Unang salang ko palang sa Pelatis, nandun na si Djem, pero hindi pa kami close nun, ni hindi ko pa nga sya kakilala non at hindi man lang kami nagpapansinan. Kasama kasi sya ng grupo ng mga kontra-bida, yung mga compilers. Sila yung nag-aapprove kung tama o hindi yung ginawa naming mga scorer. Basta ganun. In short, isa syang kalaban. Haha.
Nung pangalawang beses ako mapasok sa Pelatis para naman mag-technical support, magka-team na kami at hindi na sya kontra-bida, kaya naman nagpapansinan na kami, hehe. Mga 1 and a half years din yata kami sa Pelatis until sa hindi maintindihang dahilan eh bigla nalang kami nawalan ng trabaho. Hayyy.
Anyway, after naman nun eh naging mag-housemate kami ni Djem. After kasi sa Pelatis, nakakuha ko ng job order sa Makati kaya kinailangan ko umupa dito sa Manila, at sobrang nakakatuwa naman dahil welcome ako sa tinutuluyan nya.
Batang may hubog daw, haha. Medyo may kaliitan kasi 'tong si Djem pero small but terrible 'yan! Disiplinado sa mga studyante nya. Madaldal din, haha. Pero ok lang yun dahil matakot ka kapag nanahimik na yan. Halatang-halata kapag nagsi-sinungaling kaya nako kapag may ginawa kang kalokohan at kasama mo sya dapat wag sya ang ipang-front mo. Haha. Mabait, sweet, masipag, dedicated, passionate, creative, artist, responsible, diretsa kung magsalita. WYSWYG (What-You-See-is-What-You-Get) na klase ng tao. Matary, ma-puna, ma-pintas, minsan matalas ang dila at minsan ma-reklamo din. Pero nako, magaling maglinis ng bahay, marunong
HaPpY Birthday Djem!
Hope ma-achieve mo lahat ng gusto mo sa buhay, maipa-ayos mo na yung bahay nyo sa Bulacan makapag-sarili na kayo ng mga mama mo, bumalik ulit sayo ang magical feelings, at syempre good health, happiness and love. May God bless you more and may His peace be with you olweiz.
*Mnemosyne ang title dahil si Djemnhalie is a.k.a Mnemosyne at hindi ko na matandaan kung bakit. Hehe.
No comments:
Post a Comment