Habang nakasakay kami sa jeep papuntang Antipolo at dinarama ang kalagkitan at kainitan ng hangin sa syudad ng Pasig, bigla nalang nag-aya itong si Djem na magpunta daw kami sa Taytay Falls bago magpasukan sa June. Medyo na-excite naman ako pero sa loob loob ko hindi naman yun matutuloy. Ahaha. Kaya ayun umoo nalang ako para naman hindi masyadong sumama ang loob nitong si Djem. Hehe. 'Di na kasi bago sakin yung idea na yun. Dati pa din kasi namin pinaplano na magpunta dun nila Monch, at ayun, ni hinagap ng Taytay Falls eh hindi manlang namin naramdaman.
Pero dahil gusto ko din naman talagang pumunta don at medyo tag-araw pa naman (last week), nag-set na kami ng sked kung kelan kami pwede at nilatag na rin lahat ng kelangan. Actually, wala nga palang kailangan. Haha. Damit at pera lang. May bahay kasi sila Monch dun, (alam nyo naman 'tong si Monch kalat sa buong bansa ang pamilya) kaya hindi na namin problema ang tutuluyan.
4PM ng Saturday kami umalis ng Manila at gabi na kami nakarating sa bahay nila sa Sta. Cruz, Laguna. Grabe, akala ko matagal na ang 2hrs na byahe yun pala 2:30 to 4hrs! Ang layo pala! Si Monch kasi parang libangan ang pag-uwi don dati kaya ang akala ko tuloy sandali lang ang byahe. Anyway, pinlano namin na dun na nga lang kila Monch matulog ng Saturday night para Sunday ng umaga kami pupunta ng Majayjay.
6AM wake up time at syempre 6:30 ako nagising. Haha. (Sori naman, maaga pa nga yon eh!) Ayun, hindi na rin naman ako naligo dahil yun din naman ang gagawin namin sa Majayjay kaya kung maliligo pa ko at maliligo din ako sa Majayjay eh redundant na masyado! Haha. Hindi ako nagdadahilan, ganun talaga yon. (Bakit ba ko nagpapaliwanag???) Sumakay kami ng tricycle papuntang bayan then jeep papauntang Majayjay then jeep ulit papuntang Taytay. Nabilang nyo ba?? Hehe, basta tatlong sakay lang yon.
Pagdating sa Taytay, ibaba kayo mismo sa Baranggay Hall. Tapos dun, magpaparegister at magbabayad ng P20 para daw sa pondo ng maintenance ng lugar. Ok lang naman, sa maliit na halaga nkapag-nature trippings ka na, nakapag-swimming ka na, nakatulong ka pa sa pag-aayos nung lugar. (Sana lang sa pag-aayos talaga napupunta yan ah) Galing sa baranggay hall medyo maglalakad pa ng mga 1 kilometro papunta sa mismong falls. Sa paglalakad palang matutuwa ka na dahil sa dami ng makikita sa bundok. (Nakakita din kami ng ahas sa mismong dinaanan namin, pero maliit lang naman, pero ahas pa din yon! hehe.)
Ang Taytay falls at Majayjay falls eh iisa. It flows from the famous Mt. Banahaw sa Brgy. Taytay, Majayjay, Laguna. Ayun. Nasabi ko lang kasi nalilito din ako dati. Hehe. Kahit ano pa man, pareho lang yon. Hindi sya ganung ka-garbo o kaganda katulad ng ibang falls na bumibida sa mga turista, pero sobrang linaw at sobrang linis talaga ng tubig! Pati sobrang lammeeeeggg. Naaalala ko pa nga lang ngayon nagiginaw na ko. Haha. Sa sobrang lamig, dun na kami nagpapalamig ng mga inumin. Oh nai-imagine nyo na kung gano kalamig yon??? Pero ang kagandahan dito, kahit sobrang lamig sya, kapag nilubog mo na yung katawan mo, hindi ka na manginginig sa ginaw. Pati kapag umahon ka sa tubig hindi mo na rin mararamdaman na maginaw pala. Hindi katulad kapag nasa swimming pool ka, nanginginig ka pa rin kahit nakalubog ka na sa tubig at mas lalamigin ka kapag umahon ka na.
