We all had a great weekend! Last Saturday (Feb. 12) nag-celebrate kami ng 18th birthday ng kapatid ko - Jewel. Naks! debut na nya! Ang bilis talaga ng panahon. Sobrang saya kasi ang dami dami dami daming tao ang nagpunta para makisaya sa party. Standing ovation talaga! Mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapitbahays, kasamahan sa trabaho atbp. Nagpapasalamat din ako dahil nagkasya yung pagkain. Haha. Kinakabahan ako nung una dahil baka magkulang sa dami ng tao.
Ang sarap sa pakiramdam makita si amang (lolo), si daddy at mga tito kong makita na sinasayaw si Jewel, minsan lang kasi mangyari yung mga ganon di ba. Nakakatuwa din yung ibang kaibigan nya na halos hindi makapagsalita kapipigil sa luha habang nagsasalita ng wish nila para sa kapatid ko. Ang sarap kasing makita na mahal nila yung mahal mo. Oh teka sumerseryoso na ko. Haha. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga tumulong, sumoporta at nagbigay ng oras para sa isang mahalagang event ng pamilya namin. I just can't thank you all enough.
**Salamat kay Tita Cecil, Tita Glo. Sa mga photographer at videographer na naging sobrang mabusisi at matiyaga sa pag-cover ng debut. Sa hosts namin na si Tita Christine at Ate Beth, at kay Ate Carmie na nagluto ng kanin at fried chicken. Yum! Yum! (^^,)
**Wala pa kong kopya ng pictures galing sa nag-shoot kaya yan palang nalagay ko. hehe.
"Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up." - Galatians 6:9
Showing posts with label party. Show all posts

Monday, February 14, 2011
Friday, December 18, 2009
Tuesday, December 15, 2009
Red Carpet
Lights. Camera. Action!
Oh di ba! San ka pa! Walang ka-effort-effort. Hehe. Red Carpet ang theme ng Lord's Day namin last Saturday. Halata naman di ba?! Hehe. Lahat nag-effort na magbihis at mag-ayos for this celebration. Glams ang stars indeed showers the red carpet as our brothers and sisters in Christ one by one arrived and entered the hall wearing not only their suits and dresses but their spirit ready to praise GOD.
Simula't sapol, hindi ko na talaga binalak mag-suit. Kasi naman unang-una wala naman akong ganon. Pangalawa, wala din naman akongmahihingi mahihiraman na ka-size ko. At panghuli, ayoko din naman na magrent pa. Alam nyo naman, magpa-pasko na, kelangan magtipid dahil magastos (pano magtitipid kapag magastos?? huh??). Kaya ayun, parang usual day lang in office ang suot ko, nadagdagan lang ng neck tie kaya parang magbebenta lang ng condo. Hehe. Actually pati nga yung neck tie hiniram ko lang. Pabili na nga sana ko nun, naisip ko naman kasi magagamit ko din naman in the future yun kung bibili nalang ako ng sarili. Kaso nung babayaran ko na sa cashier umandar na naman yung ka-kuriputan ko. Mas naisip ko na ipanood nalang ng sine. Kaya ayun sinoli ko ulit. (nak nang!)
Kahapon ng umaga, as usual dahil walang pasok, maaga kong nagising. (Kapag may pasok, tanghali na kong nagigising at antok na antok pa! Samantalang kapag walang pasok ang aga-aga kong nagigising at hirap na hirap ng gumawa ng tulog!) Nilaban ko na rin yung mga isusuot ko para sa gabi, buti nalang maaraw, madaling matutuyo. Kain tapos ligo agad. Naalala ko kasi na nag-pramis nga pala ko kay Aldine(brother ko sa household) na tutulong ako sa pag-aayos ng venue. Sabi nya mga 10am nandun na sila. So nung mga 10:30am, paalis palang ako ng bahay, tinext ko xa.
