Tuesday, September 29, 2009

Reminiscing the Past

Ayun, pano ko ba naisipan mag-blog tungkol sa old manila??? Hmmm.. just this morning, nung nagbo-browse ako sa Pbase.com (favorite kong past-time kapag walang magawa sa ofis 'yung pagtingin sa mga picture galleries dito) may nakita kong picture ng isang tulay sa Rome na medyo hawig sa dating tulay sa Manila. And here it is...

Photo Credit: Robert W. Baron (http://www.pbase.com/rwbaron)
Ponte Vittorio Emanuele II








When I saw this picture, naalala ko talaga yung tulay sa Manila before na nakalimutan ko na yung name. So tinanung ko yung mga officemates ko kung anong bridge sa manila yung kahawig nitong bridge na 'to. Ang kaso, wala silang maisip (haiii, si google nalang ang pag-asa ko). 'Kaw ba may naiisip??? Hehe.

So ayun nga, research ako ng research ng mga pictures ng mga bridges sa manila until nagalugad ko na lahat ng bridges eh wala pa din akong makitang kagaya nito. Sabi ng mga officemate ko (si Gert at Lili) wala daw silang natatandaang bridge sa Manila na kamuka nung nasa picture. Eh meron talaga kong naaalala! Sa manila talaga 'yun! Haha. Hindi talaga ko tumigil sa paghahanap hanggang sa nakita ko to...

Photo Credit: cvrom62 (http://forum.philboxing.com)









Photo Credit: animo (http://www.skyscrapercity.com)
Other view.



Kaya naman pala hindi ko makita 'yung hinahanap-hanap ko kanina pa eh hindi na pala talaga existing 'yun! Haha. (eh san mu ba kasi nakita yan???) Hmmm, napanuod ko sa youtube yung old manila. Here's the link: http://www.youtube.com/watch?v=dvpbsyNcI3I

Ayan, hindi talaga ko tumigil maghanap sa net para lang makita yan. Haha. Medyo hawig naman sila 'di ba? 'di ba! 'di ba! Hehe, kulit. Basta magkamuka sila!

Well then, 'eto pa mga interesting pictures of old manila...

Photo Credit: cvrom62 (http://forum.philboxing.com)




Photo Credit:
cvrom62 (http://forum.philboxing.com)





Photo Credit: JoeyEscalera (http://forum.philboxing.com)

Photo Credit: JoeyEscalera (http://forum.philboxing.com)


Photo Credit: JoeyEscalera (http://forum.philboxing.com)




Photo Credit: cvrom62 (http://forum.philboxing.com)
A view of Quezon Boulevard as seen from the Quezon Bridge. 1942.

Photo Credit: cvrom62 (http://forum.philboxing.com)
See the monument on the left??? Alam n'yo na? Hehe.

Yes!, It's the Rizal Park.

Photo Credit: cvrom62 (http://forum.philboxing.com)
Plaza Goiti. 1932.

Now Plaza Lacson. And yes!, meron ding tranvia (cable car) dito dati.

Photo Credit: Wonderboy (http://www.skyscrapercity.com)
Avenida. Panahon na wala pang PINK footbridges. Hehe.

Photo Credit: cvrom62 (http://forum.philboxing.com)
Quiapo Church. 1942.














Photo Credit
:
Life Magazine
Quiapo Church Interior. Pre-War.
Photo Credit: korky (http://forum.philboxing.com)
Guadalupe. 1973.









Photo Credit: cvrom62
(http://forum.philboxing.com)
Tranvia crossing "The Bridge of Spain"(Puente Espana) built in 1632. This impressive bridge crossed the Pasig River, and connected the walled city to the Chinese section of Binondo that is later replaced by Jones Bridge.

Photo Credit: kuyageezer (http://www.skyscrapercity.com)
Manila Post Office nung wala pang fly-over. Ang linis tingnan.

Photo Credit: kuyageezer (http://www.skyscrapercity.com)
Escolta. Parang Manhattan lang, hehe.

Photo Credit: sick_n_tired (http://www.skyscrapercity.com)
Woah! Grabe ang linis pa ng Manila Bay! Wasn't that beautiful??
1968.











Photo Credit:
BergenScooterPatrol (http://www.skyscrapercity.com)
A photograph with Tondo Church in the background dated about 1899 taken along Calle de Sande. At my sagingan pa pala sa Tondo before. Hehe.