It was a really a fun nature tripping at sa sobrang pag-eenjoy namin eh ang akala namin 5PM na eh alas dos palang pala! Haha. Kahit ang oras nadaya kami sa sobrang pagka-aliw namin sa lugar. Sa lahat ng mga naging gala ko dito sa Manila, medyo kakaiba 'to. Kasi for the first time, nakasama ko sila Ate Cecil na kasama sila Bebe na kasama si Aldino na kasama si Dave at the same time. Whew! Housemates + SFC's + Pelatis. Cute! Sobrang masaya ko kasi bihira lang mangyari yon. I know everyone had a great time at sobrang nag-enjoy talaga. I'm already excited for the next trip! (^^,)
"Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up." - Galatians 6:9
Showing posts with label housemate. Show all posts
Showing posts with label housemate. Show all posts
Friday, June 11, 2010
Monday, May 24, 2010
Mnemosyne
Kung gano na ko katagal nagtatrabaho eh ganun ko na din katagal kaibigan 'tong si Djem. Hindi ko nalang sasabihin kung ilang taon na sya at sikreto lang din na lagi na nyang iniinda ang pagsakit ng kanyang tuhod pero ang alam ko lang eh 3rd birthday na nya 'to na magkasama kami. Hehe.
Unang salang ko palang sa Pelatis, nandun na si Djem, pero hindi pa kami close nun, ni hindi ko pa nga sya kakilala non at hindi man lang kami nagpapansinan. Kasama kasi sya ng grupo ng mga kontra-bida, yung mga compilers. Sila yung nag-aapprove kung tama o hindi yung ginawa naming mga scorer. Basta ganun. In short, isa syang kalaban. Haha.
Nung pangalawang beses ako mapasok sa Pelatis para naman mag-technical support, magka-team na kami at hindi na sya kontra-bida, kaya naman nagpapansinan na kami, hehe. Mga 1 and a half years din yata kami sa Pelatis until sa hindi maintindihang dahilan eh bigla nalang kami nawalan ng trabaho. Hayyy.
Anyway, after naman nun eh naging mag-housemate kami ni Djem. After kasi sa Pelatis, nakakuha ko ng job order sa Makati kaya kinailangan ko umupa dito sa Manila, at sobrang nakakatuwa naman dahil welcome ako sa tinutuluyan nya.
Batang may hubog daw, haha. Medyo may kaliitan kasi 'tong si Djem pero small but terrible 'yan! Disiplinado sa mga studyante nya. Madaldal din, haha. Pero ok lang yun dahil matakot ka kapag nanahimik na yan. Halatang-halata kapag nagsi-sinungaling kaya nako kapag may ginawa kang kalokohan at kasama mo sya dapat wag sya ang ipang-front mo. Haha. Mabait, sweet, masipag, dedicated, passionate, creative, artist, responsible, diretsa kung magsalita. WYSWYG (What-You-See-is-What-You-Get) na klase ng tao. Matary, ma-puna, ma-pintas, minsan matalas ang dila at minsan ma-reklamo din. Pero nako, magaling maglinis ng bahay, marunongmagluto mag-prito at mag-saing haha. Kapag may pinagawa ka sa kanyang trabaho sobrang pag-aaralan talaga nya at sobrang paglalaanan ng pagod at panahon. Hindi ko nga lang masama 'to sa SFC pero siguro in time, hehe. May nakalimutan pa ba 'ko??? Paki-comment nalang kapag meron pa... hehe...
*Mnemosyne ang title dahil si Djemnhalie is a.k.a Mnemosyne at hindi ko na matandaan kung bakit. Hehe.