(Ano ba naman jd hindi ka na nasanay sa mga SFC) Buti nalang hindi ko inagahan. Hayyy. Inabot kami ng hanggang 5:30pm sa pag-aayos ng venue. Sobrang bagal ng paggawa namin kasi konti lang kaming nagpunta. Yung iba nung bandang 4pm na nakadating. Pero ok naman. Natapos naman namin ang mga dapat tapusin at nagawa ang mga dapat gawin. 6pm ang call time ng celebration at 5:30pm ako umalis ng venue para umuwe, maligo at magbihis. Tsk! tsk! Pano yun??? Sabi ni Kuya Leo kaya daw yun. 30 minutes?!?!
Nakabalik ako at around 7:00 at salamat naman at may mga on time. Akala ko naman kokonti pa rin ang dadatnan ko. Alam nyo naman... And then siguro mga 7:30pm nag-start na yung celebration. It was as usual started with a worship then the Lord's Day ceremony. This time, 2 grup lang yung nag-compete sa presentations, nung time kasi namin 3 grups kami. Pero nakaktuwa naman kasi pinaghandaan din talaga nila. At syempre, mawawala ba naman ang walang kamatayang picturan, kulitan, kainan at katatawanan?! Ayun parang mga nakawalang bata at parang ngayon lang naka-experience ng kamera. Picture dito, picture dun, kain dito, kain dun. May iba pa na feeling artista, kung kani-kanino nagpapa-picture. Ngiti ng ngiti at halos parang gusto kada galaw may picture. May iba naman na pasimple lang, habang busyng-busy ang iba sya naman eh kain ng kain. At syempre, ako naman, sakto lang (weh!). Konting picture (konti??!), at moderate lang din ang pagkain. (talaga lang ah?!?)

The night is a big success! Natutuwa kaming lahat dahil nadagdagan na naman ang army ni God through the efforts of this community. Kudos din sa Music Ministry ng Fatima chapter dahil sinalba nila yung full band sana na gagawin ng POLA. Ganun din, talaga namang pinaghandaan din ang food. Kahit kakaunti lang silang nagluto at nag-ayos, through God's grace nairaos din lahat. Nothing is really impossible with God. It's been a great night for all of us and I hope maging active yung mga bagong graduates at makasama namin sila sa lahat ng activities and gatherings.
For all of these may God be Praised!
Oh di ba! San ka pa! Walang ka-effort-effort. Hehe. Red Carpet ang theme ng Lord's Day namin last Saturday. Halata naman di ba?! Hehe. Lahat nag-effort na magbihis at mag-ayos for this celebration. Glams ang stars indeed showers the red carpet as our brothers and sisters in Christ one by one arrived and entered the hall wearing not only their suits and dresses but their spirit ready to praise GOD.
Simula't sapol, hindi ko na talaga binalak mag-suit. Kasi naman unang-una wala naman akong ganon. Pangalawa, wala din naman akong
Kahapon ng umaga, as usual dahil walang pasok, maaga kong nagising. (Kapag may pasok, tanghali na kong nagigising at antok na antok pa! Samantalang kapag walang pasok ang aga-aga kong nagigising at hirap na hirap ng gumawa ng tulog!) Nilaban ko na rin yung mga isusuot ko para sa gabi, buti nalang maaraw, madaling matutuyo. Kain tapos ligo agad. Naalala ko kasi na nag-pramis nga pala ko kay Aldine(brother ko sa household) na tutulong ako sa pag-aayos ng venue. Sabi nya mga 10am nandun na sila. So nung mga 10:30am, paalis palang ako ng bahay, tinext ko xa.
Ako: Dyan n kau smbhayan?
Aldine: Ppunta plng ako
Ako: 10am pala nandun n ah!(Ano ba naman jd hindi ka na nasanay sa mga SFC) Buti nalang hindi ko inagahan. Hayyy. Inabot kami ng hanggang 5:30pm sa pag-aayos ng venue. Sobrang bagal ng paggawa namin kasi konti lang kaming nagpunta. Yung iba nung bandang 4pm na nakadating. Pero ok naman. Natapos naman namin ang mga dapat tapusin at nagawa ang mga dapat gawin. 6pm ang call time ng celebration at 5:30pm ako umalis ng venue para umuwe, maligo at magbihis. Tsk! tsk! Pano yun??? Sabi ni Kuya Leo kaya daw yun. 30 minutes?!?!
