Monday, May 24, 2010

Antipolo Cathedral

Dati pa man, gusto ko na talaga magsimba dito sa pamosong simbahan ng Antipolo. Wala, sikat kasi eh. Lagi kong naririnig. Pati 'di pa din talaga ko nakakarating ng Antipolo. (Kawawa naman, hehe)

At kahapon, natupad na din yon! Yipee! Birthday ni Djem kahapon at inaya nya kong pumunta sa Antipolo, binilin daw kasi ng mama nya na magsimba sya dun kaya ayun. At syempre ako naman hindi na nagpa-pilit dahil gusto ko naman talaga. Hehe.

Excited ako kasi wala talaga kong ideya kung ano itsura nung simbahan o kung gano kadami ang tao dun, kung pano pumunta, kung ano yung makikita, basta ganun. Tulad nga ng sabi ko, gusto ko yang mga ganyang travel-travel.

Madali lang pala pumunta galing sa Shaw, sakay lang ng jeep then lakad or tricycle nalang pa-simbahan. Pagdating namin don mga 5PM, sakto dahil magsisimula na yung misa kaya nag-misa muna kami. After ng mass, syempre ano pa ba?


Antipolo Cathedral is a.k.a. the National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage. Kaya kapag mag-aabroad ka, dito ka magsimba. Ang ganda ng simbahan. Tapos kakaiba sya kasi pabilog yung korte ng interior nya, pati kung titingnan mo sa labas, parang katulad ng mga style ng mosque ng muslim yung pagkaka-gawa. Tama ba? Work of art yung golden altar at chandeliers. Tapos ang ganda din ng sinag ng araw na pumapasok sa stained glasses. You will really feel God's Majesty sa bahay nya na 'to. Tapos kung makikita nyo, bawat poste nung structure eh my image, parang St. Peter's Basilica ng Vatican. Ganda.


Ang dami ding mabibili sa paligid ng simbahan: unang-unang bubungad sayo eh yung mga nagtitinda ng lobo. May spongebob, mickey mouse, tweety bird, snow white, dora, spiderman, yung mga ganun. Gusto ko nga sanang bumili ng tweety bird, haha. Joke! Tapos hindi mawawala syempre sa simbahan ang mga rosaryo, mga bracelet, kwintas, images at kung ano-ano pang bling-bling.

At syempre ang sikat na sikat na bilihin sa Antipolo: mga suman, kasoy, uraro, magga at kalamay! Pero hindi ako bumili. Alam nyo naman, Bukayo. Haha. Pati natikman ko na naman yung mga yun dahil marami namang ganun sa Bulacan kaya ok lang. Pero sila ate Cecil, shopping galore! Hehe.


It's been a great visit at sana next time sa Hinulugang Taktak naman ang mapuntahan ko.

Mnemosyne

Kung gano na ko katagal nagtatrabaho eh ganun ko na din katagal kaibigan 'tong si Djem. Hindi ko nalang sasabihin kung ilang taon na sya at sikreto lang din na lagi na nyang iniinda ang pagsakit ng kanyang tuhod pero ang alam ko lang eh 3rd birthday na nya 'to na magkasama kami. Hehe.

Unang salang ko palang sa Pelatis, nandun na si Djem, pero hindi pa kami close nun, ni hindi ko pa nga sya kakilala non at hindi man lang kami nagpapansinan. Kasama kasi sya ng grupo ng mga kontra-bida, yung mga compilers. Sila yung nag-aapprove kung tama o hindi yung ginawa naming mga scorer. Basta ganun. In short, isa syang kalaban. Haha.

Nung pangalawang beses ako mapasok sa Pelatis para naman mag-technical support, magka-team na kami at hindi na sya kontra-bida, kaya naman nagpapansinan na kami, hehe. Mga 1 and a half years din yata kami sa Pelatis until sa hindi maintindihang dahilan eh bigla nalang kami nawalan ng trabaho. Hayyy.

