Hindi ko ba alam kung bakit sa dinami-rami ng mga naririnig kong mga nadudukutan eh hindi pa rin ako naging alerto. Sa dinami-rami rin ng mga modus na napapakinggan ko sa TV eh hindi ko pa rin natandaan. Siguro dahil na rin sa hindi pa nga ako nawawalan kaya din siguro hindi ko pa natututunan ang mag-ingat sa gamit kapag nasa public places. And now it happened...
Kaninang umaga, bago ko umalis ng bahay, madeded-bat na yung phone ko. Pero naisip ko na wag ko na lang i-charge at sa opisina nalang para tuloy-tuloy ang pagcha-charge ko a
Habang nag-aabang sa crossing ng bus pa-Ayala, may 2 bus na rin siguro akong hindi sinakayan dahil sobrang siksikan. Pero nung pangatlo na eh sumakay na rin ako dahil baka ma-late na naman ako. Usually, kapag tayuan, gusto ko talagang mapunta sa gawing dulo, kasi medyo maluwag-luwag dun kumapara sa harap na ang sikip-sikip na eh ang dami pang bumababa at sumasakay. Pero this time, hindi ako maka-diskarte na makapunta sa bandang likod dahil sa sobrang dami ng tao sa may harapan. Nung nagba-baba na yung bus sa Boni, medyo madami yung pasaherong bumaba. Tapos merong lalaki sa likod ko na medyo sumiksik sakin akmang para makapag-bigay ng daan sa mga baba. Then medyo na-wirduhan ako kasi bigla nalang syang sumabay sa mga bumababang pasahero.
Dahil marami na nga ang nakababa, nagkaron na rin ako ng pagkakataon na makapunta sa bandang likuran ng bus kung san maluwag. Tapos kinuha ko yung wallet ko sa bag para kumuha ng pambayad at nilagay ko nalang sa kaliwang bulsa ng pantalon ko. Nagulat ako kasi ang bilis ko lang malagay yung wallet sa bulsa ko. Dahil usually mahirap yun isuksuk dun dahil nandun yung phone ko. At yun, kinapa-kapa ko. Until I realized...nawala na yung cellphone ko.
Bigla-bigla naalala ko yung lalaking bumaba sa Boni. Kaya siguro sya sumiksik nung una eh para i-distract ako. At nung time na bigla nalang syang naki-sabay sa mga bumababa eh nagtagumpay na sya sa pagkuha ng phone ko. Na-amaze lang ako of how he have done it so quick. Hindi ko manlang naisip.
Nalungkot lang ako dahil may mga taong kailangang magnakaw o manggulang sa kapwa nila. I didn't know kung ako man ang dahilan niya. Naawa nalang ako. He might gain something out of stealing, but in fact, he lose himself by doing such thing. Hindi ko na pinanghinayangan yung phone ko, well it's just a phone. Mahigit 1 year ko na rin naman gamit yun, at medyo hindi na ko natutuwa sa mga bugs ni Ericsson. Hehe.
Swerte na rin ako at ganun lang ang nangyari, wala ng panunutok ng baril o patalim. Pasalamat na rin talaga ko at hindi yun snatch, dahil baka ma-trauma ko kapag ganun. Buti na lang din at ma-dededbat na yun. Atleast kelangan pa nya ng technician para mabuksan yun dahil my security code. Ehehe. Nakakainis lang dahil kung kelan nakabisado ko na yung number ko sa sun tsaka pa nawala. Haha. Tapos kaloload ko lang nun na 1month unlimited nung Friday. Huhu.
Now I've learned my lesson. Hindi ko na ilalagay sa kaliwang bulsa ko yung phone...sa kanan na. Haha, joke! Basta alert lang kapag madaming tao. Pero mas maging alerto kapag walang tao. Di ba! Di ba! Phone lang yun. Mapapalitan at mapapalitan. Makabili nga bukas ng BB. Wow!
No comments:
Post a Comment