Nakabalik ako at around 7:00 at salamat naman at may mga on time. Akala ko naman kokonti pa rin ang dadatnan ko. Alam nyo naman... And then siguro mga 7:30pm nag-start na yung celebration. It was as usual started with a worship then the Lord's Day ceremony. This time, 2 grup lang yung nag-compete sa presentations, nung time kasi namin 3 grups kami. Pero nakaktuwa naman kasi pinaghandaan din talaga nila. At syempre, mawawala ba naman ang walang kamatayang picturan, kulitan, kainan at katatawanan?! Ayun parang mga nakawalang bata at parang ngayon lang naka-experience ng kamera. Picture dito, picture dun, kain dito, kain dun. May iba pa na feeling artista, kung kani-kanino nagpapa-picture. Ngiti ng ngiti at halos parang gusto kada galaw may picture. May iba naman na pasimple lang, habang busyng-busy ang iba sya naman eh kain ng kain. At syempre, ako naman, sakto lang (weh!). Konting picture (konti??!), at moderate lang din ang pagkain. (talaga lang ah?!?)
The night is a big success! Natutuwa kaming lahat dahil nadagdagan na naman ang army ni God through the efforts of this community. Kudos din sa Music Ministry ng Fatima chapter dahil sinalba nila yung full band sana na gagawin ng POLA. Ganun din, talaga namang pinaghandaan din ang food. Kahit kakaunti lang silang nagluto at nag-ayos, through God's grace nairaos din lahat. Nothing is really impossible with God. It's been a great night for all of us and I hope maging active yung mga bagong graduates at makasama namin sila sa lahat ng activities and gatherings.
For all of these may God be Praised!
Monday, December 14, 2009
Globe PS Christmas Party!
Ayun na. Nagsimula na ang mga christmas party. At pinangunahan na ng Globe. Hehe. Last Friday, sinugod namin ang bahay nila Sir Paolo sa QC para dun manggulo. Dun kasi ginanap yung christmas party ng department namin sa Globe. Hindi na daw kasi nagki-Christmas party ang buong company ng Globe simula last yir kaya sila nalang ang nag-aayos ng party per department. At ayun, kila Sir Pao ang naisipan nilang venue. At sa fud, syempre, patak-patak.
Nung una dapat hindi talaga ko makaka-sama sa party. Kasi naman lagi nalang may nasasabay na activity sa SFC, eh simula pa rin naman nung una, priority ko talaga ang service, kaya madalas hindi talaga ko nakakasama sa mga kaguluhan ng mga friends dito sa opis. At ayun, nung friday night dapat pupunta ko ng rehearsal ng music ministry sa SFC, pero dahil nga sa ilang beses ko ng na-mimiss ang mga lakad ng mga opismeyt, sumama na ko this time at sila naman ang sinamahan ko.
Umalis kami dito sa opis ng mga quarter to 5pm, traffic daw kasi sa C5 lalo na sa EDSA kaya dapat maaga. Sa mga ganitong lakad, hindi talaga ko natutulog sa byahe. Gusto ko kasi nakikita kung san kami dumadaan. Ewan ko ba, mahilig talaga ko sa landmark. (favorite subject ko eh History at Geography... weird?) Tsaka, gusto ko kasing maging pamilyar sa mga lugar dito sa Manila. Wala lang, para hindi ako maligaw kung san man ako mapunta. Hehe. At ayun, maaga nga kaming nakarating. Maagang-maaga!
Halos kami palang ang tao dun ng makarating. Kaya ayun medyo umiglip muna ko sa pagkalaki-laki at pagkalambot-lambot na sala set (pagpasensyahan nyo na ngayon lang naka-experience ng pang-mayamang gamit). At ayun, di rin naman nagtagal nagsi-datingan na rin ang iba pa naming kasama at nagsi-pwestuhan na. Saan pa ba?! Eh di sa kainan! Hehe.
Happy CHRISTmas! (^^,)

Subscribe to:
Posts (Atom)