More to come...

Monday, September 28, 2009

Ondoy

Our nation is once again mourning due to the devastation brought about by the tropical storm Ondoy last weekend. Atleast 78 people died and more than a quarter of million have been displaced. It was the worst flooding in more than four decades in history.

Saturday morning, I woke up 10am and fixed myself to buy food outside for my breakfast meal. I saw that It was raining hard so I looked for my umbrella and got outside. Our unit is on the 2nd floor and from there, upon closing the main door, I saw the walk way in flood, the water is just at least 1 foot high so I decided to still go to the store. When I reached the gate, hala!, parang ilog na 'yung daan! I have to cross the street to get to the store so kelangan ko talagang salubungin 'yung rumaragasang tubig baha! I still decided to go and buy food as I'm already starving that time. It was fun crossing the raging flood. Really. Haha, It was like every step you're taking, you have to pause for a moment to steady your balance before you take your next step. And don't forget to watch your slippers! Hehe. Kidding aside, from my experience, you'll know that I really don't realized how serious the situation that time is. Electricity is out, no worries for that. Our only problem that time is our laundries. An insult for those people who have lost everything.

The extent of devastation in the capital and the neighbouring cities and provinces have seen clearer on Sunday as the sun shone briefly - destroyed houses, overturned vans and cars, and streets and highways covered in debris and mud. That's the only time I've realized that this storm has really gone bad. ABS-CBN's special coverage for Ondoy is a great evidence of how serious the situation is. Watching this coverage made me realized how fortunate I am and my family that we never experienced such deluge and lost.

Photo Credit: ABS-CBN News Online (http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/26/09/arroyo-visits-hard-hit-marikina)
Aerial view of a flooded portion of Marcos Highway in Marikina City, September 27, 2009. ABS-CBN News/Jeff Canoy

At the midst of the tragedy, it is really heart-warming to see people working willingly for relief and rescues and risking their lives to save those in need. Foundations and huge companies extending their donations and letting their resources be used for rescue operations for those cities and provinces that is affected by Ondoy. In such time, I proved that the Filipino nation is still united...that we are one in this battle...beacuse we are family. I admire those people whose heart is unselfish. Indeed, for God is so gracious that He never let this storm rest in the country for several days. Let's keep on praying for the healing and comfort of those people who have lost their love ones, their homes and livelihood. God Bless our nation.

How you can help: http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/27/09/tropical-storm-ondoy-how-you-can-help

Saturday, September 19, 2009

Ms. Glamorous

Ayun oh! Berday na naman. Patanda na ng patanda. Haha. Pero ok lang, 'di naman halata. (bumawe, hehe) Well, ayun nga, berday na ulit ni Monch, ilang taon ka na nga ba??? (wala na mang bastusan!) Ai ou nga pla, sabi mu dapat 'di na tinatanung ung age ng mga...u know. (yabang!, haha)

Pano nga ba kami nagkakilala nitong si Monch na taga-Rizal at Laguna?? (MMK??) Nagkasama kami sa dati naming company(Pelatis BPO) sa Ortigas at 'yun, naging officemate kame. Nakaktuwa kasi siya 'yung unang-una bumati samin ni Ate Rachel nung time na nagte-training palang kami for TSR. Nung una medyo 'di pa kami ganung ka-close, pero nakakasama-sama ko na naman din sila.(Lorie, Luvz, Alex at Rob *sila kasi madalas na magkakasama before, basta!, mahabang istorya*) Pero kahit ganun, natutuwa ako sa kanya kasi sobrang thoughful n'ya sa 'kin. Basta, lagi n'ya kong inaayang kumain, kinakamusta, inaaya maglakwatsa, tapos madalas tinitiran nya ko ng fud o kya binibigyan ng kung anu-anu. Hehe. Walang malisya 'yun ah, sweet lang talaga s'ya. And it was all been appreciated. Then 'di nagtagal, nag-rersign silang isa-isa dahil sa hmmmm... basta, confidential. Haha. Tapos ayun hanggang sa 'di na kami nagkikita.

