Sunday, July 4, 2010

Fire or Ice?

Nakakainis pa din si Bella! Selfish pa din sya! Hmp! (Affected??? hehe)

Hindi naman ako Team Edward at hindi rin naman ako Team Jacob. Wala. Nakakainis lang dahil ayaw mawalan ni Bella. Gusto nya pareho! Hindi nga pwede eh! Sabi nga sa I Miss You Like Crazy, "Isa lang ang puso mo, kaya dapat isa lang ang laman nyan."At hindi lang yon ah! Harap-harapang nakikipag-harutan sya sa dalawa! (Eh bakit ba kasi masyado kang affected?) Wala! 'Wag syang magrereklamo kapag nag-two time yang si Edward at si Jake ah!

Anyway, about the movie, hindi yun yung ine-expect ko na movie. Hindi sya kasing-ganda tulad ng inaasahan ko. Hindi naman sya pangit pero...basta may kulang. Ang pangit din ng pagkamatay ni Victoria. Nung napatay nga sya ni Edward bigla kong naisip, "Ay, ganon lang sya namatay??? Patay na ba talaga sya? baka naman mabubuhay pa???" Haha. Ang tagal-tagal naman kasi ng pinaghintay ni Victoria for revenge tapos bumuo-buo pa sya ng army tapos mamamatay lang sya na parang hindi manlang nahirapan si Edward. Hayy ewan!

Mas gusto ko pa rin yung New Moon. But I would still watch the Breaking Dawn.Wala, para lang matapos ko yung series. Hehe. Hindi naman ako talaga fan ng vampires at wolves. Lalo na ni Bella! (Bitter, haha)

No comments:

Post a Comment