Hindi, hindi 'to tungkol sa pagluluto at lalong walang kinalaman 'to sa pagpiprito ng itlog. It's about Toy Story 3!
I never became a fan of Toy Story, but sure I'm a fan of Disney. Wala, dahil siguro hindi ko rin naman na-try panoorin dati sa movie house. Eh nung Wednesday night, hindi ko ba malaman kila Bebe kung bakit bigla nalang nila naisipan manood ng muvi. Habang ako ay nananahimik sa bahay eh bigla nalang nagtext tong si Bebe na manood daw kami ng Toy Story. Ako naman nagreply, sabi ko wala na kaming maaabutan kasi past 8PM na nun (actually nagdadahilan lang ako, haha). Tapos napagalitan pa ko. Kanina pa daw yung text nya na yun. Eh sori naman kasalanan ko bang ngayon lang naresiv ng fone ko??? Haha. Hindi pa nasiyahan at tumawag pa talaga. Nung una ayoko talaga. Unang-una hindi ko naman trip panoorin yon. Pangalawa, hindi yun nakasama sa budget ko. Pangatlo, manonood na nga kami ng Eclipse, ok na yun. Pang-apat, ayoko narin talagang lumabas ng bahay. Pang-lima.... hinde, wala ng pang-lima. Haha.
Nandung dinahilan ko na yung ginagawa ko, na wala akong budget para don, tapos eh kasi umuulan... eh wala. Bigla nalang kaming napunta sa broadway at binanatan ako ng mga makabagbag-damdaming mga linya na pang-academy awards. At ayon, effective. Napa-sama na ko. Haha.
Natuwa naman ako kasi first time ko manood sa 3D! Hihi.. Yun nga lang may kamahalan talaga, pero ano pa ba magagawa ko? Haha. Siguro magdadagdag ka ng P100 sa presyo ng 2D theaters para sa 3D. Pero iba pa rin ang IMAX sa 3D theaters. Sa IMAX P350-P650 yata ang price depende sa movie. Anyway, ayun hindi ko nalang inisip yung binayaran ko (alam nyo naman ako, hehe) at in-enjoy ko nalang ang panonood.
Nung unang beses na sinoot ko yung 3D glass, na-amaze naman ako kasi ang galing! (haha, kinilig bigla?) Advertisement palang yung pinanood ko ah, hindi pa talaga yung movie. Haha. Tapos nung eto na, nagsimula na yung movie, hindi pa rin sakin mawala yung amazement kasi para talaga syang nasa harap mo at malapit sayo. (Sori naman, first time lang) Habang ako ay sobrang excited, bigla nalang bumanat itong si Monch na, "Ano pa pinagkaiba? (ng 3D sa 2D), parang wala naman." Ay gusto ko talagang tumambling! Hehe.
Nakakatuwa lang kasi parang ang lapit-lapit mo sa mga characters. Para talaga silang nakalabas sa screen. I just can't imagine kung ano pa yung mai-ooffer satin ng technology in the future. Pano pa kaya sa henerasyon ng mga apo natin? Baka pwede na rin nila mahawakan yung pinapanood nila. Anyway, I really enjoyed the movie. It was great as other Disney movies. Naaliw pa ko kasi may toy dun na kamuka nung laruan ko dati... si Chatter Telephone! Meron akong ganun! (So ano?) Wala naalala ko lang, hindi ko na kasi yun nakikita. Kaya pala kasi na-donate na sya sa Sunnyside Day Care. Haha. Isa pa pala, alam ko na kung bakit bigla nilang naisip na manood ng Toy Story. Kasi kasama pala sa cast si Bebe! (si Bonnie) At gusto nya kaming sorpresahin! Haha. Bebe magkano TF mo don??? Magpakain ka naman!
Mamaya we'll be watching Eclipse! Excited na ko... hehe... (^^,)
No comments:
Post a Comment