Friday, October 8, 2010

Koreanong Pinoy

High school ako nung nananakbo kong umuuwi sa bahay tuwing hapon para maabutan ang Meteor Garden sa ABS. Naalala ko pa, naiinis ako kapag wednesday kasi cleaners cleaner ako nun kaya kalahati nalang ang naaabutan ko. Hehe. Hook na hook ang lahat don, (oh, aminin mo, nanood ka din nito), syempre bago sa panlasa. Isang babaeng mahirap pero nakapag-aral sa isang sikat na paaralan at dun nakilala ang apat na mayayabang na mayayamang lalaki na sa huli ay naging ka-group nya. Nakaka-sawa na kasi yung sa mga Mexicano. Puro mayaman-mahirap epek. Kapag mayaman, mayaman talaga. Kapag mahirap naman, sobrang hirap. Ang hahaba pa ng pangalan. At sobra sa mga romantic scenes. Si Thalia kasi masyado tayong pina-inlab sa kanya, tuloy nag-puro Mexican soap ang TV natin. Hehe.

Anyways, sa pagsisimula din ng pamamayagpag ni Shan Cai sa dos ay nagsimula na ring mag-import ng mag-import ang pinoy tv networks ng mga top-rating serye galing din sa Taiwan, at di nagtagal, sa South Korea. Kung dati, ang pang-lagay ng mga tv networks sa mga slot nila na hindi masyadong mabenta ay mga Mexican soap, ngayon puro mga Korean drama na. Hindi naman siguro yon masama. Sa totoo lang ang galing gumawa ng drama sa Korean. Hindi sila nauubusan ng istorya. At halos lahat eh unique talaga. Naalala mo pa ba yung Jewel in the Palace? yung Full House? Coffee Prince? Princess Hours? Endless Love series? at syempre ang Meteor Garden korean version na Boys Over Flowers. Hehe. Naaalala ko dati, ang primetime ng syete eh puro anime galing sa Japan. Tapos napalitan ng Mexican soap, then ngayon Korean drama naman.

Hindi naman masama mag-import ng mga serye galing sa ibang bansa. Lalo na kung maganda talaga yung programa. Ang kaso, minsan nakaka-lungkot din isipin na ang pagpapalabas ng biniling programa nalang ang mas pinipili ng network kesa sa mag-produce ng sarili nilang serye. Kung iisipin mo nga naman, mas matipid yung pagbili nalang ng rights ng serye kesa sa gumawa ka ng sarili. Ang kaso gaano ba ang sobra na? Unti-unti nating pinapatay ang sarili nating industriya, at nililimitahan ang ating abilidad na gumawa ng sariling programa.

Sa pagdaan ng panahon, siguro sa dami na ng na-import ng Pinas sa South Korea na drama eh halos naubos na nila yung mga pedeng bilin (haha) kaya nakuha na nilang mag-remake ng mga nauna nilang bilin. Ang problema, sana hindi nalang nila nire-make dahil unang-una, naiiba ang istorya at ang pinaka-masaklap, pumapangit. Hayyy. Ilan sa mga yun ay ang My Girl, All About Eve, Only You, Kim Sam Soon, Lovers in Paris, Full House, Stairway to Heaven at mukang gagawin nila ang Jewel in the Palace na si Claudine daw ang gaganap. Ahahahahaha. Sori natawa ko pero nakakatawa naman talaga kasi.

Eto huling-huli na pramis. Last Monday, nag-pilot episode ang Imortal sa dos. Wala akong masabi kundi, NAKAKAHIYA. Para syang Twilight + Harry Potter. Vampires, Wolves, Mother gave the ultimate protection to her daughter by giving-up her life and so on. Wala na ba talaga tayong maisip na bago? Hey creative writers where are you??? For IDOL, nice try but no, hindi click. I know we have lots of potentials in this industry. We have creative minds like of Koreans. Our vast cultures could be our source, or our glorious past. I know we could do more, we could do better than this. Now here, dapat ko naman bang sisihin si Shan Cai dahil pina-inlab nya din tayo sa kanya at nagsimula ang lahat ng 'to?

2 comments:

mots said...

may masahol pa ba sa pagreremake ng mara clara? tsk. walang katapusang hanapan ng diary na naman yan.

jandean fajardo said...

ay ou nga noh.. haha.. naalala ko yung diary..

Post a Comment