Anyway, after naman nun eh naging mag-housemate kami ni Djem. After kasi sa Pelatis, nakakuha ko ng job order sa Makati kaya kinailangan ko umupa dito sa Manila, at sobrang nakakatuwa naman dahil welcome ako sa tinutuluyan nya.

Batang may hubog daw, haha. Medyo may kaliitan kasi 'tong si Djem pero small but terrible 'yan! Disiplinado sa mga studyante nya. Madaldal din, haha. Pero ok lang yun dahil matakot ka kapag nanahimik na yan. Halatang-halata kapag nagsi-sinungaling kaya nako kapag may ginawa kang kalokohan at kasama mo sya dapat wag sya ang ipang-front mo. Haha. Mabait, sweet, masipag, dedicated, passionate, creative, artist, responsible, diretsa kung magsalita. WYSWYG (What-You-See-is-What-You-Get) na klase ng tao. Matary, ma-puna, ma-pintas, minsan matalas ang dila at minsan ma-reklamo din. Pero nako, magaling maglinis ng bahay, marunong magluto mag-prito at mag-saing haha. Kapag may pinagawa ka sa kanyang trabaho sobrang pag-aaralan talaga nya at sobrang paglalaanan ng pagod at panahon. Hindi ko nga lang masama 'to sa SFC pero siguro in time, hehe. May nakalimutan pa ba 'ko??? Paki-comment nalang kapag meron pa... hehe...

HaPpY Birthday Djem!

Hope ma-achieve mo lahat ng gusto mo sa buhay, maipa-ayos mo na yung bahay nyo sa Bulacan makapag-sarili na kayo ng mga mama mo, bumalik ulit sayo ang magical feelings, at syempre good health, happiness and love. May God bless you more and may His peace be with you olweiz.

*Mnemosyne ang title dahil si Djemnhalie is a.k.a Mnemosyne at hindi ko na matandaan kung bakit. Hehe.

SFC United Concert

"With eyes on high we praise You
    And with one voice we come together
Our one desire to praise You
    And lift You up in our surrender
We are living to make Your Name high
Jesus"

It's been almost 3 months of preparation and practice...and finally we have attained our goal. United in God through music and praise.

Hayyy, matagal-tagal din ang ginawa naming pag-papraktis para mabuo yung concert last Saturday night. And thank God that it turned out good. Hindi ko alam kung sino naka-isip na magkaron ng concert ang cluster namin sa SFC, pero kahit sino pa man sya, eh sobrang laki ng naging tulong nya sa cluster because we're definitely became united.

There are four chapters in our cluster: (1)Fatima, (2)Divine Mercy at San Roque combined, (3)Sacred Heart and lastly, (4)POLA (Parish of Our Lady of the Abandoned) where I belong. Bawat chapter may 4 na solo-ista (2 brothers and 2 sisters) at participation sa choir. At ako, part ng choir. Cute! Hehe.

Brother Zhyke has been a great coach para sa music ministry. He shared his knowledge learned from his voice lesson saming mga "songer" and it greatly helps. Nung una medyo mahirap kasi hindi ko pa talaga yun (breathing exercise) nagagawa pero as time goes by medyo nasanay na rin ako. Pinaka-fav kong part ng lesson eh yung pool training. Hehe, bukod sa masarap mag-swimming, medyo challenging kasi nakikigamit lang kami ng pool sa California Gardens kaya medyo suspense, haha.

Marami ding dumating na oppressions tulad nga nung muntik-muntikan na talaga kaming hindi makapag-pool training dahil nga nakiki-gamit lang kami ng pool, may mga hindi magka-sundong schedule kaya hindi nakakapag-praktis ng kumpleto, minsan yung instruments naman ang pumapalya, yung mga ganon. But it didn't keep us from attaining our goal. The concert is a BIG success! See? Walang malaking balakid at problema ang hindi malalampasan sa mga gawain para kay God.


May God be Praised!

Monday, May 17, 2010

Sudden Adventure

Kahapon, isa na namang kahindik-hindik na adventure ang nangyari sakin dahil sa may kung ano na pumasok sa kautakan ko at naisipan kong pumunta ng megamall, ng San Juan at di kalaunan ay sa Quiapo. Haha. Ewan ko ba, minsan talaga pabigla-bigla nalang ako mag-decide.

