Sooooooo huge! Ang galing-galing. Haha. Nanood kami ng advance screening ng Transformers last Tuesday sa SM North Edsa. Yes, expensive pero worth it naman. Pati minsan lang naman :)
The first thing na napansin ko pagpasok ko sa IMAX eh yung screen nya. Ang laki laki laki talaga! Tapos naka-curve sya unlike the standard screens used by the others na flat lang. Sa unahan kami naupo nung una... at napasubo yata kami. Ahaha. Kasi sa sobrang lapit namin sa screen eh halos lamunin na kami ng pinapanood namin. Tapos hindi ko makita lahat, kailangan ko pang lumingon sa kaliwa at sa kanan para makita ko ung buong picture. Eeerrrggg. Badtrip. Minsan naduduling pa ko pag sobrang bilis ng eksena. Ehehe.
After 30 minutes, lumipat kami sa bandang likuran sa mga bakanteng upuan. At ayun, kita ko na rin yung buong screen. Ang napansin ko lang, ang maganda lang kapag nasa harap ka eh pakiramdam mo nasa paligid mo lang ung objects sa movie at parang you're "in" the movie talaga. Kapag nasa taas ka naman, although 3D pa din naman pero laging nasa harap mo lang yung objects. Siguro dahil nakikita mo yung borders ng screen at yung mga upuan sa harap mo. But still, you will feel that the actions is just right in front of you. Pakiramdam ko talaga kasama ko sa labanan ng mga Autobots at Decepticons. Haha. Galing!
The whole IMAX experience is so great. But how it differs from the usual Digital 3D? Hmmmm... The screen maybe??? Haha. Hindi ako sure. Siguro ang pinaka-napansin ko sa IMAX experience eh yung feeling mo nagmomove yung upuan mo, yung parang naka-angat ka while the picture is moving. Hehe, nakakatuwa. :) Minsan feeling ko mahuhulog ako. The picture almost looks so real na mapapa-iwas ka talaga minsan kapag may objects na feeling mo matatamaan ka. Haha. And the sounds??? It is just amazing!
Can't wait to see Harry Potter again in IMAX. Weeeeee~!
No comments:
Post a Comment