"Ui kukunin kitang ninong sa binyag ng anak ko ah!"
Pa'no mo ba naman matatanggihan 'yan??? Hindi talaga. Hinding-hindi. Sabi nga ng mga nakaka-tanda, bawal tanggihan ang pag-aanak sa binyag dahil mamalasin ka daw. Huh??? anung kinalaman ng pagtanggi sa kamalasan? Itong mga ninuno talaga natin kung ano-anong mga pinapa-uso. Haha, pero sabi nga, wala namang masamang gawin ang mga kasabihan tutal wala namang mawawala. Haiii, Opo sige na.
Katulad ng mga nakakaraang panahon, pag-uwi ko sa bulacan nung weekend, may surprise ulit ako. Invitation. Binyag. Ninong ako. Ok. Officially, pang-sampu ko ng inaanak 'to. Hindi naman ako nagrereklamo, ganun talaga eh. Kasama na rin sa trdisyon ng katolikong pinoy 'yang pagkuha ng ninong at ninang. Eh friendly tayong masyado eh. Ayaw mapahiya sa mga kaibigan at kamag-anak. Sa pagkakataon na 'to, ok lang talaga sa'kin kasi anak naman nung bestfriend ko ang aanakin ko, kumbaga 'yung mga ganun ok lang, pati ako din naman ang nag-prisinta sa kanyang maging ninong ng anak n'ya nung high school palang kami, hehe, pero 'yung kunin kang ninong ng 'di mo naman kamag-anak o ka-close manlang, eh aba! ibang usapan na 'yon!
Nanay: "Kuya kukunin ka daw ninong ni blah blah" (Kuya tawag sa'kin ni mami o kya dhen)
Ako: "Huh? sino ba 'yun?" (alien yata)
Nanay: "'Yung anak ni Manang" (kapit-bahay namin na naka-tira sa apartment)
Ako: "Bakit?" (Bakit nalang ang nasabi ko dahil 'di ko talaga maintindihan kung bakit nila ko kukuning ninong)
Kita mo! Hindi talaga kayang i-proseso ng utak ko kung bakit kukuha ka ng ninong na hindi mo naman kilala. O sige kung kakilala man nila ko eh hindi ko naman sila kakilala. Ang wirdo 'di ba?? Hahaiii. Nakakatawa nalang.
No comments:
Post a Comment