Habang papunta sa Megamall nakasalubong ko pa si Kuya Lucky (officemate sa Pelatis) at sa dinami-dami na lugar na pwede kaming magkita, dun pa sa gitna ng kalsada EDSA corner Shaw habang nananakbo ako at pa-green na ang street lights. Haha. Sa gulat ko nahampas ko nalang tuloy sya. Sori naman kuya Lucky. Hehe.

Ayun, after kong maglaboy sa Megamall, sugod naman ako sa Greenhills para tumingin ng mga polong pamasok at ng kung ano pang pwedeng mabili. Ang kaso, 3 oras na yata akong nagii-ikot dun sa tyanggian at halos kilala na ko ng lahat ng tindera don eh wala manlang akong nabili kundi yung isang pulang T-shirt. Hayy.

Akshuali ganun talaga ko kapag namimili, sobrang lahat ng tindahan titingnan ko muna, tapos pili-pili, tawa-tawad. Matagal talaga ko mamili ng bibilin, kaya nga gusto ko mag-isa lang ako kapag ganun. Ayoko kasi ng may iniisip kang kasama. Nakakahiya pati na mag-ikot-ikot at magtagal kapag may kasama ka. Minsan naman kelangan ko ng kasama, lalo na kapag gusto ko ng second opinion sa mga bibilin ko. Ganun lang, pero kapag personal na mga bagay ang bibilin, I'd rather be alone. (Huwow!)

Ayun nga dahil sa inis ko at wala akong mabiling polo, naalala kong may Bus na byaheng Quiapo sa harap ng GSC (Greenhills Shopping Center), kaya ayun naisip kong mag-Divisoria. Haha.

Nung nasa labas na ko ng GSC, nagdalawang-isip pa ko kung pupunta ko, kasi naman 3:30PM na nun, eh magsisimba pa ko ng 6 or 7PM. Tapos may praktis pa para sa concert, pero nung biglang may bus na na byaheng Quiapo, ewan ko ba bigla nalang akong sumakay. Haha.

First time kong bumyahe papuntang Quiapo galing San Juan kaya medyo excited ako sa mga makikita ko sa byahe. Mahilig kasi talaga ko sa ganung mga trip. Mag-explore kahit hindi naman ako si Dora. (Oh sige na korni na)

At ayun, nung una kabado ako kasi hinding-hinding-hindi talaga pamilyar sakin yung mga dinadaanan nung bus, pero nung makita ko na ang Centerpoint natuwa naman ako kasi pamilyar na sakin yung lugar na yun. Dun kasi kami tumambay ni Jan-jan nung sinamahan nya kong bumili ng gitara. Weee!

Tapos nakakatuwa kasi for the first time nasilayan ko din yung San Sebastian Church na matagal ko ng pangarap mapuntahan. Gusto ko na nga sanang bumaba nung makita ko, ang kaso limited nalang yung time ko para mamili sa Divi, kaya ayun tuloy lang sa byahe.

Medyo kinabahan ako nung biglang nakita ko na sa Ayala bridge dumaan yung bus, eh kabila na yon ng Quiapo!!! Waaah! Tapos nakita ko pa yung sign ng bus nakalagay TAYTAY na at hindi na QUIAPO! Kabog! Kabog! Kabog! Hay nako kaba talaga. Pagbaba ng tulay at bago pa man ako mag-sterical sa sobrang nerbyos at takot maligaw, pinakiramdaman ko muna kung san liliko yung bus. Sa isip-isip ko, dapat kumanan 'to para dadaanan kami ng City Hall. Medyo mapapanatag na rin kasi ko kapag nasa City Hall na ko dahil alam ko na yun at marami na kong masasakyan pauwi ng Mandaluyong.

