Naisip ko nga, "Dati naririnig ko lang kay Dyan Castillejo ang CWC. Napapanood ko lang dati sa Sports Unlimited and now I'm here! I'm here!". Ang sarap mag-wake. Yun nga lang masakit sa braso sa una. Mantakin mo ba namang hilahin ka ng kable. Tapos dapat sa una mahigpit yung hawak mo sa cable, kasi mabibitawan mo talaga kung hindi. Ok din naman ang price, P160 yata per hour, nakalimutan ko na. Hehe. For 2 hours, you can use the pool for FREE. Oh di ba pwede na!
Ako yan naka blue! |
Naks! Ganyan ang tamang pag-ikot. |
Medyo nakakalito sa una kasi hindi mo pa alam ang gagawin. Sasabihin sayo nung trainor na wag daw hilahin yung cable eh ang kaso kapag palubog ka na ang tendency hihilahin mo talaga yun di ba! haha. Pero after several times of trying, nakuha ko na rin sya at tama nga si kuya, "wag hilahin ang cable". Kasi kapag hinila mo sya, lalo kang lulubog. Sayang nga lang na twice lang ako nakatawid. Kung kelan naman kasi kaya na namin ni Monch at nag-eenjoy na kami tsaka lunch break na pala. Hayyy. But atleast we've experienced na nakatayo. Hehe.
It's been a fun-filled day with my friends. Sinulit talaga namin ang bakasyon sa CWC. Sabi nga, minsan lang yun. Maghapon kaming nagbilad sa araw. (kaya pagbalik namin sa Manila para kaming inihaw, hehe) Tinry din namin yung mga activities sa Lago Del Rey. Swimming, Trampoline, Obstacle race, kayaking. Ang saya!
No comments:
Post a Comment