Unang salang ko palang sa Pelatis, nandun na si Djem, pero hindi pa kami close nun, ni hindi ko pa nga sya kakilala non at hindi man lang kami nagpapansinan. Kasama kasi sya ng grupo ng mga kontra-bida, yung mga compilers. Sila yung nag-aapprove kung tama o hindi yung ginawa naming mga scorer. Basta ganun. In short, isa syang kalaban. Haha.
Nung pangalawang beses ako mapasok sa Pelatis para naman mag-technical support, magka-team na kami at hindi na sya kontra-bida, kaya naman nagpapansinan na kami, hehe. Mga 1 and a half years din yata kami sa Pelatis until sa hindi maintindihang dahilan eh bigla nalang kami nawalan ng trabaho. Hayyy.
Anyway, after naman nun eh naging mag-housemate kami ni Djem. After kasi sa Pelatis, nakakuha ko ng job order sa Makati kaya kinailangan ko umupa dito sa Manila, at sobrang nakakatuwa naman dahil welcome ako sa tinutuluyan nya.
Batang may hubog daw, haha. Medyo may kaliitan kasi 'tong si Djem pero small but terrible 'yan! Disiplinado sa mga studyante nya. Madaldal din, haha. Pero ok lang yun dahil matakot ka kapag nanahimik na yan. Halatang-halata kapag nagsi-sinungaling kaya nako kapag may ginawa kang kalokohan at kasama mo sya dapat wag sya ang ipang-front mo. Haha. Mabait, sweet, masipag, dedicated, passionate, creative, artist, responsible, diretsa kung magsalita. WYSWYG (What-You-See-is-What-You-Get) na klase ng tao. Matary, ma-puna, ma-pintas, minsan matalas ang dila at minsan ma-reklamo din. Pero nako, magaling maglinis ng bahay, marunong
HaPpY Birthday Djem!
Hope ma-achieve mo lahat ng gusto mo sa buhay, maipa-ayos mo na yung bahay nyo sa Bulacan makapag-sarili na kayo ng mga mama mo, bumalik ulit sayo ang magical feelings, at syempre good health, happiness and love. May God bless you more and may His peace be with you olweiz.
*Mnemosyne ang title dahil si Djemnhalie is a.k.a Mnemosyne at hindi ko na matandaan kung bakit. Hehe.
Monday, February 15, 2010
Valentine's
Kung Hei Fat Choi!
Wow! It's been a while nung huli akong mag-blog. Sobrang busy ng mga nakakaraang linggo. *sigh* Actually kahit ngayon busy din dahil my deadline kami, pero basta magsusulat muna ko dahil baka makalimutan ko na naman at makatamaran. Hehe.
Ayon pagkatapos ng apag-akyat namin sa Laguna sumama naman ako sa pagba-badminton nila kuya yellow. Kunyari sporty. Haha. Pero ayun, nanakit talaga katawan ko after. Mas grabe pa kesa nung umakyat kami. (Ayan kasi hindi nag-eexercise!, hehe)
Last valentine naman, ayun the usual...... Sa bahay lang ako maghapon, dahil nasa bulacan ako nun. Then mga 4PM lumuwas na ulit ako ng Mandaluyong at katulad ng dati magsisimba sana kami ni Mark. Kaso pagdating sa bahay pupunta daw pala kami ng mga housemates sa MOA, haha, may lakad pala kami pero hindi ko alam. Buti nalang at mga 6:15PM ako nakarating sa apartment, 7PM daw kasi yung Pyromusical. Natuwa naman ako kasi first time ko manuod nun. Dati kasi nung manunuod sana kami ng pyrolympics nila Doc Anna sa Taguig eh hindi na pala tuloy yung competition! Anu ba yun! Hehe. At ayun nga, dahil sa pupunta nga kami ng MOA, sinabihan ko nalang 'tong si Dugal na hindi na ko makakapagsimba (sorry Lord inuna ko pa yung pyro). At dahil traffic na traffic sa EDSA, hindi na namin naabutan yung entry ng Philippines. Nakanuod nalang kami sa loob ng taxi. Tsk tsk. Sayang, mukang maganda pa naman. Di nagtagal naglakad nalang din kami from Macapagal Blvd., di na naman kasi umaandar yung traffic, tsaka medyo malapit na rin naman.
