Showing posts with label christmas. Show all posts
Showing posts with label christmas. Show all posts

Wednesday, December 22, 2010

T'is the season to be jolly!


Nakakatuwa ang pasko noh? mga ilaw... mga dekorasyon... simoy ng hanging malamig... simbang gabi... mga pagkain... mga party... regalo... caroling... 13th month pay(yun yun eh!, haha)... It's like everyone's happy. Everyone is busy. Everyone is preparing. Ibang excitement talaga ang dala ng pasko. But you know, what I love most about Christmas is the spirit of sharing and giving. Hindi lang of material things but also giving of your time, of your presence, of your forgiveness, thanksgiving and appreciation. Di ba ang saya?! At ang lahat ng ito is brought by LOVE. The word that made flesh, JESUS - the real reason why there's Christmas.

So if you think you don't have any reason to be happy this season, just think of how much love Jesus has for you. More than anything... it's more than enough. He believes that you're to die for.

Have a merry Christmas! ^_^

Thursday, November 18, 2010

A Christmas Present

 
Nung bata pa ko, excited talaga ko kapag mag-papasko. Ang dami kasing pagkain. Madaming regalo, madaming pera (haha), tsaka parang lahat masaya. Parang may magic na dala ang pasko. Naalala ko pa nun, gusto kong nakukuha nun eh yung kulay ube na pera, o kaya kapag regalo naman gusto ko laruan, ayoko ng damit. Hehe.

Divisoria time! Tuwing magpa-pasko talaga sumusugod kaming buong pamilya sa Divisoria para mamili ng mga pang-regalo sa mga inaanak, pamangkin, at iba pang kelangang bigyan. Makikipag-siksikan at makikipag-tawaran talaga kami dun para marami kaming mapamili at mapagkasya lahat ng kailangang bilhan ng regalo sa bonus ni daddy. Hehe. Nakakapagod but at the end of the day, it's always been a fun adventure para saming pamilya.

Nagka-caroling pa ko nun, kasama yung mga kaibigan ko. Bato, lata at ang aming mga crystal voices eh solb na! Meron pa nga akong hindi makakalimutan nun na experience, one time nag-caroling kami sa mga kapit-bahay, ako yung taga-lyre (haha, nag-effort pa kong magdala ng lyre) tapos nung kumakanta na kami sa pangalawang bahay, nagulat kami kasi bigla kaming sinabuyan ng timba ng tubig na may langis-langis pa yata! Pahiya tuloy kami. Salbahe! Ayun, syempre nagalit yung mga nanay namin sa kapit-bahay namin na yun. Hmp! Lasing pala.

Tapos nagsisimbang-gabi din ako nun. Pero gabi talaga yung simba samin nun, mga 7 or 8PM siguro. Sa bisita lang kasi yun. (Bisita ang tawag samin sa mga maliliit na simbahan or yung mga chapel) Sa bayan, dun yung pang-madaling-araw. At ako pa! hindi ako sanay gumising ng maaga kaya samin lang ako. Haha. Pati nakakatuwang magsimba nun kasi magkikita-kita kayong magkaka-klasmeyt dahil kayo-kayo lang din naman sa baranggay ang magsisimba dun.

Noche Buena, yum! yum! Ang sarap ng ham, ang walang kamatayang spaghetti, keso at tasty (pan bread), bbq, sopas, fruit salad at kung anu-ano pang paboritong handa kapag pasko.

Pero sabi nga nila, everything's really changes. Ngayon hindi na ko nakakapag-simbang gabi. Siguro yung pagsisimba nalang ng Christmas Eve kasama ng pamilya. Hindi na rin ako nanga-ngaroling. Lalong lalo ng hindi na ko nakaka-pamasko, yun ang pinaka-masakit dun eh! Haha. Ako na yung obligadong magbigay kasi daw may trabaho na ko. Unfair! Tapos ngayon parang nakakahiya pa kung isang ube lang ang ibigay mo. Haaayyy iba na talaga ang panahon. Pero nagpupunta pa rin naman ako sa ibang mga ninong at ninang ko kapag pasko. Syempre nakasanayan na. Mas maganda ng puntahan mo sila kahit matanda ka na kesa naman dahil sa nahihiya ka eh hindi mo sila pupuntahan. Naintindihan nyo ba? Ang gulo ko noh? Haha.

Pati kung dati gusto ko ng perang ube at laruan, ngayon gusto ko perang blue tsaka trip to HongKong. (Abusado??? Haha) Syempre joke lang yon. Yung HongKong ah, pero yung perang blue syempre totoo yon. Haha. Wala, syempre habang tumatanda tayo at nagkaka-isip, naiiba naman talaga yung gusto natin (oh yung mga madumi ang utak dyan, hindi yun ang ibig kong sabihin) More of sa family matters, sa career, sa health, love life, sa future, yung mga ganun. Di ba? Pati kung dati eh yung mga gusto natin magkaron kapag pasko eh nanggagaling sa iba, ngayon iba na. Kung wala kang kamag-anak na mayaman na nasa ibang bansa para ibigay sayo yung kung ano man yung gusto mo, then ikaw mismo yung magi-strive na makuha yon. Pero ang importante eh dapat isa-isa lang. Hinay-hinay lang. Generous naman si God, ibibigay nya yan.