Ilang months after nila mag-resign, kaming mga natira naman 'yung napunta sa alanganin. Magsasara na 'yung company na pinapasukan namin, kaya ayun, we have to look for another company na papasukan at swerte naman dahil 'di ako nabakante. Friday, last day namin sa Pelatis then monday after that may trabaho na 'let ako.(Yipee!, God is so Good!) Ilang weeks din ako sa Makati when I realized na magkakalapit lang pala kami ng office nila Lorie and Monch. Nung una, nagkaka-ayaan lang kami mag-lunch hanggang sa naging regular na. At dahil dun, unti-unti akong naging close sa kanila. Hanggang ayun nga, dumating na rin 'tong SFC(Singles For Christ) and wake up one morning na "yes, we're close friend".

Hmmm, sa una siguro maiinis kayo kay Monch. Kahit ako naman nung una parang nailag sa kanya kasi deretsahan s'yang magsalita pati mataray. Pero pag naman nakilala n'yo na s'ya, maiiba na yung pagkilala 'nyo sa kanya. May mga time din na naiinis ako sa kanya, pero normal lang naman 'yun. Hindi ka maliligaw sa kanya kasi sinasabi n'ya mga napapansin n'ya. (pwera lang sa lugar, dahil short memory 'tong si monch pagdating sa pag-kabisa ng lugar, haha) Mahilig tumawa, pasensyosa (huh???, kabaliktaran, haha), medyo emo (gaya ng maraming SFC, hehe), madaling magsawa, reklamador din, thoughtful, compassionate, malakas boses, active, maraming napapansin, matalino (programmer 'yan noh!) at CERTIFIED adik sa facebook! haha. May nakalimutan pa ba ko??? Basta, dagdagan nyo nalang sa comment. Hehe.

HaPpY Birthday Monch!
(ayan ah, yung magandang picture ang kinuha ko, baka magreklamo ka eh! haha)



*Kaya pala glamorous ang title nito eh dahil ayun 'yung pinerform n'ya nung graduation(Lord's Day) namin nung SFC. Hehe, wla naalala ko lang.

Thursday, September 17, 2009

Lipat-Bahay

Ayan, nag-effort pa kong kunin ang map image sa google. Sana lang nababasa. Hehe. (Click no nalang to enlarge kung interesado kayo)

After ng ilang attempt ng paglipat, kahapon lang kami natuloy. Tinataasan na kasi kami sa dati naming apartment sa Lions Rd. (kung pamilyar kau sa mga kalye sa boni mandaluyong) Eh sus! ka-mahal naman ng gusto nilang ibayad naming upa. To give you an idea, more or less P3,000 ang pinapadagdag sa upa namin per month! Eh ayun, buti yung manager ni Ate Lezlie (housemate friend) eh inoffer ung dati nyang bahay sa Gueventville samin ng 'di kamahalan. So ayun, tinanggap na namin. (kami pa ba magiging choosy?)

Pag-gising ko kahapon, inayos ko na yung mga gamit ko para hahakutin nalang nila pagdating ng truck. Pumasok pa kasi ko sa trabaho kaya 'di ko sila matutulungang maghakot. Tapos nung uuwi na ko, 'di ko alam kung san ba ko uuwe, haha, dun pa rin ba sa Lions o dun na sa Libertad??? Kakay ayun tinawagan ko nalang si Djem to confirm.

Ako: Ui Djem san ba ko uuwe? (nawawalang bata)
Djem: Huh? dito ka muna umuwe sa 'tin.
Ako: Ah, andyan pa ba kayo sa Lions?
Djem: Ou, di pa kami tapos maghakot, andami kasing gamit.
Ako: Ah ok sige.
Djem: Dalian mung umuwe ah!
Ako: Huh? Anung gagawin ko hahatakin ko yung bus??
Djem: Ou sige hatakin mu na yung bus para mabilis ka.


Pagdating ko sa Pioneer, dumaan muna ko sa Robinsons dahil may kailangan akong bilin. Sa isip-isip ko, "Nako baka magalit si Djem, pinapauwe nya ko ng maaga. Kaso pag lumipat na kami ng bahay malamang na matagal pa ulit bago ko madaan dito. Hmp yaan mo na sya, kunyare nalang traffic." Haha, sinungaleng. Eh kasi may bibilin naman talaga kong importante dun tsaka dadaanan ko pa yung pinalaban ko sa boni. Eh pag lumipat na kami ng bahay, malayo na kami sa pioneer kaya baka matagalan na ulit bago ko mapunta ulit dun. Pati ok lang naman kasi alam ko naman yung lilipatan namin kung iwan man nila ko. Pamilyar na sa'kin yung lugar na yun kasi nadadaanan namin 'yun kapag may gathering kami sa Fatima Parish(map: upper right) ng mga kapatid ko sa SFC(Singles For Christ).