At ayun, tuloy ang adventure ko dahil kumanan nga si kuyang driver at dumaan kami sa City Hall, tumawid ng Quezon Bridge at ibinaba ako sa Recto. Ok naman, dun naman pala talaga ang ruta nila, liliko muna sa Ayala Bridge, masyado ko lang pinag-alala sarili ko. Haha. Akala ko naman kasi nalagpasan na namin yung babaan ng Quiapo at hindi ko lang narinig nung nasa Ayala Bridge na kami dahil sa sobrang amazement sa San Sebastian Church. Mahilig din talaga kasi ko sa architecture. Wala lang sinabi ko lang. Hehe.

Natuwa naman ako nung naka-baba na ko ng bus. Kasi syempre hindi na ko naliligaw. Hehe. Naisip ko na 'wag na rin magpunta ng Divisoria, nakakatamad na kasi. Magsisimba nalang ako sa Nazareno, at habang iniisip ko yun at naglalakad sa footbridge, bigla nalang may naka-pukaw ng atensyon ko. Sa gitna ng footbridge, sa ilalim ng tirik na tirik na araw ay napaka-dami at sunod-sunod na nakalatag na mga panindang "sex toys"! Waaahh! May mga bata na nakakakita at wala silang paki-alam! Grabe, considering they're in the vicinity of Quiapo Church, which, in history is one of the center of Catholic Church in Manila eh ganito ang makikita mo! Tsk.. Tsk.. Walang modo.

Well anyway, isa pang napansin ko eh sobrang dami na talaga sigurong masasama ang loob at mga halang ang bituka dahil mantakin mo ba namang pati ang simbahang eh punuan mo ng matataas na bakod na may tulis-tulis pa sa taas! Hayyy, sayang ang ganda ng facade ng Quiapo Church at ng Plaza Miranda dahil sa ginawang gate at bakod. (Hindi ko na binalak pa na picturan dahil baka mahablot lang ang phone ko at umuwi akong nguma-ngawa, hehe)

After nun, hindi ko naman alam kung pano babalik ng Mandaluyong. Haha. Naisip ko baka may byaheng jeep na dadaan ng Stop&Shop sa harap ng Isetan kaya naglakad nalang ako papunta dun at nagmasid ng mga bumabyaheng jeep. At ayun binggo! Stop&Shop mismo ang byaheng nakita ko! Hehe. Nakaka-pagod man at nakakapanlagkit, masaya naman ako kasi I Survived! 'Till next trip!

**Ang haba na pala ng post ko, haha.

Saturday, May 15, 2010

Hachiko

Waaahh! Nung retreat lang ako umiyak ng ganto! May hagulgul at may kasama pang sipon. Haha. Ewan ko. Siguro iisipin ng iba na OA ako pero sobrang nadala talaga ako ng storya ni Hachi. Kung hindi kayo pamilyar kay Hachi, paki basa nalang dito.

Sige try mong manuod, tingnan lang natin kung hindi ka maiyak! Hehe. Well anyway, para bigyan ng pahapyaw na ideya yung mga tamad magbasa dyan at hindi kinlick yung link sa 'dito', ganito kasi yon. Yung sinasabi ko na si Hachi (came from the symbols on the collar of the puppy - 'Hachiko', Japanese for 'good luck') eh hindi isang kathang isip o isang guni-guni. Isa po syang aso sa Japan na sobrang naging loyal sa kanyang amo. For years kasi, hinahatid at sinusundo ni Hachi sa station ng train yung amo nya pag papasok at pauwi na sya galing trabaho. At ayun, basta panuorin nyo nalang. Ayoko maging spoiler. Haha.

Sobrang ganda nung story. A mirror of a true loyalty and love. Sa lahat yata ng napanuod ko dito lang ako naiyak ng sobra. Walang sinabi ang Star for All Season (Peace sa mga fans ni ate V. joke lang yan wag seryosohin). Hehe.  A must see movie! Two thumbs up! Ay! Isama mu na din yung sa paa. Haha.