Pagdating namin sa MOA, may harang pala yung kahabaan ng Ocean Drive, tapos yung ticket namin nandun sa isa naming housemate na nasa loob na. Di rin naman nya kami mapuntahan sa labas kasi sila na yung nakasalang sa stage (singer kasi sya sa band). So panu na??? Hindi naman namin pwedeng sabihin sa guard na yung ticket namin eh nandun sa kasama namin sa loob dahil pwede namang sabihin ng lahat yon. Buti nalang at pinayagan yung isa naming kasama na pumasok at kuhanin yung ticket, at ayun, successful.
Sa napansin ko mas maganda talaga yung entry ng Philippines, sayang nga lang at hindi namin nakita ng malapitan. Ang nakita ko lang kasi na kakaiba sa entry ng USA eh yung mga fireworks na sinisindihan nila sa ibabaw mismo ng tubig. Ang galing! Hehe. Nakaka-aliw. Since valentines din non, ang daming lovers sa paligid, at ang dami dami dami dami ng tao! May mga dalang flowers, stuffed toys at mga gifts. Sa taxi pa nga lang ang dami-dami na naming nakitang sweet-sweetan. Hmmm, buti nalang ako pati yung 2 kong housemate hindi naman kami lonely. Bakit ba naman kasi nauso pa ang valentines! Nakaka-stress tuloy at bitter bitteran kapag wala kang pakner. Haha.
P.S. May natanggap akong Valentine's Card...

Sakto yung pagdating namin sa loob dahil paumpisa na yung entry ng USA. At ayun, natahimik nalang kami sa panonood at nawala na ang init ng ulo dahil sa sunod-sunod na pagka-delay. Hehe. Mga 20mins din siguro tumagal yung pyro display and after nun, kumain na kami dun sa restobar na kinakantahan nung isa namin housemate.
Sa napansin ko mas maganda talaga yung entry ng Philippines, sayang nga lang at hindi namin nakita ng malapitan. Ang nakita ko lang kasi na kakaiba sa entry ng USA eh yung mga fireworks na sinisindihan nila sa ibabaw mismo ng tubig. Ang galing! Hehe. Nakaka-aliw. Since valentines din non, ang daming lovers sa paligid, at ang dami dami dami dami ng tao! May mga dalang flowers, stuffed toys at mga gifts. Sa taxi pa nga lang ang dami-dami na naming nakitang sweet-sweetan. Hmmm, buti nalang ako pati yung 2 kong housemate hindi naman kami lonely. Bakit ba naman kasi nauso pa ang valentines! Nakaka-stress tuloy at bitter bitteran kapag wala kang pakner. Haha.
P.S. May natanggap akong Valentine's Card...
sweet! (^^,)
Thursday, September 17, 2009
Lipat-Bahay
Ayan, nag-effort pa kong kunin ang map image sa google. Sana lang nababasa. Hehe. (Click no nalang to enlarge kung interesado kayo)After ng ilang attempt ng paglipat, kahapon lang kami natuloy. Tinataasan na kasi kami sa dati naming apartment sa Lions Rd. (kung pamilyar kau sa mga kalye sa boni mandaluyong) Eh sus! ka-mahal naman ng gusto nilang ibayad naming upa. To give you an idea, more or less P3,000 ang pinapadagdag sa upa namin per month! Eh ayun, buti yung manager ni Ate Lezlie (housemate friend) eh inoffer ung dati nyang bahay sa Gueventville samin ng 'di kamahalan. So ayun, tinanggap na namin. (kami pa ba magiging choosy?)