Ayun nga bumili muna ko then deretso sa bahay. Pagdating ko dun, bigla sabi sakin nung anak nung may-ari ng apartment

May-ari: "Nako umalis na sila, kaaalis-alis lang"
Ako: "Ah ganun po ba?"


Pero 'di ako naniwala(ang sama, haha) tumuloy pa rin ako sa dati naming bahay para ma-check talaga. Pagsilip ko, hala!, wala na nga talaga sila. Huhu, naiwan ako. (pasaway kasi, may patraffic-traffic pang nalalaman, hehe) Kaya ayun pagdaan ko ulit sa harap nung anak nung may-ari sabi sa'kin text ko nalang. Sabi ko, "Sige po tatawagan ko nalang sila, salamat po". So lumabas ako ng pawisan(dahil andami kong buhat-buhat) sa kalsada at nagseself-pitty (huhu, iniwan nila ko, sana dun nalang talaga ko tumuloy agad sa libertad) tapos pag labas ko pa, biglang buhos ng ulan! Grrrr. Anu ba yan! Nagtricycle nalang tuloy ako papunta dun sa bagong nilipatan. Haiii, napamahal pa. Pero ok lang, atleast 'di ako masyadong nabasa.

Pagdating ko dun sobrang busy ng mga tao, eh di nagbusy-busyhan na din ako, haha. Kahit nakapang-ofis pa ko sige lang sa pagbuhat ng mga gamit para maipasok sa bahay. And at last, natapos din kami ng mga 9pm sa pagpapasok palang ng gamit. Haiii. Andaming kelangan ayusin pa, pero hapi naman kaming lahat dahil much better yung nilipatan namin na yun compare sa dati naming bahay. Sana maging maayos kami don. Ayun lang. New home, new start. (^^,)

Wednesday, September 16, 2009

Kwento Lang

--Umaga--

P50 nalang ang laman ng wallet ko, at inutang ko pa un kay Lota (housemate friend *buti nlng andyan si lota, hehe) dahel walang-wala na kong pera sa mga panahong malapit na ang sweldo(kawawa naman), haha. 'Di na ko bumili ng breakfast sa 7-eleven sa boni na madalas kong binibilan pag umaga dahel gusto ko munang ma-sure na my sweldo na kame bago ko gastusin ung last money ko, kaya ayun, ang ginawa ko eh pumasok muna ko sa office tapos nag-check ng atm at pag-check ko, charaaannn!!! MAY SWELDO NA! wuhuu, makakakain na ko. (haha, poor!)

Bumili lang ako ng hotdog sandwich sa 7-eleven sa harap ng building namen para sa breakfast ko. Tapos di nagatagal, lunch n pala! (di nagtagal dahil as usual, late akong pumasok kya sandali lang ang nilalagi ko sa ofis twing umaga *kunyare pang nagulat 2ng si jd eh lagi naman syang late!* haha)


--Lunch--

Madalas kong kasabay si Monch(office mate before and turned to be a close friend) mag-lunch dito sa makati dahil mgkalapit lang kame ng ofis. Aun nga, kahapon, nagpataan muna ko sa time bago ko bumaba para mag-lunch(kase naman 'tong si monch lagi akong pinag-hihintay pag maaga kong naka-baba). Nung mga 11:50 na, nun palang ako lumabas ng ofis para bumababa for lunch, not knowing na tatlo pala ang sira sa apat lang na elevator ng building!!! hay nako napaka-hirap bumaba! Hanggan 15 floor lang ang Globe telepark dito sa makati, pang 9th floor ako, kaya kapag pababa na ung nag-iisang umaandar na elevator eh punong-puno na! Hai nako talaga! Inabot din ako ng mga 20mins sa paghihintay ng elevator hanggang sa naisipan kong mag-round trip nalang para ma-sure na makaka-baba na ko. So aun nga nagtagumpay naman ako sa pagbaba. (Congratulations!!!)