Sa ngayon, wala pa kong maisip na christmas gift na gusto ko. Hmmm, ano ba? Siguro gusto kong mabayaran lahat ng utang namin. Tsaka gusto kong makapasyal kami nila dadi sa kung saan pwede. Para naman marelax-relax sila. Yun lang. At isa pa pala, (kala ko ba one at a time??) Hindi Christmas wish naman to. Sige na! Hehe. Sana mapagamot ko na yung mata ng kapatid ko next year. Ayun. Ikaw, anong gusto mong matanggap ngayong pasko?

Monday, December 28, 2009

How's your Christmas?

Kamusta naman ang krismas nyo?? Sakin ayun, the usual. Nagsimba ng 11PM nung 24, pagdating sa bahay kumain, nagbukas ng mga gifts, nagbalot ng iba pang di pa nababalot na pambigay at natulog. Hehe. Hindi ko talaga binubuksan yung mga gifts sakin until 24, para naman may excitement. Ehe. Tapos ayun nung umaga 9AM na yata ako nagising. Namimiss ko talaga nung bata ako na napaka-aga kong nagigising kapag pasko. Excited kasi kong suotin yung damit ko na usually eh bago. Tapos idagdag mo pa yung mga pagkaaga-agang mga batang namamasko kila mami na maiingay. Bumabangon ako kaagad nun kasi naiisip ko iikot pa ko sa mga bahay-bahay ng mga kapit-bahay namin pati sa mga ninong at ninang ko. Haha.

Sa ngayon, iba na talaga. Tanghali na ko gumising, at wala nang masyadong maiingay na mga bata. Yung mga bata kasi samin ngayon medyo maliliit pa, yung medyo kalakihan eh mga dayo lang naman sa lugar namin, at yung mga kababata ko eh malalaki na rin. At syempre hindi na rin ako nag-iiikot pa samin para mamasko. Pero tulad nga ng sinabi ko, sumasama pa din ako kila dadi sa pagpunta sa mga kamag-anak at ninong at ninang. Naisip ko naman kasi, wala namang masama kung pupuntahan ko pa din sila. Hindi rin ako nahihiya kasi hindi naman ibig sabihin na pupunta ka sa kanila eh nanghihingi ka na ng aginaldo. Kumbaga, nakasanayan ko na yon, pati minsan ko lang naman sila makita.

At ayun, sa napuna ko, wala pa rin namang pinagbago ang pag-celebrate samin ng pasko. Marami pa rin bata kahit saan. Lahat ng bahay eh may bisita (pwera nalang sa mga nagtatago. Ehe, joke lang!). Lahat busy. At lahat masaya. Lalo kapag napunta kami sa mga pinsan ko sa side ng mami ko. Pagkadami-dami kasi nila. Lalo na yung mga pamangkin ko dun nakoooooo! Kapag nagsimula ka ng mamigay ng kahit tigbe-bente magugulo na mundo mo sa dami. Haha.

Isa pa pala!, ngayon ko lang nalaman na ang "susmaryosep" na term pala na usually eh nasasambit ng mga matatanda kapag nagugulat o nagagalit eh Jesus-Mary-Joseph pala ang ibig sabihin. Hindi nyo din alam yun noh! Ehe. Now you know (manny ikaw ba yan?).

Bakasyon mode

Grabe 2 tulog nalang pasko na! Wuhuu! Ang bilis na talaga ng panahon. Parang kelan lang nung nagsimula akong mag-work sa globe at mag-stay dito sa manila tapos ngayon nandito pa din ako tamad na tamad dahil bakasyon-mode na ko. Haha. (Kasi naman bakit di pa kami pauwiin nalang at makatulog nalang sa bahay) Ai! joke lang naman yon, syempre dapat ok lang sakin na nandito pa sa opisina. Baka naman sabihin sakin ng boss ko eh gusto ko palang matulog eh di umuwe na ko't matulog nalang at wala na kong babalikang trabaho. Mas masaklap naman yon. Hehe.



Handa na ba kayo for christmas??? Hmmm, naka-dalawang simbang gabi lang yata ako. Hihi. Ai tatlo pala! (so proud ka pa na naka-tatlo ka lang?!) Ang aga-aga kasi. Tapos naka-3 na yata akong christmas party simula nung 15 palang. At syempre hindi mawawala ang exchange gifts, kainan at pikchuran! Ewan ko nga ba, ganun talaga eh. Iba talaga mag-celebrate ang pinoy kapag christmas. Parang lahat masaya. Parang lahat excited. Parang lahat busy. At parang lahat kinakalimutan munang mag-diet. Haha. Nung makalawa nga mahilo-hilo ko sa dami ng tao sa Megamall. Parang pyesta! Lahat busy sa pamimili. Ganun din kahapon sa Greenbelt, Landmark, Glorietta at SM! Yan ba ang mahirap na bansa??? Hehe.