Clear Blue Sky

What: ASTI and GBR Company Outing
Where: Stilts Calatagan Beach Resort
When: May 14-15, 2010
Hay grabe ang haba ng byahe tig-4 hours papunta at pabalik! Hindi ko talaga pinapalagapas ang ganitong mga pagkakataon dahil gustong-gusto ko talaga ang bumabyahe ng malalayo. Ang sarap sa bus mag-sight seeing, lalo na't malamig at maraming kinakain. Hehe.

Our company offered Day Tour and Overnight package samin, but I preferred to just have a Day Tour kasi gusto ko din naman mapahinga ngayong Saturday. Ayun. Although medyo nakakabitin dahil parang kararating ko palang dun eh uuwi na rin kami, ok lang kasi atleast kahit pano nakakawala din ng stress yung makapunta dun. Still a great tour! (^^,)

**Clear Blue Sky dahil wala manlang ni ga-hiblang ulap kahapon kaya nuknukan ng init nung katanghalian at matutusta ka talaga kapag lumublub ka sa dagat... Hehe...

Tuesday, May 11, 2010

It's better AUTOMATED!

I.B.A. na ngayon!

Ako, tulad ng 50 Milyong botanteng Pilipino ay malaki ang expectation sating kauna-unahang automated election. Sino ba naman ang hindi? Eh unang-una, sobrang magiging madali na ang pagboto dahil nakalista na lahat sa isang mahaba napaka-habang papel ang mga pangalan ng pulitikong kumakandidato sa national at local positions at sobrang magiging mabilis na rin ang bilangan at pagkuha ng resulta ng botohan dahil sa gagamit nalang tayo ng GSM networks o satellite para mai-transmit ang resulta. Less time of canvassing, less work for teachers, less possibilities of vote-padding and vote-shaving. Great!

Bago pa man tayo kumanta ng "May bilog, may bilog na hugis itlog", marami na rin ang hindi bilib sa bagong sistema. Well, ganun naman talaga kapag may bago, takot mag-adopt. Masyado lang talaga siguro tayong natatakot dahil na rin sa mga napagdadaanan nating kaguluhan nung mga nakakaraang eleksyon at ayaw na nating magkamali. But I believe our country desperately needs such electoral change para naman maka-usad tayo. We are left far behind. If we will not going to give it a chance, then when is the right time?

Day of election, I was quite surprised to see huge amount of people standing by precints to vote. An evidence of how Filipinos badly wants a change. Nakakatuwa kasi maraming nagpa-participate. Kaso medyo nakakainis lang kasi ang gulo-gulo ng sistema. Kelangan mo pang pumila at kumuha ng number. Tapos may pila pa ulit sa voting precints. Bakit kelangan mo pang kumuha ng number kung alam mo na naman yung precint no. mo??? Hindi ka naman pwede hindi kumuha ng number dahil kapag pumila ka sa presinto at wala kang number, hindi ka nila papapasukin para bumoto. Ano yon may priority number parang bangko??? Tapos hindi manlang umuusad yung pila, napaka-konti kasi ng marking pens. Hindi mo din malaman kung sino susundin mo sa mga dumada-dakdak don dahil iba-iba sila ng sinasabi. Yung iba naman hindi mo alam kung sigurado ba sila sa sinasabi nila. Hayyy. Nakakapanghinayang dahil ang daming umuwi nalang dahil sa inis. Sayang ang boto nila. Ako naman, medyo nagtyaga nalang kasi para naman yun sa kapalaran natin for the next 6 years. Relax relax.

Cluster Precint No. 36. Precint 95B Number 39. Medyo nahimasmasan naman ako nung makuha ko na yung ballot ko at maka-upo na. Ang hirap pala i-shade nung bilog. Hehe. Ang liit pala kasi tapos ang nipis nung linya. Pati dapat talaga ingat na ingat ka. Hindi din dapat madiin yung pag-shade dahil tumatagos sa likod ng papel. Nung unang pagsubo ko ng balota sa PCOS (Precint Count Optical Scan) kinabahan ako kasi niluwa nung machine. Hala! akala ko tuloy hindi na mabibilang yung boto ko. Pero thank God kasi nag-CONGRATULATIONS na sya nung pangalawang beses na try ko. Buti nalang hindi nangangain ng tanga yung PCOS, balota lang. Haha.