Dahil sa late na 'kong naka-baba, naubusan kame ng pagkain sa kinakainan namin sa Cityland. (Wawa, haha) Kaya naisip namin na sa GT Tower nalang kumain.

Monch: Antagal-tagal mo naman!
Ako: Eh kasi sira ung elevator eh.
(Pumunta sa kainan sa Country Style sabay sabi ng tindera, "wala ng kanin!")
Ako at Monch: (napatigil at na-blanko ang muka)
Monch: Ayan, san tayo kakain?
Ako: Sa GT nalang.
(Lumabas na ng building papuntang GT)
Monch: Sa GT pa tayo kakakin eh wala nga akong pera! (*kunyari pa pero sumusunod din naman sa paglakad)
(hindi galit si monch, ganyan lang talaga sya magsalita, parang laging naiinis, kaya masanay na kayo kapag nagkukwento ko tungkol sa kanya, haha *Peace Monch!*)
Ako: (Sige lang sa paglalakad at parang walang narinig purket bagong sweldo, haha)


Habang papuntang GT, naalala kong wala akong dalang tumbler, (mahal pa kase 'pag dun bimili ng drinks, gagatos ka ng mga P100, mahal na yun sakin at 'wag ka nang magulat, haha)

Ako: Hala 'di ko pala dala ung tumbler ko!
Monch: (tingin lang na parang ewan, haha)
Ako: Sa tokyo-tokyo nalang tayo kumain, ganun din naman gagastusin natin pag sa GT.
Monch: Hay nako anung oras na, mawawalan na ko ng trabaho. Sige ok lang bahala sila(mga boss nya) dahil naiinis nila ko.
(ganyan talaga si monch, magrereklamo sa una pero biglang papayag din sa huli, haha)


kaya imbis na sa GT sa Tokyo-Tokyo nalang kame kumain, ganun din kase magagastos sa GT dahil wala nga kameng dalang inuminan (mga kuripot!, haha). Ayun, final answer na, Tokyo-Tokyo nalang talaga. Hehe.

Pagdating sa tokyo-tokyo: ang haba ng pila!!! Pero tumuloy na rin kami, kesa naman bumalik pa kami. So, pumila kami, umorder at... binigyan kami ng number. NUMBER???!!! so maghihintay pa kame para makakain???!!! *petience, patience* Humanap nalang kami ng upuan at nagkwentuhan. --30minutes later-- Inaaliw na lang namin ang isa't-isa para kumalma. (Bakit ba antagal ng service dito???!!!) Haiii, tatllong crew na nila ang pinag-follow-up namin ng order, ay hnde!, lima na ata, pero antagal pa din! Anu ba yan! Pagdating ng order namin...

Monch: Ay, parang ang konti ng kanin.
Ako: O-order pa ba ko?
Monch: Ou, eh kakasya ba satin 'yan eh construction worker ka kung kumain.
Ako: (wala ng nasabi, umorder nalang) 1 extra-rice.
Monch: Isa lang? dalawahin mo na!
Ako: Aun, dalawa na daw ('di makapalag, haha) Magkanu ba rice?
Crew: Five pesos po.
Ako: (shocked) Five lang?! (kelan lang libre pa ang rice dito)


Di nagtagal, halos maubos na ulam namin, pero ung rice... ung rice... andameng rice! Haha, hindi pala namin kayang ubusin, ang dami-dami. Na-takaw tingin lang kami dahil sa sobrang tagal ng pinaghintay namin. (hay, kasi ba naman!) Ayun, nasayang lang ung mga 2 cups pa yun. Parang katumbas nung extra rice na inorder ko yung 'di nakain.

Ako: Ui kumain ka pa!
Monch: Anu b?! 'Di na nga ako nahinga dito sa sobrang busog eh!
Ako: Ayan ka, umorder-order pa tayo ng extra rice. Haha.


Kaya ayun, hanggang hapon meryenda na yung kinain namin. Hehe.


--Gabi--

May CLP(Christian Life Program) ulit kami kaya maaga kong umuwe(lagi naman akong maaga umalis ng ofis, anung bago?), pati may isasama kong kaibigan, si Lhen(classmate nung college sa bulacan), dahil gusto daw nyang maging SFC(Singles For Christ). So ayun, I'm more than willing na isama sya.

