Thursday, April 8, 2010

MonteMaria

Nung huling nagbakasyon kami sa probinsya nila Bebe sa Batangas nung Holy Week, hindi manlang kami nakapag-bisita iglesia o naka-simba manlang. Tsk tsk. Ewan ko nga ba. Mas inatupag pa namin nun ang pagda-dagat. Byernes santong-byrenes santo andun kami naglalangoy sa dagat. Kaya naman pinlano talaga naming pumunta sa Monte Maria nitong huling pagpunta namin sa Lobo. And God is so gracious na kahit hindi kami natuloy nung Holy Friday, eh pinapunta naman nya kami ng Black Saturday. Siguro sabi nya, Holy Friday ngayon manahimik kayo sa bahay, bukas nalang lumakad! Ehe.

Mga February lang nung unang marinig ko 'tong MonteMaria na project ni Fr. Suarez (healing priest). Sobrang na-excite ako kasi ang ganda ng mga narinig ko about sa project. Isa na dun yung pagkalaki-laking istatwa daw ni Mama Mary na mas malaki pa kay Lady Liberty ng New York at Christ the Redeemer ng Rio yung itatayo dun. Tapos may ilang simbahan, retreat houses, station of the cross atbp. Kaso bago pa man kami lumuwas ng batangas may nabasa kong blog na hindi na daw pala tuloy ang project na 'to sa lugar. At ang nakakainis pa, dahil daw sa sobrang naging mahal na ng presyo ng lupa sa lugar na pagmamay-ari ng isang pulitiko. Nak ng! Sabi daw, kelangan pa kasi ni Fr. Suarez ng dagdag na lupa dahil kulang daw ang 5 hectares sa itatayo nyang project para ma-accommodate ang expected na dami ng tao na dadagsa sa lugar. Ang kaso, nagulat nalang sila ng malamang tumaas na ng P6k - P9k ang presyo ng lupa per sqm na dating P50 lang per sqm! HayyYY! Nakakainis talaga 'tong mga taong 'to. Taking advantage! Ok lang sana kung casino ang itatayo dun o kung anong commercial spaces eh hindi naman! It's a place for spiritual renewal. It's for God's glory! Hindi ba nila naiintindihan yon!!! Nako pigilan nyo ko! Grrr!

Nung naghahanap na kami ng uupahan na jeep para makapunta sa MonteMaria Shrine, parang lahat nalang sinasabi na wala na dun yung simbahan. But we wanted to see it for ourselves kaya nag-pursue pa rin talaga kami na pumunta. On the way, wala na rin naman akong ine-expect na may makikita kong simbahan or what. And sakin nalang, basta we tried to see the site whether there actually a sanctuary or not. We took this journey to MonteMaria as part of our commitment na magkaron manlang kami ng spiritual activity nitong Holy Week in observance of Lent.

Ng makarating kami sa site, yung malaking cross nalang ang naabutan namin sa lugar na pinagmimisahan daw ni Fr. Suarez dati. Then may nakita kaming puting simbahan sa di naman kalayuan kaya dun nalang kami tumuloy. Habang papunta dun may nakita kaming mga rebulto na parang ginawa as part of the planned Station of the Cross sana ng MonteMaria. Nakakalungkot lang makita kasi parang na-abandoned nalang sila. Hayyy.



Anyway, the Church of the Infant Jesus is just a proof of how beautiful this project should have been. Pero dahil sa mga gahaman... hay Lord forgive me. Wala nalang kaming reaksyon ni Bebe nun kundi pumalatak at manghinayang. So sad it may be, meron pa rin namang good news. Sabi hindi na naman daw tatanggalin dun yung simbahan ni Sto. Nino. Pati tuloy pa rin naman yung MonteMaria project, pero sa Tagaytay City nalang. Well that's better than none. Sana nga matuloy na 'to sa Tagaytay. Let's just pray na hindi na naman ma-pulitiko 'tong project ni Fr. Suarez.

1 comment:

Anonymous said...

dami tlagang magagandang place sa bantagas like agoncillo, balete, alitagtag

Post a Comment