Tuesday, March 16, 2010

Jobus (Dye)

Ako: San kaya ako makakabili ng jobus?
Ate Cecil: Dyan sa robinson baka meron.
Ako: Meron ba dyan? Ano ba itsura non?
Ate Cecil: Ano ba yan jd tumanda ka ng ganyan hindi mo alam ang itsura ng jobus???
Ako: Haha, eh ano nga ba itsura nun?
Ate Cecil: Eh di parang food color. Nakalagay yun sa papel, may tatak pa nga eh.
Ako: Ahhh. (Sabay text kay Mark, *Ui mark bili mu nmn aq ng jobus, tnx!*)

Hehe, sa totoo lang tinatamad talaga kong bumili ng jobus. Eh kasi naman hindi ko alam kung san ako bibili. (Bakit ba kasi kelangan mo ng jobus???) Last time kasi na paluwas ako ng Manila, sinuot ko yung SFC shirt ko na color violet. Nung nakita ko yun galing sa damitan, sa isip-isip ko, "parang may nabago??". Tapos nung nakita ko sa liwanag napansin ko na medyo kumupas yung kulay. Tsk tsk. Ang bilis naman mangupas! Pero ayun, sinuot ko pa rin kasi feeling ko hindi naman ganung kasagwa.

Nung nasa simbahan na ko, pagdating ni Mark, napatingin sya sa damit ko. Medyo nakakatawa kasi parang napatigil pa talaga sya habang nakatingin sa damit.

Mark: Hala jd ano nangyari sa damit mo? (tingin sa suot ko na parang imposibleng mabago ang kulay ng damit) 
Ako: Huh? bakit?
Mark: Bakit kumupas? 
Ako: Ewan ko nga eh. Baka ganun talaga. 
Mark: Ang sagwa kaya. 
Ako: Ok lang yan. (kunyare hindi nako-concious pero gusto ko ng magpalit ng damit nung time na yun, haha)

Mga 2 weeks pa siguro lumipas bago ko maisipang ijobus yung damit, kasi sayang naman kung gagawin ko nalang yun na pambahay, kaya yun nagpabili na nga ako kay Mark at nakakatuwa dahil special delivery pa! at kasama pa si Bebe! Hehe. Dahil sa sobrang excitement ko para masuot ulit yung kupas na SFC shirt, pagdala palang nila ng jobus ginawa na namin agad. Hehe.

Hindi ko alam kung ano magiging itsura nun after ma-dye pati natatakot ako kasi baka pati yung print maging violet din pero basta, nandun naman si Mark at sabi nya nakapag-jobus na sya kaya ayun bahala na sya. Binabad ko yung damit siguro mga 20mins then sinampay ko nalang after. Kinabukasan ng matuyo, hala! hindi pantay yung kulay! Huhu. Ang daming puti-puti sa likod tapos sa harap may dark tapos may light din yung kulay. Grrrr. Hindi ko na yata talaga magagawan ng paraan. Naisip ko, i-clorox ko tapos i-jobus ko ulit. Haha, sa sobrang pagka-depressed wala na kong maisip na matino.

Last week nagpabili ulit ako kay Mark ng jobus. Hindi ko kasi alam kung san sya bumubili sa barangka, hehe. For the 2nd time inulit ko yung pagkukulay, but this time ibang method naman. Nung una kasi tinunaw ko sa mainit na tubig yung jobus at asin sabay ibinabad ko yung damit for 20mins, tapos sabi sakin ni Ate Cecil pinapakuluan daw yun. Nung una nag-aalangan pa ko kasi may print yung shirt, baka sa sobrang init eh malusaw. Haha, wala feeling ko lang baka malusaw yun. Tapos hindi ko pa alam kung kakasya sa kaserola yung damit ko, (pati nawiwirduhan ako, damit papakuluan sa kaserola, hehe) pero sabi naman ni Ate Ces kasya daw yun kaya ayun, pinakuluan ko yung damit sa kaserola ng mga 20mins din ng walang tigil na paghahalo. Pagkatapos binanlawan ko na at sinampay and thank God! nagpantay na ulit yung kulay nya. Yahoo!

Ang napansin ko lang, kapag pinaplantsa ko sya eh naiiba yung kulay parang magic mug, yung nag-iiba yung kulay kapag mainit na tubig ang nilagay, hehe. Pero bumabalik din naman sya sa original na color kapag lumalamig na. Ayus db! Hehe.

 *tama ba spell ng jobus ko? hehe.

6 comments:

Anonymous said...

nice one,,, ma try q dn nga yang jobus na yan

Anonymous said...

bakit asin lang nilagay sa jobos. Dapat may suka din

Anonymous said...

saan daw nakakabili kasi naghahanap din ako ng jobus :)... palengke ba?

jandean fajardo said...

Mayroon nyan sa palengke, supermarket at mga grocery stores. May mga iba din pong sari-sari store na may tinda pero pili lang ang kulay. :)

Anonymous said...

dapat nga b may suka din? anyway,nice try po

Anonymous said...

ano ba dapat ilalagay asin lang ba or asin tpos suka?

Post a Comment