Mga 7pm, dun kami nagkita sa Mcdo Boni, after nun dumeretso kami sa apartment para naman sunduin si Djem na hindi pa pala nagbibihis. (hay nako!, haha) Pero ok lang kasi ako din naman magpapalit pa. Kaya yun mga 7:30 na rin kami nakaalis ng bahay. Buti nalang hindi kami na-late, hmmm, actually parang maaga pa nga kasi medyo matagal din naghintay sila bago mag-start ung Talk 1. Kahapon, ayun nag-serve ako as music min sa CLP. Natuwa ako kasi parang bumalik sa 'kin ung time na ako yung participant ng CLP. Pero mas natuwa ako nung nakita ko sila Djem na nag-she-share na rin sa groups nila after ng talk. Hehe. God is really working in a way we would never understand.

After ng CLP, I felt happy. Nakakatuwa kasi nasama ko sila sa CLP, lalo na si Djem. Nung tinatanong ko kasi sya dati parang ayaw pa nya. Eh si Lhen walang problema kasi Go na Go sya. Hehe. Isa pa, atleast 'di na ko masyadong mag-aalala sa kanila na baka wala silang makausap dahil bago palang sila, dahil ayun nga sila na yung parang laging magkakausap kapag may talk. Ayun, sana kahit malayo at gabi na, sana regular silang maka-attend, syempre gusto ko din talaga silang maging part ng community ng SFC. Masaya kaya! and at the same time nakakapag-serve ka pa kay God.


Ayan ang haba na ng blog ko. Haha, andami kasing nangyari kahapon. Pati ang saya-saya. Next time ulit. (^^,)

Tuesday, September 15, 2009

My No.1 Angel

Nakakatuwa kasi ito ang unang-unang post ko as berday greetings. At mas nakakatuwa eh itong 1st post ko ay for non other than... tantananaaannnnn... my mom! Wuhuu! Sad nga lang kase dito ko sa manila at 'di ako makakauwe sa bulacan to celebrate this special day with her. Haiii. Kaya aun tinawagan ko nalang sya to extend my greetings, hope na kahit pano napasaya ko sya. Nag-iisip pa nga ako ng gift for her, kaso wala pa kong maisip. Anu kaya? Uwi kasi ko sa saturday sa bulacan, so yun ung time ko para makapag-celeb kami. Hmmmm. Aun, excited na ko umuwe, mga 3 weeks na rin ata the last time na umuwe ako sa'min sa bulacan. It's been a while.

(ayan, kasal ng pinsan ko at sila dadi ang nagpakuha sa cake, hehe)


So aun, for the "very angel of my life"...

labs na labs kita! Sabi nga ng Nido, "You're my no. 1"

Saturday, September 12, 2009

Assembly with CFC

Aun, kagabi umatend ako ng akala ko eh chapter assembly nameng mga taga-POLA pero cluster assembly pala ng mga taga-CFC sa Central A2. Wala namang masama, medyo naguluhan lang ako. Kase ang pagkaka-sabi samen eh chapter assembly daw nameng SFC POLA ksama mga CFC POLA na nung una eh dun sa POLA mismo. ("Ano ba kase yang pola na yan??!! pola ka ng pola naguguluhan nako!!!") Hmm, ang ibig sabihin ng POLA eh Parish of Our Lady of the Abandoned, dun talaga 'yung chapter namen sa mandaluyong. Ayun.

So ayun na nga, tapos bigla nung thursday night, ang sabi naman nila eh sa Fatima chapel nalang daw pala yung assembly, dun ako naguluhan kase may chapter din ng CFC community sa Fatima, eh POLA nga kame kaya baket kami mag-aassembly sa Fatima instead of POLA. Nung pagdating namen ni Monch sa Fatima kahapon, around quarter to 8pm, dun ko lang na-realize na cluster assembly pala 'yun, meaning, assembly 'yun 'di lang ng POLA chapter pero kasama din ang ibang chapter sa Central A2(San Roque, Divine at Fatima). Aun, kaya pala. Haha, basta ganun. Hehe.