Ang napansin ko lang, although mabilis sa bilangan ang optical scan, sobrang bumagal naman yung process ng voting dahil sobrang kinompress ang tao sa 1 machine. Halos 6-8 precints ang pinagsama-sama sa 1 Cluster Precint o 1000 voter per PCOS. Mabagal kasi parang 10-15 voters at a time lang ang pwedeng bumoto. Pangalawang napansin ko, wala namang silbi yung secrecy folder. Parang kalahati lang yung natatakpan sa balota mo. Yung balota naman kasi OA sa haba. Isa pa, sa sobrang effort mo na huwag madumihan, malukot o mapawisan yung balota mo para basahin ng napaka-arteng PCOS machine, eh hindi mo na magagawa pang hawakan yun secrecy folder. At eto pa, usually, yung election inspector ang nagsusubo ng balota sa PCOS dahil karamihan ng botante takot magpasok ng balota nila sa machine. Ang siste, kapag nahirapan ipasok ni E.I. (Election Inspector) yung balota, tatanggalin na nya sa secrecy folder yung balota mo tsaka nya isusubo sa PCOS kaya hindi na secret yung boto mo. Hehe. At hindi pa dyan nagtatapos, sa mga malalabo ang mata, o minsan yung mga medyo may edad na, hindi nila makita kung nasan na ba yung mga bilog na hugis itlog na binibida sa TV, ang lagay tuloy kung kani-kanino nalang sila nagpapatulong mag-shade. Tsk tsk.

For me, ok pa tong mga pagkakamali at pagkukulang na to. Well for now. Kauumpisa palang naman kasi natin sa bagong sistema. But I hope these things will be addressed and be changed para hindi na natin maranasan sa mga susunod pang eleksyon. Mistakes are the best teachers anyway. We don't know what the future holds for us. But I hope that we'll never get tired to pray for a better Philippines. God Bless our Nation.

Sunday, May 2, 2010

Barasoain Church

Last Labor Day, sumama sila Mark at Bebe samin sa Pulilan para maki-fiesta. Well, hindi naman ganun kagarbo ang fiesta samin kasi fiestang baranggay lang yun pati medyo nalilito na ang tao kung kelan ang totoong araw ng fiesta. Minsan kasi August 16 ang fiesta samin, minsan May 1 tulad ngayong taon, depende sa namamahala. Kaya naman ayun, pati mga bisita nalilito na kung kelan sila pupunta. Hehe.

Mga 3PM na yata kami nakarating samin, at sa kagustuhan naming makarating sa Barasoain ng may araw pa, medyo namahinga lang kami ng konti at kumain ng konti tapos lumakad kami kaagad papuntang Malolos. Medyo na-miss ko talaga yung byahe papuntang Malolos, pati Malolos mismo at kapitolyo syempre, hehe, matagal-tagal na din kasi nung huling punta ko dun. At ayun, ganun pa din, walang masyadong pagbabago. May nakita lang akong bagong tayong commercial spaces sa "Little Forest" sa harap ng Capitol Building.

Well anyway, ayun pina-experience ko din kila Bebe ang sumakay sa cute na cute na Jeep sa Malolos na kilala sa lugar na "Karatig". Muka syang owner-type jeep...actually owner-type jeep sya. Haha. Basta maliit lang, para lang sa mga sexyng pasahero. Ganito itsura...


Dumating kami ng Barasoain Church (also known as Our Lady of Mt. Carmel Parish) siguro mga 4:15PM at kasalukuyang may kasal. Ito namang si Bebe Dora kilig na kilig, daig pa yung kinakasal. Haha. Natuwa naman kami kasi since may kasal, bukas yung simbahan at pwede kami makapasok sa loob. Isa sa pinakamahalagang struktura ang simbahan ng Barasoain hindi lamang sa relihiyong katoliko kundi pati na rin sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito kasi tinatag ang 1st Republic, ang 1st Congress at ang Malolos Constitution. (Wow history???)