Pag-gising ko kahapon, inayos ko na yung mga gamit ko para hahakutin nalang nila pagdating ng truck. Pumasok pa kasi ko sa trabaho kaya 'di ko sila matutulungang maghakot. Tapos nung uuwi na ko, 'di ko alam kung san ba ko uuwe, haha, dun pa rin ba sa Lions o dun na sa Libertad??? Kakay ayun tinawagan ko nalang si Djem to confirm.
Ako: Ui Djem san ba ko uuwe? (nawawalang bata)
Djem: Huh? dito ka muna umuwe sa 'tin.
Ako: Ah, andyan pa ba kayo sa Lions?
Djem: Ou, di pa kami tapos maghakot, andami kasing gamit.
Ako: Ah ok sige.
Djem: Dalian mung umuwe ah!
Ako: Huh? Anung gagawin ko hahatakin ko yung bus??
Djem: Ou sige hatakin mu na yung bus para mabilis ka.
Pagdating ko sa Pioneer, dumaan muna ko sa Robinsons dahil may kailangan akong bilin. Sa isip-isip ko, "Nako baka magalit si Djem, pinapauwe nya ko ng maaga. Kaso pag lumipat na kami ng bahay malamang na matagal pa ulit bago ko madaan dito. Hmp yaan mo na sya, kunyare nalang traffic." Haha, sinungaleng. Eh kasi may bibilin naman talaga kong importante dun tsaka dadaanan ko pa yung pinalaban ko sa boni. Eh pag lumipat na kami ng bahay, malayo na kami sa pioneer kaya baka matagalan na ulit bago ko mapunta ulit dun. Pati ok lang naman kasi alam ko naman yung lilipatan namin kung iwan man nila ko. Pamilyar na sa'kin yung lugar na yun kasi nadadaanan namin 'yun kapag may gathering kami sa Fatima Parish(map: upper right) ng mga kapatid ko sa SFC(Singles For Christ).
Ayun nga bumili muna ko then deretso sa bahay. Pagdating ko dun, bigla sabi sakin nung anak nung may-ari ng apartment
May-ari: "Nako umalis na sila, kaaalis-alis lang"
Ako: "Ah ganun po ba?"
Pero 'di ako naniwala(ang sama, haha) tumuloy pa rin ako sa dati naming bahay para ma-check talaga. Pagsilip ko, hala!, wala na nga talaga sila. Huhu, naiwan ako. (pasaway kasi, may patraffic-traffic pang nalalaman, hehe) Kaya ayun pagdaan ko ulit sa harap nung anak nung may-ari sabi sa'kin text ko nalang. Sabi ko, "Sige po tatawagan ko nalang sila, salamat po". So lumabas ako ng pawisan(dahil andami kong buhat-buhat) sa kalsada at nagseself-pitty (huhu, iniwan nila ko, sana dun nalang talaga ko tumuloy agad sa libertad) tapos pag labas ko pa, biglang buhos ng ulan! Grrrr. Anu ba yan! Nagtricycle nalang tuloy ako papunta dun sa bagong nilipatan. Haiii, napamahal pa. Pero ok lang, atleast 'di ako masyadong nabasa.
Pagdating ko dun sobrang busy ng mga tao, eh di nagbusy-busyhan na din ako, haha. Kahit nakapang-ofis pa ko sige lang sa pagbuhat ng mga gamit para maipasok sa bahay. And at last, natapos din kami ng mga 9pm sa pagpapasok palang ng gamit. Haiii. Andaming kelangan ayusin pa, pero hapi naman kaming lahat dahil much better yung nilipatan namin na yun compare sa dati naming bahay. Sana maging maayos kami don. Ayun lang. New home, new start. (^^,)
Subscribe to:
Posts (Atom)