Nakakatuwa kase first time kong makasama yung mga nanay at tatay namen sa community(Couples For Christ). Kameng POLA chapter lang ang kasamang Singles s assembly pero ok naman. Kala ko nga makakakanta ko sa praise and worship, kaso 'di ko naman alam 'yung mga kinanta nila, kase mga luma na, haha. (You know) Eh d ayun nakikinig nalang ako instead na kumanta. (pagbigyan mu na sila jd, hehe)

Then maya-maya si ate rizza(Chapter Leader namen) kinukulit ako, sabi mag-share daw ako mamaya after ng worship. Hala!, ayoko nga nakakahiya. Haha. Kasi andame-daming tao, pati basta kinakabahan ako. (Natural saken ang pagiging mahiyain. *weh!* Kaya nga 'di ako pedeng mag-artista, kaya songer nalang. haha. *wag nang umalama! blog ko 'to!*) Sabi ako nalang daw mag-share kasi si Doc Anna na daw ang mag-ba-Bible sharer. Ako naman todo tanggi, sabay turo ko kay Aldine. *Ate Rizza si Aldine nalang!* Haha. Basta nagkukulitan kaming dalawa hanggang sa nagdesyd na sya na ako nalang talaga. (Hala! sapilitan, haha) Kailangan daw kasing atleast may isang sharer samen sa Singles.

Ano pa ba magagawa ko??? So ayun, nung nagba-Bible sharing na, biglang nagbago ang ikot ng mundo! Si Doc Anna ayaw mag-share ako nalang daw. Nyeh! Pero pumayag naren ako kase mas mabilis lang ang exposure sa harap kapag Bible sharer kesa sa sharer ng experience. So ayun, habang may nagbabasa sa harap, ako naman eh todo-hanap ng verse sa Bible na magandang i-share habang umiikot na sikmura ko sa sobrang kaba(haha), hanggang sa naalala ko na meron nga plang kong verse na naka-save sa phone ko. (Buti nalang!, hehe)

Tapos after nung isang sharer, hindi na ko nag-isip-isip pa kung ako na ba ang susunod, basta tumayo nalang ako sa upuan then narinig ko nagpalakpakan sila. Ahaha. Ang sarap kaya ng feeling, pero kabado paren. (Pinapalakpakan pala yun? 'di ko alam, hehe) Hmmm, medyo nakatulong 'yung palakpak kase medyo tumibay ung loob ko ng konte, hmmm, mga 1 inch. Haha. Tapos nung inabot na sa 'kin ni Bro. Beeboy(Cluster Head) 'yung mike, grabeeeeee, nangi2nig pa 'yung kamay ko. Haha, OA man pero ewan ko ba! Tapos ayun nag-start na kong magbasa:

A reading from the letter of Paul to the Galatians:

7Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows. 8The one who sows to please his sinful nature, from that nature will reap destruction; the one who sows to please the Spirit, from the Spirit will reap eternal life. 9Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up. 10Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.
-Galatians 6:7-10

Wow! what a relief! Hehe, after ko magbasa sobrang natuwa ako kase parang lahat sila nakinig sa 'kin. Wala, kakaiba 'yung feeling pag-nagshe-share ka tapos yung mga shine-sharan mo eh talagng interesado. 'Yun lang, excited naman ako mamaya sa practice namen sa music ministry. Hehe. For that, May God be Praised!

Tuesday, September 8, 2009

Stand up For Christ

Ayun.. ekskayted na ko sa CLP(Christian Life Program) namen mamaya! hehe.. Orientation na eh, sana madaming umatend. Para sa mga 'di nakakaalam, ang CLP eh program ng CFC-Singles For Christ pra s mga single men and women ages 19-40 na gustong magservice sa church as SFC (Singles For Christ).

Bale nung time namen ng mga ka-batch ko, dun ginanap sa Sta. Rita chapel ung CLP namen, basta sa may Barangka Drive sa mandaluyong *para sa mga nakakaalam* Eh ngaun, dun naman sa St. Joseph, 'di ko alam sang street yun sa mandaluyong, alien din kase ko dun. Haha.(nasa makati kase ko ngaun kaya "dun" ung term na ginamit ko *nagpapaliwanag pa!, haha).

