. (Haha, kunyare pa!)


This time, nagkaron kami ng pagkakataon na makapunta dun sa mga lugar na gusto naming puntahan na hindi namin narating last yir. Syempre sino pa ba ang pasimuno??? Eh di si Bebe the bibe! Narating namin yung dulo sa dulo ng Lobo. Sa Eastern part is yung Parola ng Malabrigo at sa Western part naman eh yung MonteMaria na project ni Fr. Suarez. At syempre, mawawala ba naman ang dagat??? Nakakatuwa kasi ang linis nung dagat na napuntahan namin. Dati kasi mabuhangin tsaka ang daming damo sa ilalim, medyo nakakatakot tuloy lumakad-lakad dahil hindi mo ala kung anung nilalang yung nasa mga damo na yun. Haha. Ang weird.



At the end of the day, sobrang naging masaya nung vacation namin. Relaxing at nakakawala talaga ng stress. Isama mo pa ang kakulitan ng mga tao dun. Thanks kay Bebe at sa family nya na sobrang accomodating. 'Till next time.(^^,)


At ayan, pagkauwi namin ng Manila nognog na ko. Haha. Pero ok lang. It's fun!

No comments:

Post a Comment