Kahit hindi nyo pa itanong, ipipilit ko pa ring sabihin na itong simbahan ng Barasoain din ang kauna-unahang building na napasukan ko. Sabi kasi nila dadi, pagkalabas ko sa clinic na pinag-panganakan sakin, dito daw nila ko unang pinasok. Wala lang, makapagyabang lang. Haha. At kahit madalas man ako sa Malolos dati, pangatlong beses ko palang 'to makapunta at makapasok sa Barasoain. Ewan ko nga ba, siguro di ba kasi kapag malapit sa inyo ang isang tourist spot eh parang usual na pangitain nalang sa'yo yun??? Kaya hindi mo naman masyado nabibigyan ng importansya. Pero totoong nakaka-amaze talaga kapag nakita mo ng personal 'tong simbahan. Lalo na nung umiikot pa ang 10 pisong papel kung san naka-print sa likod yung picture ng Barasoain Church. (Hanapin nyo yung pusa, hehe)


Pagpasok sa loob, feeling mo bumalik ka sa lumang panahon. Ramdam at kita kasi ang kalumaan ng simbahan. Yung mga makakapal na batong pader, yung mga columns, carvings, paintings, yung mga kahoy na ginamit, yung altar, yung mga bintanang yari pa rin sa capiz shell, yung style mismo ng structure at lahat ng makikita mo sa loob.


Meyo umandar ang kakulitan namin kaya akyat kami agad sa anu bang tawag dun? yung kinakantahan ng mga choir sa taas? sa may bandang likod kapag naka-harap ka sa altar??? Oh basta ayun, akyat kami don tapos picture-picture. Hehe. At hindi pa don nagtatapos. Itong si Mark, pilit kaming inaayang pumasok dun sa masikip na eskinita na parang kweba pa-akyat sa kampanilya, eh nakakatakot kaya kasi ang dilim-dilim, ang sikip-sikip pati parang ang dumi-dumi. Pero kunyari lang na ayaw ko, gusto ko lang magpa-pilit, syempre dapat pakipot muna sa umpisa. Haha. Ayun nauna si Mark pumasok tapos ako, tapos si Bebe. Grabe ang sikip talaga, parang yungib. Tapos parang sapot-sapot pa. Parang pang-horror. Tapos nung nasa hagdan na kami paakyat, itong si Mark sobrang excited madaling-madali. Ako naman parang natatakot na, haha. Hindi naman sa duwag (weh!) pero alam mo yon. Para kasing feeling ko kaming 3 nalang ang tao dun. Tapos ang sikip talaga nya, makikitid yung steps, madilim, tapos pwede ka nang magtanim sa bawat steps ng hagdan sa sobrang kapal ng lupa na parang 50years ng hindi naaakyatan. Ito namang si Bebe takot na takot din, ni hindi nga tumapak sa hagdan. Baka daw kasi bawal pumasok dun. Pati parang sa Sukob daw. Waaahh! Medyo affected naman ako kasi nai-imagine ko yung creature sa Sukob baka biglang hatakin nalang kami don. Haha.



Pero bago pa man kami ma-praning ni Bebe sa loob, lumabas na rin kami at hindi na pinilit ang aming mga sarili na umakyat pa sa taas. Paglabas namin sa yungib, sabay may pumsok na 2 babae, tapos nakita nung bantay sabay sinita na bawal daw pumasok dun. Haha! Bawal pala dun, hindi lang alam ni kuyang caretaker na nakapasok at nakapag-picture na kming 3 sa loob. Hehe.

Pagkatapos nun, sa labas naman kami pumwesto. Hinintay din kasi namin lumabas yung kinasal. Ang cute kaya! Sweet. Mukang mayaman. Andami kasing umaasikaso. May make-up artists, photographers, mga organizers atbp.


Ayun, after namin manggulo sa Malolos bumalik na rin kami sa bahay para manginain at dun naman mangulit.

Address: San Gabriel, Malolos, Bulacan