Hmmm.. first time ko 'to magservice team sa chapter namen (POLA chapter[Parish of Our Lady of the Abandoned]) since ka-gagraduate lng namen as SFC last June. At take note!, i'm part of our music ministry!(whaaat????) 'wag ka nang umalma, ganun talaga ehehe. Oha! Oha! Hmmm, aminado naman akong 'di ako magaling kumanta, pero bakit ba!, hindi naman kelangan mala-mariah carey o mala-eric santos ang boses para mag-serve sa music ministry, basta mron kang commitment. Pati gusto ko talagang kumanta at talagng nagpumilit akong masali sa music ministry. Haha, sapilitan to! Pati sa tingin ko naman dun ako makakapag-serve ng lubos(tagalog na lagalog) 'yun ang importante. Kapag naman marami na kaming kumakanta 'di na naman masyadong naririnig 'yung boses ko kaya parang nasa tono na din. Haha.

Kung 'di man ako marunong kumanta, my options pa naman. Pede naman ako sa instrument. Kaso ang problema, wala naman akong instrument na alam tugtugin, ahahaha. Kaya ayun balak ko rin mag-aral mag-gitara, para naman kahet pano eh meron akong kahit isang instrumentong alam tugtugin. Ayun, papaturo nalang ako sa mga ka-chapter ko. (Janjan nako dapat turuan mo ko!, hindi pwedeng hindi, wala kang choice!, haha) Sana matuto ko agad. This is for God's glory.

Friday, September 4, 2009

Proxy

*sana 'di mabasa ng IT namen.. haha*

Aun, kanina nagbukas ako ng fs(friendster) sa proxy server. Nag-poproxy ako kase naka-block dito sa ofis yung mga site tulad nun(pasaway). Eh wala lang kase my kukunin lang naman kase talaga kong post dun sa page ko, kaso hindi pa man din naglo-load ung page, bigla ng nawala ung internet connection dito sa floor! Inis! Eh d aun. Maya-maya, isa-isa nang nag-almahan mga ksamahan kong programmers dito, hmmm pati yung ibang gumagamit ng internet. Tinatanung nila sa IT namen kung baket nawalan ng internet connection. 'Tas bigla kong naisip, "hindi kaya dahel sa paggamit ko ng proxy kaya nawala bigla yung connection sa internet???" nakoo! *db nung nag-proxy ako, bigla nwala ung internet connection*

Aun na nga kinakabahan na ko. Haha. Tapos, sabi pa bigla nung IT namen, "Kayo kaya nagtanggal ng proxy hindi ako." *Hala pinaparinggan ba n'ya ko? Malamang alam na nyang ako my kasalanan. Siguro nakita nya sa server ung IP Address ko kya nya nalaman*

Sa sobrang kapraningan ko, kunyare 'di ko nalang naririnig pinag-uusapan nila. Pero naiisip ko na na baka matanggal ako sa trabaho kung ako talaga ang may gawa kaya nwalan ng connection. Huhu, 'wag naman sana.

Tapos aun, 'di naman nagtagal mali naman pala hinala ko. Hindi naman pala ko ang may sala. Nasipa lang nung isang kasamahan kong programmer dito yung proxy server kaya namatay ata. Haha. Praning talaga. Halatang guilty. Ayan ang napapala ng mga batang pasaway.

Freshman

Ayun parang istudyante lang! hehe.. 'freshman' since newbie ako dito sa blogger..

Hmm, meron naren akong mga nagawang blogs before pero hindi maxadong marami (http://dhen7.multiply.com). Kumbaga yung mga importanteng happenings lang talaga, pati kelan nalang din ako nagsimula. Wala lang, nakakatuwa kase kapag binabasa mu ulit after a while. Hehe.

Tapos kaya naman napa-register ako dito sa blogger eh dahil na-inspire ako kay olis. Olis? Sino si olis?... Ewan ko, 'di ko din sya kilala. Haha. Ou, kase one time, wala akong magawa sa ofis (well, lagi namang walang magawa dito, hehe), nag-browse-browse lang ako ng pwedeng basahin, then aun bigla kong nakita ung blog nya dito. Aun. Nakakatuwa kase mga blogs nya, pati naka-relate ako medyo sa kanya kase preho kameng taga-bulacan tsaka dun sya nag-aaral sa BSU (Bulacan State University). Hindi ako dun nag-aral pero sobrang pamilyar saken yung skul dahel unang-una, karamihan sa mga classmate ko nung high school at elementary eh dun nag-aaral, pati mga common friends at mga kapitbahay namen. Haha.

'Yun lang muna. Hmm, kung gus2 nyong makita site ni olis na sinasabi ko, visit nyo lang blog nya dito: http://thisisolis.blogspot.com/