Wednesday, December 16, 2009

Simbang Gabi


Bakit ba ang simbang gabi eh sa umaga sine-celebrate??? Eh di kung ganon, dapat ba ang dawn mass eh simbang gabi din ang tawag??? (Bakit ba naman kasi affected ka?) Ang aga naman kasi ng misa. Yun lang un eh. Hehe. Medyo mahirap lang gumising ng maaga. Eto naman kasing si Mark gusto pa sa malayo kami magsimba samantalang may malapit naman. Pati nakakatakot, napraning kasi ko kanina dahil 3AM ako nagising at naalala ko yung movie na "Paranormal Activity" at "Exorcism of Emily Rose", sabi kasi dun, 3AM is the demonic hour. Waaaahhh! Medyo nahirapan tuloy ako bumangon. At ayun pagbangon ko, lagi kong nilalaro yung pusa namin sa bahay para may kasama ko. Medyo maingay lang sya dahil naglalandi pero ok lang atleast may kasama. Haha.

Halos 4AM na ng dumating kami sa San Roque at medyo nakakabigla kasi ang dami ng tao. Tuwing linggo kasi pag nagsisimba kami dun medyo hanggang sa gilid lang ng simbahan ang tao, pero kanina umabot hanggang sa kalsada! Whew! Kaso medyo nainis lang ako kasi karamihan din naman sa mga nakita ko eh mga nandun lang para pumorma. Isa pang napansin ko, wala palang 2nd reading ang misa kapag ganon??? Hindi naman talaga kasi ko nagsisimbang gabi, siguro last simbang gabi ko eh nung elementary pa ko. (ay! nahiya naman ako) At nung mga panahong yun, hindi ko rin naman talaga intensyon na makinig sa misa. Ang sakin lang nun eh makumpleto ang 9 na misa at mag-wish. Hehe. Pero syempre iba na ngayon. Hindi na ko naniniwala na matutupad ang wish mo kapag nakumpleto mo yung 9 na gabi umaga. Bakit? Kasi hindi ka naman hinihingan ni God ng kundisyon para igrant ang wish mo eh. He will give everything you wish for in His own time. Sa ngayon, parang ginagawa ko nalang sya as pasasalamat. Oha! Oha!

Monday, December 14, 2009

Globe PS Christmas Party!

Ayun na. Nagsimula na ang mga christmas party. At pinangunahan na ng Globe. Hehe. Last Friday, sinugod namin ang bahay nila Sir Paolo sa QC para dun manggulo. Dun kasi ginanap yung christmas party ng department namin sa Globe. Hindi na daw kasi nagki-Christmas party ang buong company ng Globe simula last yir kaya sila nalang ang nag-aayos ng party per department. At ayun, kila Sir Pao ang naisipan nilang venue. At sa fud, syempre, patak-patak.

Nung una dapat hindi talaga ko makaka-sama sa party. Kasi naman lagi nalang may nasasabay na activity sa SFC, eh simula pa rin naman nung una, priority ko talaga ang service, kaya madalas hindi talaga ko nakakasama sa mga kaguluhan ng mga friends dito sa opis. At ayun, nung friday night dapat pupunta ko ng rehearsal ng music ministry sa SFC, pero dahil nga sa ilang beses ko ng na-mimiss ang mga lakad ng mga opismeyt, sumama na ko this time at sila naman ang sinamahan ko.

Umalis kami dito sa opis ng mga quarter to 5pm, traffic daw kasi sa C5 lalo na sa EDSA kaya dapat maaga. Sa mga ganitong lakad, hindi talaga ko natutulog sa byahe. Gusto ko kasi nakikita kung san kami dumadaan. Ewan ko ba, mahilig talaga ko sa landmark. (favorite subject ko eh History at Geography... weird?) Tsaka, gusto ko kasing maging pamilyar sa mga lugar dito sa Manila. Wala lang, para hindi ako maligaw kung san man ako mapunta. Hehe. At ayun, maaga nga kaming nakarating. Maagang-maaga!

Halos kami palang ang tao dun ng makarating. Kaya ayun medyo umiglip muna ko sa pagkalaki-laki at pagkalambot-lambot na sala set (pagpasensyahan nyo na ngayon lang naka-experience ng pang-mayamang gamit). At ayun, di rin naman nagtagal nagsi-datingan na rin ang iba pa naming kasama at nagsi-pwestuhan na. Saan pa ba?! Eh di sa kainan! Hehe.





Happy CHRISTmas! (^^,)